PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

FDCP Issue: Liza Dino's Control Concerns

Insiders say the power of an entire Film Council came to be concentrated on its chair, Liza Diño.
Text: Rachelle Siazon Interview: Jo-Ann Q. Maglipon Interview: Erwin Santiago
Published May 18, 2023
Liza Dino as FDCP chair
Industry insiders on how Liza Diño got into trouble with industry stakeholders during the last few years of her term as FDCP chair: "I thought she was doing a good job. But, there was a kind of shift. All of a sudden there is this need to assert her power, not only with the film industry but with the entire audio-visual industry, which is not within the mandate of the FDCP."
PHOTO/S: @lizadino Instagram

#FDCPScandal No.1

Tapos na ang termino ni Liza Diño bilang chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), ngunit ngayon ay napag-aalamang nag-iwan ng kontrobersiya ang kanyang pamumuno.

August 12, 2016 nang itinalagang FDCP chair si Liza, sa simula ng administrasyon ng noo'y Pangulong Rodrigo Duterte.

Tatlong taon ang mandatong termino ni Liza, ngunit extended iyon mula 2019 hanggang July 2022.

Mula July 2022, si Tirso Cruz III ang pumalit na bagong FDCP chairperson, sa ilalim ng bagong administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Read: Tirso Cruz III, itinalaga bilang bagong FDCP chairperson sa kabila ng reappointment ni Liza Diño

Umalis si Liza sa FDCP noong July 2022.

Sa pagpasok ng September 2022, sumambulat ang sanga-sangang problemang dala ng diumano'y mapang-abusong sistema ng pamamalakad ni Liza.

Noon nagsimulang mag-imbestiga ang Philippine Entertainment Portal (PEP.ph).

Nakakalap ang PEP.ph ng impormasyon mula sa iba-ibang stakeholders—mga miyembro ng entertainment industry at mga FDCP insiders—na boluntaryong nagbigay ng datos laban sa dating FDCP chair.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa imbestigasyon ng PEP.ph, ilan lamang sa isyu kay Liza ay ang kanyang "attitude problem" at "micro-management."

Ang pinakareklamo nila kay Liza ay kumilos ito para isentro sa sarili ang kapangyarihang patakbuhin ang FDCP, gayong ang FDCP Council na isang collegial body ang siyang dapat nasusunod.

Sa ilalim ng pamunuan ni Liza, pinangunahan niya ang pag-amyenda sa FDCP Implementing Rules and Regulations (IRR) noong May 28, 2020.

Dito na niya ginalaw ang "powers and functions" ng FDCP, hanggang sa tumayo siyang sole decision-maker.

Nang ilathala ang pinangunahan niyang revised IRR, noong July 13, 2020, opisyal na napabisa ang bagong rules and regulations ng FDCP.

Ngunit dito na ipinunto ng sources ng PEP.ph ang maraming iregularidad sa ginawang revision sa "definition of terms" para sa salitang "Council."

Sa original IRR, ang "Council" ay tumutukoy sa "The Film Development Council of the Philippines (FDCP) created by Republic Act 9167."

Sa revised IRR, ang "Council" ay tumutukoy sa "The Film Development Council of the Philippines created by R.A. No. 9167 represented by its Chairperson and Chief Executive Officer."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bilang representative ng Council, may kakayahan na ang chairperson magdesisyon para sa mga aksyong may kinalaman sa kabuuan ng FDCP.

Partikular dito ang pagpasok sa "contracts and undertakings of whatever nature which are necessary or incidental to its functions and objectives with any natural or juridical persons and with any local or foreign government institutions, private corporations, partnership, or private individuals."

Maaari na ring pangunahan ng chairperson ang pagrekomenda ng "executive and legislative measures to enhance the development and efficiency of policies for the local film industry."

Isang pakahulugan nito, diin ng First Source: "She can go into international treaties for film by her sheer decision. So, we felt na it was going overboard."

Ipinunto rin nilang taliwas ito sa mandato ng FDCP.

HOW WAS FDCP CREATED?

Nabuo ang FDCP sa ilalim ng Republic Act 9167, o ang Act Creating The Film Development Council of the Philippines. Ipinasa ito ng Senado at Kongreso noong May 2002, sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pagsusuri ng PEP.ph, nakasaad sa R.A. 9167 na ang FDCP ay binubuo ng "Council" na may 10 members.

Tatlo (3) ay regular members mula sa filmmakers association, theater owners association, at academe.

Pito (7) ay ex-officio members mula sa iba-ibang ahensiya ng gobyerno at mga organisasyong nasa ilalim ng pamamalakad ng gobyerno.

Kabilang sa pito ang Department of Trade and Industry (DTI), Department of Education (DepEd), Film Academy of the Philippines (FAP), Cultural Center of the Philippines (CCP), National Commission on Culture and Arts (NCAA), League of City Mayors, at Metro Manila Development Authority (MMDA).

Noong September 5, 2003, naaprubahan ang original IRR sa ilalim ng pamumuno ng noo'y FDCP chair na si Laurice Guillen. Malinaw sa nakatalang powers and functions ng "Council" na isa itong "collegial body."

Sa definition of terms, nakasaad ding ang "meetings" ng Council ay nangangailangan ng "quorum"—attendance ng "majority" ng members—para desisyunan ang mga gagawing trabaho ng Council.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa original IRR pa rin, hindi pinapayagang bumoto ang Chairperson, liban na lang para mag-break ng tie. Sinasabing mahigpit ang rules para maging tunay na collegial body ang Council.

THE CHAIRPERSON BECOMES AUTHORIZED TO ACT AS THE COUNCIL

Ipinagtaka ng industry stakeholders kung paano nangyaring sa Revised IRR ng 2020 ay wala nang kaibahan ang "Chairperson" sa "Council."

"With the Revised IRR, it became a one-woman rule," maanghang na bulalas ng First Source sa PEP.ph.

Base sa kopya ng Revised IRR na nakuha ng PEP.ph, inaprubahan ng Board of Trustees o Council members ang Revised IRR ng FDCP, via Zoom meeting, noong May 28, 2020.

Pirmado ito ng limang members: Rolando Tolentino (National Committee on Cinema-NCCA), Anna Karenina Buenafe (DTI), Fidel Pamintuan (League of Cities of the Philippines), Alain Pascua (DepEd), at Liza Diño.

Revised IRR of FDCP

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pumirma rito si Vivian Velez (FAP), na hindi present sa meeting; at sina Arsenio "Nick" Lizaso (CCP) at Danilo Lim (MMDA).

Wala ring nakitang pirma ng representatives ng theater owners, ng producers, at ng academe.

Ang panig ni Vivian Velez ay naiulat sa PEP.ph noong December 15, 2020, noong inamin nitong hindi niya pinirmahan ang Revised IRR.

Naging bukas siya sa pagsabing "medyo nagbabanggaan" sila ni Liza dahil hindi siya boto sa pamamalakad ni Liza ng Council. Halimbawa raw, mas binibigyan ni Liza ng prayoridad ang international film festivals kaysa sa pagprodyus ng content.

Read: FAP director general Vivian Velez on FDCP chairperson Liza Diño: "Medyo nagbabanggaan kami."

Sa kaso ni Danilo Lim, hindi kaila sa mga nasa industriya na nakabanggaan na rin nito si Liza.

Noong July 2020, naiulat sa PEP.ph ang pagkakatanggal kay Liza bilang MMFF Executive Committee member matapos ng mga hakbang ni Liza upang mailipat sa FDCP ang pamamahala ng MMFF.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang MMDA ang binigyan ng mandato para sa MMFF mula nang maitatag ang MMDA noong 1995. Ang precursor ng MMDA na Metropolitan Manila Commission ang may hawak sa MMFF (dating kilala bilang Manila Film Festival) mula noong 1975.

Read: FDCP chair Liza Dino removed as MMFF Executive Committee member

Pumanaw si Lim noong January 6, 2021.

ONLY ONE PERSON DETERMINES FILM INCENTIVE GRANTS?

Sa imbestigasyon ng PEP.ph, inirereklamo ng industry stakeholders ang masalimuot na sistemang naiwan ng tinatawag nilang "one-woman rule" ni Liza.

Isang inungkat ng stakeholders ay ang sistema ng pagbibigay ng film incentive grants sa filmmakers. Sa importante at maselang desisyong ito, si Liza raw ang tanging nasusunod.

Kuwento ng First Source: “We were doing a procedural meeting. Sabihin ko na nga kung anong dibisyon iyan — yung nagbibigay ng grants! So, sabi namin, ‘Ano ang proseso ninyo?’ ‘First process, ganito.’

“‘Ah, okay. Sabihin natin ito ang nag-submit na humihingi ng tulong. Anong next step niyo?’ ‘Ah, tsini-check namin ang data, wini-weed out namin yung data, etc, etc.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Paano umaabot sa next step — yung final analysis? Sino ang to-be-considered-for- grants ng komite? Sino nagbibigay?’

"Nag-quiet yung dalawa.”

Nang tanungin uli ng First Source kung sino ang naiiwang nag-a-approve ng grants, ang sagot ng FDCP staffers ay: “Si Chair po.”

Sabi ng First Source ng PEP.ph: “So, hindi dumaan sa council or board!”

“One-person determination kung sino ang short-listed,” pagkumpirma ng Second Source ng PEP.ph, na nakasubaybay raw sa masalimuot na mga isyu ng FDCP.

Sa pagsasaliksik ng PEP.ph, ang Film Incentives Programs ang sangay ng FDCP na nagbibigay ng financial grants sa filmmakers na nangangailangan ng tulong sa paggawa ng pelikula.

Makikita sa website ng FDCP ang iba-ibang film incentive programs.

Noong 2020, naglunsad ang pamunuan ni Liza ng tatlong film incentive programs na ang layunin ay hikayatin ang foreign producers na gawing filming destination ang Pilipinas at makipag-partner sa Filipino producers.

Ang tatlong incentive programs: ang Film Location Incentive Program (FLIP), International Co-Production Fund (ICOF), at ASEAN Co-Production Fund (ACOF).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pasok sa tatlong incentive programs ang Filipino production companies — na may co-production partner na foreign film producers — na ang layunin ay i-promote ang Pilipinas bilang filming location.

Ang FLIP ay nagbibigay ng PHP10M cash rebate para sa international productions na gagawing film location ang Pilipinas.

Ang ICOF ay nagbibigay ng 40 percent cash incentive (maximum of PHP10M) para sa foreign producer na makiki-co-prod sa Filipino production company.

Ang ACOF ay nagbibigay ng PHP2.5M to PHP7.5M monetary support para sa ASEAN producer na makiki-co-prod sa Filipino production company.

Ang isa pang funding program ng FDCP, ang CreatePHFilms Funding Program, ay nagbibigay ng monetary support sa qualified Filipino production companies.

Ayon sa website ng FDCP, "PHP300,000" ang pondo para sa development ng mid-to-feature-length films; "PHP1M" para sa small-budget films na ang total production budget ay less than PHP15M; at "PHP3M to PHP5M" para sa big-budget films na may total production budget na PHP15M and above.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa madaling salita, malaking halaga ang allotment sa film grants.

Sa kaso ng producers na nag-a-apply para sa film grants, paliwanag ng Second Source: "There are three grants, e—ACOF, ICOF, and FLIP. Some of these submissions, they would submit for all three grants all at the same time."

Hindi naman daw nangyayari na naaaprubahan ang isang application para sa tatlong nabanggit na funding programs, "pero minsan, pag di na-approve dito [sa isa], next year isasalang mo sa kabila naman."

Ang problema, ayon sa PEP.ph sources, ay may producers na mas napapaboran pagdating sa grants.

Ito raw mismo ang reklamo sa pamumuno ni Liza ng isang grupo ng filmmakers — ang Inter-Guild Alliance.

Sabi pa ng First Source: "One very strong feedback is that they do not trust FDCP because it is ruled by favoritism."

Sinang-ayunan ito ng Second Source.

INSIDERS ON LIZA'S MICRO-MANAGEMENT

Tugma ang sinasabi ng PEP.ph sources sa "one-woman rule" ni Liza sa feedback naman ng dalawang FDCP insiders.

Nang nakapanayam ng PEP.ph ang insiders, sinabi nilang si Liza ang may final say sa anumang nangyayari sa FDCP, at "micro-management" ang leadership style nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang naging problema, lahat ng bagay diretso lahat kay Chair. Even yung small administrative matters, wala silang magawa,” sabi ng First Insider sa PEP.ph.

Patuloy nito, “Even yung recommendations and suggestions, hindi pinapakinggan.

"Hanggang sa dumating na lang sa point na, pag nagtatanong ako doon sa tao [na dating may posisyon sa FDCP], sasabihin niya, ‘Para safe ka, magtanong ka dun [kay Chair].’”

"Na-disenfranchise" daw kahit iyong mga taong nasa posisyon sana para mag-troubleshoot ng concerns ng FDCP.

Pakiramdam daw ng mga taong iyon ay nawalan ng saysay ang kanilang posisyon kaya nag-resign na lamang sila.

May mga nag-resign naman dahil hindi na raw natiis ang ugali ni Liza.

May mga okasyong nambubulyaw umano si Liza kapag gusto nitong siya ang masunod sa trabaho.

Pagkumpirma ng First Source ng PEP.ph: “Line of the year from one of the guys who was whimpering and crying on account of what she [Liza] did most recently: 'You don’t work for FDCP! You work for me!’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito raw ang eksaktong linya ni Liza.

Sabi pa nila, malayo ito sa reputasyon ni Liza na "warm, charming, at approachable" kapag humaharap sa media. Dagdag nila, maraming "alagang press"ang FDCP sa ilalim ni Liza, at madalas imbitado ang mga ito sa mga program launch ng FDCP.

OTHER "IRREGULARITIES" IN THE REVISED IRR

FDCP ACTING AS A REGULATORY BODY. Ayon sa sources ng PEP.ph, ang paglipat sa iisang tao ng mga kapangyarihan ng Council ay konektado sa iba pang revisions sa IRR.

Dahil sa Revised IRR, si Liza ang "representative" ng Council. Maaari siyang magsalita para sa buong Council. At nangyaring siya na ang may final say sa mga pagbabagong nais niyang isulong para sa film industry.

Kaya raw masasabing ang Revised IRR ay may impact sa stakeholders.

Nirebyu ng PEP.ph ang sinasabing revisions.

Makikita sa Revised IRR na sinaklawan ng FDCP ang pagiging regulatory body — o isang ahensya na may kapasidad na magpatupad ng rules at siguruhin ang compliance ng players at workers sa film industry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

EXPANDED SCOPE OF WORK. Halimbawa ng sources: inilagay sa "scope" ng trabaho ng FDCP na saklaw nito ang paggawa ng "policies and programs" na ipatutupad sa film industry.

Pagdetalye pa rito: "These Rules shall apply to all contracts, undertakings, transactions, arrangements, activities of whatever nature which are necessary or incidental to the Council’s functions and objectives, with any natural or juridical entity, local or foreign, government institutions, private corporation, association, partnership and individuals.

Wala ito sa original IRR.

Sa original IRR, ang nakasaad na trabaho ng FDCP ay "to promote and support the development and growth of the domestic film industry..."

Ang mas pinalawak na scope of work ng FDCP ay nakadetalye sa revisions sa "specific powers and functions" ng Council.

EXPANDING CONTROL OVER FILM FESTIVALS. Nakasaad sa Revised IRR na gusto ng FDCP makipag-collab sa lahat ng "government-led film festivals" liban pa sa inoorganisang local film festivals ng FDCP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ilan sa local film festivals na inorganisa ng FDCP, sa ilalim ng panunungkulan ni Liza, ay ang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP), Sine Sandaan, Pelikulaya, at Cine Filipina.

Sa bagong scope ng trabaho ng FDCP, nangyaring napagdudahan si Liza na gusto rin nitong pasukin ang MMFF, batay sa naging away nila ni Danilo Lim ng MMDA.

Inakusahan ni Lim si Liza na gusto nitong ilipat ang pamamahala sa MMFF sa FDCP.

ESTABLISHING A BOOKING COMMITTEE. Nakasaad din sa Revised IRR na may kapangyarihan ang FDCP na magtayo ng "National Booking Committee" para ma-facilitate ang "distribution and exhibition of films" ng theater owners.

Bagamat hindi idinedetalye sa Revised IRR ang sakop nito, may history na ng away ang FDCP at ang grupo ng theater owners o Cinema Exhibitors Association of the Philippines, Inc. (CEAP).

Noong 2019 hanggang 2021, inalmahan ng CEAP ang kagustuhan ng FDCP na kontrolin ang duration ng screening ng Filipino films sa mga sinehan, pag-impose ng ticket prices, at pagtatalaga sa hatian ng pagpapalabas ng Filipino at foreign films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natigil ang hidwaan nang nagdesisyon ang korte noong 2021 na wala sa mandato ng FDCP ang mag-regulate ng film screenings.

Ang trabaho ng FDCP, ayon sa korte, ay maghikayat sa mga producer na gumawa ng mga dekalidad na pelikula, tulungan ang producers na makipag-partner sa international productions, at suportahan ang talento ng filmmakers para pagyabungin ang film industry.

Read: Cinema owners sue FDCP for imposing "unconstitutional" film-screening rules

Read: Quezon City court declares FDCP film screening rules "constitutionally invalid"

Walang nagawa ang FDCP kundi sundin ang utos ng korte.

Hindi talaga uubra ang pag-regulate ng FDCP sa film screenings, ayon sa First Source ng PEP.ph, dahil: "CEAP, which is the group of cinema exhibitors, don't wanna have f****** anything to do with the FDCP."

Pagsang-ayon ng Third Source: "Basta binanggit mo ang FDCP, taboo iyon."

CONTROL OVER FILM PRODUCTION. Idinagdag din sa Revised IRR na magbubuo ang FDCP ng "National Database" na kukuha ng "pertinent data" ng lahat ng filmworkers. Ito raw ay gagawin sa tulong ng Film Academy of the Philippines (FAP).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilalagay sa database ang kumpletong listahan ng "films in all stages of production" at lahat ng "local and foreign films released annually."

Ang problema, ayon sa Second Source ng PEP.ph, violation ito ng data privacy ng mga kumpanyang gumagawa ng pelikula.

EXPANDING ITS LEGAL REACH. Itinalaga pa ng FDCP ang sarili bilang "consultative and advisory body" para sa development ng film industry.

Sakop nito ang "legislative measures, international treaties, and local agreements."

Sakop din ng Revised IRR ang pag-align ng mga transaksiyon ng private at government institutions, mapa-local o foreign, na may kinalaman sa "film production, copyright and/or patent, review and evaluation, theatrical release, cultural exhibits, trade and tourism, and repository of illegally obtained film devices."

Nakapaloob din sa Revised IRR ang ilang matinding enforcement measures, pagpupunto ng Second Source.

Kasama sa enforcement measures ang pag-isyu ng FDCP ng subpoena, sa tulong ng Department of Justice o Solicitor General, para sa "criminal and/or administrative prosecution" sa mga susuway sa Revised IRR.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

OBJECTION FROM STAKEHOLDERS

Kung susumahin, ayon sa First, Second, at Third Sources, gusto ng FDCP i-monitor ang mga pinoprodyus na pelikula—mula sa pre-production stage hanggang sa exhibition sa sinehan.

Sa imbestigasyon ng PEP.ph, tinutulan ito nang husto ng industry stakeholders.

Kinumpirma ng PEP.ph sources na lumikha ng gulo ang revised IRR ng FDCP. Sa mata ng stakeholders ay walang regulatory powers ang FDCP.

Sinabi ring paglabag sa data privacy ang revised IRR requirement na gawan ng database ang lahat ng filmworkers at film projects.

"Ang nag-object, yung mga tao na hindi masyado naka-align sa kanya — MMDA and Vivian Velez of FAP reacted at that time," sabi ng Sources sa PEP.ph.

Dagdag nila, “Nung nag-react ang MMDA, nakaabot sa [stakeholders], nakaabot kay Tito Sotto sa Senado.”

READ PART 2: Liza Diño cried after Tito Sotto reprimanded her over FDCP issue — sources

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Industry insiders on how Liza Diño got into trouble with industry stakeholders during the last few years of her term as FDCP chair: "I thought she was doing a good job. But, there was a kind of shift. All of a sudden there is this need to assert her power, not only with the film industry but with the entire audio-visual industry, which is not within the mandate of the FDCP."
PHOTO/S: @lizadino Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results