PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maricel Laxa on Donny Pangilinans earnings: Hands off

Donny Pangilinan, may binuksang bagong gas station.
by PEP Troika
Published Sep 22, 2023
pangilinan family
Maricel Laxa (second from right) on teaching finances to their children, including Donny (second from left) and Hannah Pangilinan (leftmost): "Ibibigay namin yung kinakailangan niyo, pero kung may gusto kayo, kailangan kayo gumawa ng paraan para kitain yung pera na kailangan dun sa makukuha ninyong gusto niyo... And at the same time, turuan natin sila ng strategies kung papano magpapalago, magbibigay, at saka mag-e-enjoy din dun sa perang kikitain nila.”
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA:

Kahapon, Septemer 21, 2023, inilunsad sa Trinoma Cinema 5 ang pelikulang GG o Good Game The Movie na prinodyus ng Mediaworks, Create Cinema, at Cignal Entertainment at idinirek ni Prime Cruz.

Binuo ito ng pamilya Pangilinan dahil si Anthony ay nasa Mediaworks, ang anak niyang si Hannah ang creative producer.

Bida naman sa pelikula si Donny Pangilinan, kasama ang ina niyang si Maricel Laxa.

Ito raw ang kauna-unahang esports movie na pampamilya, at isusumite nila ito sa Metro Manila Film Festival 2023.

Kasama sa pelikulang ito sina Baron Geisler, Boots Anson Roa Rodrigo, Ronaldo Valdez, Gold Aceron, Johannes Risler, Igi Boy Flores, at Kaleb Ong.

Read: Bagong pelikula ni Donny Pangilinan na 'GG,' isang family event

Sa aming pakikipagtsikahan sa mag-inang Maricel at Donny, ibinahagi ng aktres kung gaano kagaling mag-handle ng pera ang kanyang anak.

Sabi ni Maricel, ang ganda ng mga sinimulang investments ni Donny. Nung nakaraang linggo lang ay binuksan ng Kapamilya actor ang gas station nito malapit lang sa kanilang village.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Donny, kaya niya naha-handle ang kanyang finances dahil na rin sa pagma-manage ng mommy niya.

“Ako lang naman yung secretary niya," napapangiting pakli ni Maricel.

"Siya naman talaga yung nagdedesisyon, and ang gusto lang niya meron siyang konting baon para sa mga bagay na gusto niyang gastusin. Pero hindi siya lumalagpas sa mga bagay, dapat tinatabi niya.

"Pagdating sa pera, siya yung leader. Leader na kailangan magtabi, magbigay, at saka magpaunlad ng pera.

"So, sa kanya ko actually natututo na maganda ang financial management. Kasi, kapag nag-spot check si Donny, wala akong lusot dun. Magaling siya makakita ng mga numbers, e.

"So, we check each other. Most definitely mas maganda yung discipline ni Donny pagdating sa pera," sabi pa ni Maricel.

Ayon naman kay Donny, sinasabihan siya ni Maricel na huwag siyang gayahin nung kabataan nito na gastos lang nang gastos.

"Sabi niya, 'Donny I don't want it to end up like me na I spend everything whatever I wanted, and I bought everything I wanted," pagbabahagi ni Donny.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa ni Maricel, nung bata pa lang si Donny ay nakita niya kung gaano ito kagaling sa paghawak ng pera.

Lahad ni Maricel, “Yung finances, natutunan niya yan, since bata pa siya.

"Nung six years old siya, nagkaroon siya ng fascination sa pera, pero hindi lang dun sa ganda ng pera, ha? Hindi siya mukhang pera.

"Natutuwa siya sa pera, at natutuwa siyang palaguin yun. Tapos, natutuwa rin siya magbigay ng pera.

"Ngayon, ang pagturo namin sa finances ng mga anak namin is, ibibigay namin yung kinakailangan niyo, pero kung may gusto kayo, kailangan kayo gumawa ng paraan para kitain yung pera na kailangan dun sa makukuha ninyong gusto niyo.

"I think, that's important na ma-instill natin sa mga kabataan. And at the same time, turuan natin sila ng strategies kung papano magpapalago, magbibigay, at saka mag-e-enjoy din dun sa perang kikitain nila.”

Ang payo naman ni Donny sa mga kabataang kaedad niya, “Probably know where to put it by percentage your earnings stuff like this, some for savings, some for investments. Hindi lang yung isang place mo lang ilalagay lahat.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"And my parents taught me this, to always set aside only what is needed, for what you will use. And siyempre may future din tayo.

"Hindi naman puwedeng one day, one week, one month lang iisipin mo.

"So, you also have to leave some for the future and not get too excited. But it's okay to have fun, I say that. Hindi puwede namang puro conservative lang.

"If you have the privilege, di ba, to also sometimes spend for yourself, if you really been working hard din naman, I think that's okay.

"And the first 10 percent, I give to tithing always."

Read: Donny Pangilinan buys motorbike worth PHP1.5 million

NOEL FERRER:

Pamilya para sa akin sina Anthony, Maricel, at Donny, at lagi tayong nakasuporta sa kanila.

Alam nilang medyo masikip ang daan patungo sa MMFF pero susubok pa rin sila.

Alam ko rin na ka-co-prod nila rito ang MVP group kaya tingnan natin kung paano nila matutulungan itong pelikulang ito, knowing na meron na silang isa pang pasok nang entry, ang Penduko, na co-prod sa Viva.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ring GG ang pelikulang siyang dahilan kaya na-leave of absence si Tita Boots Anson Rodrigo sa Selection Committee ng MMFF. May maganda kasi siyang role dito sa pelikula.

Abangan natin ang kahihinatnan nito, pati na ang bagong teleserye ni Donny with Belle Mariano na Can’t Buy Me Love that will be showing din soon.

Read: Donny Pangilinan, Belle Mariano bring kilig in latest behind-the-scenes photos

JERRY OLEA:

Mas interesado ako sa proyekto ng DonBelle.

Ano ba ang kinahinatnan ng movie na Huling Sayaw kung saan bida sina Bugoy Cariño at Belle?

Siguro naman, mas kikita kesa sa Huling Sayaw itong movie ni Donny na wala si Belle, di ba?

Sana, hinintay na muna nila ang announcement ng Final 4 ng MMFF 2023 bago nagpa-presscon ang GG movie na iyan. Kapag naligwak iyan sa December filmfest, baka mabantilawan.

Teka! Ano na pala ang nangyari sa dating ka-love team ni Donny na si Kisses Delavin? Any update sa napabalitang upcoming film niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maricel Laxa (second from right) on teaching finances to their children, including Donny (second from left) and Hannah Pangilinan (leftmost): "Ibibigay namin yung kinakailangan niyo, pero kung may gusto kayo, kailangan kayo gumawa ng paraan para kitain yung pera na kailangan dun sa makukuha ninyong gusto niyo... And at the same time, turuan natin sila ng strategies kung papano magpapalago, magbibigay, at saka mag-e-enjoy din dun sa perang kikitain nila.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results