JERRY OLEA:
Valak did it again! Pila-pila ang mga manonood ng pelikulang The Nun II—kung saan tampok ang madreng demonyo na si Valak, na ginampanan ni Bonnie Aarons—nitong Setyembre 9, 2023, Sabado ng gabi, sa SM Mall of Asia.
Iyong 7:00 p.m. screening sa isang Director’s Club doon ay SRO o Standing-Room Only, kaya nanood kami ng kasama ko ay sa Cinema 5, na halos puno rin.
May mga panggulat ang nasabing gothic supernatural film, na ikasiyam na installment sa The Conjuring Universe.
Nauna rito ang The Conjuring (2013), Annabelle (2014), The Conjuring 2 (2016), Annabelle: Creation (2017), The Nun (2018), The Curse of La Llorona (2019), Annabelle Comes Home (2019), at The Conjuring: The Devil Made Me Do It (2021).
Read:
The Conjuring 2 grosses P106 million in six days
Horror film The Conjuring is based on a true story of a family terrorized in a secluded farmhouse
Sa walong nauna, pinakamalaki ang worldwide gross ng The Nun: $365M.
Itong The Nun II ay ikaapat na labas na ni Valak sa The Conjuring Universe.
Nauna siyang umapir sa The Conjuring 2, Annabelle: Creation, at The Nun.
Ang mga tanong:
Papantayan ba o lalampasan ng The Nun 2 ang $365M na worldwide gross ng The Nun?
Ngayong 2023, ang horror movies na pinakamalalakas worldwide so far ay Insidious: The Red Door ($188M), Scream VI ($169M), Evil Dead Rise ($147M), at Haunted Mansion ($101M). Valak va silang kavugin ng The Nun 2?
Read:
Horror films tumatabo sa takilya sa Pilipinas
NOEL FERRER:
Talaga? Good news talaga kapag may kumikita sa takilya nitong panahon ngayon. May there be more movies na tatangkilikin ng mga tao sa sinehan.
At sana, may Pinoy movie na major na mag-hit muli!!!
Sana, hindi na maghintay pa ng Pasko para may mabiyayaan nang ganito.
GORGY RULA:
Hindi ako mahilig sa horror movies at wala akong valak manood ng The Nun 2. Wala akong oras diyan kahit pa meron iyang midnight screenings.
Sa ibang wala ring valak manood niyan, baka bet ninyong suportahan ang Sine Singkuwenta ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), kaakibat ng pagdiriwang ng 3rd Philippine Film Industry Month ngayong Setyembre.
Sa halagang PHP50, mapapanood ang mga pelikulang Honor Thy Father, John Denver Trending, On The Job, Respeto, Train To Busan, at Your Name mula Setyembre 11 hanggang 17 sa SM Southmall, TriNoma, at Robinsons Galleria.
