PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joey de Leon's Offensive Lubid Joke

Here's what three PEPsters think about Joey's lubid joke on national TV.
Text: Arniel C. Serato Text: Bernie V. Franco Text: Rachelle Siazon
Published Sep 28, 2023
Joey de Leon
Will Joey de Leon own up to his lack of sensitivity when he blurted out his lubid joke during a game segment in 'Eat Bulaga'?
PHOTO/S: @angpoetnyo Instagram

Arniel Serato, LEAD CORRESPONDENT

Tila Strike 3 na ang E.A.T.—ang programa nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon, kasama ang legit Dabarkads—sa netizens na nagrereklamo sa Movie and Television Review and Classification Board.

Pangatlo na nga rito ang “lubid” joke ni Joey sa “Gimme 5” segment ng noontime show ng TV5 nitong nakaraang Sabado, September 23, 2023.

Ang "Gimme 5" segment ng E.A.T. ay may tatlong rounds.

Sa round one ay kailangang magbigay ang contestant ng limang bagay na isinasabit sa leeg. Makikitang nahihirapan ang contestant sa isasagot at tanging "necklace" ang nabanggit nito hanggang sa tuluyang maubusan ito ng oras.

Matapos nito, marami ang nagulat sa suhestiyon ni Joey ng isa pang maaaring isama sa listahan ng kasagutan. Suhestiyon ni Joey: "Lubid, lubid, nakakalimutan niyo."

Read: Netizens call out Joey de Leon for "lubid" joke on 'E.A.T.'; dare MTRCB to step in

Para sa ilang netizens, foul ang binitiwang salita ni Joey dahil sa korelasyon ng lubid sa suicide—ang pagpapakamatay at pagpapatiwakal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa mga pumuna, insensitive ang biro ni Joey lalo na sa mga taong nawalan ng mahal sa buhay dahil sa pagbigti sa sarili.

Kaya pinukaw muli ng netizens ang atensiyon ng MTRCB.

Kaagad namang nagbigay ng pahayag ang ahensiya ukol sa inilapit sa kanilang sumbong ng netizens.

Sa pahayag ng MTRCB na inilabas nitong nakaraang Lunes, September 25: “Taking cognizance of the complaints from the viewing public in relation to E.A.T. Gimme 5 segment aired last 23 September 2023, the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) shall determine if the same are valid and presumably violative of Presidential Decree No. 1986 and/or its Implementing Rules and Regulations.”

Read: MTRCB, rerebyuhin ang mga reklamo tungkol sa "lubid" joke ni Joey de Leon sa 'E.A.T.'

Matatandaang nadamay ang E.A.T. sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng katapat nitong noontime program, ang It’s Showtime sa GTV, dahil sa “cake icing incident.” Nangyari ito sa segment na “Isip Bata” at dawit ang host na si Vice Ganda at ang partner nitong si Ion Perez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinatawag kasi ng MTRCB ang management ng noontime show dahil sa kabi-kabilang sumbong na natanggap daw mula sa netizens dahil hindi angkop sa tanghalian ang subuan ng cake icing nina Vice at Ion, isang gay couple.

Read: MTRCB summons It's Showtime over Vice Ganda-Ion Perez scenes in "Isip Bata" segment

Buwelta naman ng supporters ng It’s Showtime at iba pang netizens: Di ba ganoon din ang kaso ng E.A.T. nang pupugin ng halik ni Tito ang asawa nitong si Helen Gamboa sa National Dabarkads Day celebration noong July 29, 2023?

Read: 'E.A.T.' at 'Eat Bulaga!' sabay na nagdiwang ng anibersaryo

Sagot ni MTRCB Chairman Lala Sotto dito, wala raw paglabag ang E.A.T. sa MTRCB rules and guidelines.

Aniya: “Wala pong naging problema kasi, in fact, ito po ay isa pa ring ehemplo ng mag-asawa.” At matagal na raw na ganyan kumilos ang kanyang mga magulang.

Read: MTRCB Chair Lala Sotto on parents Tito Sotto, Helen Gamboa's kiss on 'E.A.T.': “Wala po silang nilabag.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang naging ikalawang puna ng netizens sa E.A.T. ay ang nang ma-record sa live broadcast ang pagmumura ni Wally Bayola sa "Sugod Bahay mga Kapatid" segment ng show noong August 10, 2023.

Kinabukasan, August 11, humingi naman ng dispensa si Wally sa kanyang nasabi.

Read: Wally Bayola apologizes for cursing on 'E.A.T.': "Nagkamali po ako dun."

Ipinatawag pa rin ng MTRCB ang E.A.T. producers sa kanilang tanggapan noong August 14, 2023.

Read: MTRCB summons 'E.A.T.' for violation following Wally Bayola’s swearing in "Sugod Bahay"

Hanggang ngayon ay wala pang desisyon ang ahensiya sa tatlong reklamo laban sa E.A.T. Samantala, napatawan na ng mabigat na 12-day suspension ang It's Showtime.

Hindi naman incidentally, si MTRCB Chair Lala Sotto ay anak ni Tito Sotto, dating senador at isa sa main hosts ng E.A.T.

My take: Kahit anong gawing depensa ng ahensiya sa kanilang tagapamuno na si Lala, lagi pa ring ipo-point out ng netizens ang conflict of interest dito dahil magkamag-anak at magkakakaibigan ang MTRCB chair at ang inirereklamong hosts ng E.A.T.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabihin mang nag-inhibit si Lala sa botohan tuwing may isyung sangkot ang E.A.T., mahirap pa rin makumbinse ng MTRCB ang netizens na naging fair ang desisyon ng board sa noontime show.

Iisipin ng tao—susuway ba ang board sa stand ng kanilang chair? ipahihiya ba nila ang chair na boss nila araw-araw behind closed doors? kaya ba nilang maglabas ng independent decision habang nasa ilalim sila ni Lala?

Hangga’t si Lala Sotto ay nasa MTRCB at ang kanyang amang si Tito Sotto ay nasa E.A.T., laging mumultuhin ng netizens ang ahensiya dahil sa blood lineage nila.

May tawag kasi rito: delikadeza.

BERNIE FRANCO, DEPUTY EDITOR - NON CELEBRITY SECTION

Good point, Arniel. Hindi tatantanan ng netizens si Lala dahil anak nga siya ni Tito, na host ng E.A.T., na katapat ng It's Showtime, especially when people feel that she is taking sides.

Sadly, I can't help but think that Lala tends to be subjective when viewing issues, and I think that's where the danger lies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: MTRCB chair Lala Sotto insists "no bias" in dealing with 'It's Showtime,' 'E.A.T.' alleged violations

I can't blame her, blood is thicker than water, 'ika nga. But her being in that position means that much more is expected of her.

Accepting the position of MTRCB chair means she accepted the responsibilities and the public trust that came with it. She knows what she got herself into. Hindi na rin naman siya baguhan sa public service.

Nung dali-dali siyang nagsabing may nakita silang paglabag sa cake-icing incident nina Vice at Ion pero wala siyang nakitang mali sa pagsibasib ng kanyang tatay sa kanyang nanay on national TV, napakuwestiyon ako: Matatawag bang fair yon?

May nilabag daw ang It's Showtime sa pagsubo ng icing ng cake, pero walang nilabag ang E.A.T. sa pagsibasib ni Tito sa leeg ni Helen?

Read: MTRCB Chair Lala Sotto on parents Tito Sotto, Helen Gamboa's kiss on 'E.A.T.': “Wala po silang nilabag.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

I beg to disagree. As senior citizens and as public figures, I expected Tito to have more finesse in expressing affection for his wife. There are more subtle and delicate ways to express love for someone without suggesting some kind of aggressiveness on national TV.

Kahit na pa-joke pa. Isipin na lang, puwede palang igiit din nina Vice at Ion na pa-joke rin naman ang ginawa nilang pagtikim ng cake.

Maraming nakakapanood sa dalawang noontime shows—both should be setting the right conduct. It comes with being paid big bucks.

Tapos itong recent issue ni Joey de Leon joking about "lubid" in E.A.T.'s "Gimme 5" segment. Seriously, my jaw dropped when I heard Joey's joke along with his chuckle when he said it.

To me, it was serious. It was insensitive. Buti na lang they issued an apology about it.

The way it goes now, I don't think this is the last time we will be seeing netizens keeping score of the mistakes of the competing noontime shows.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

As a matter of fact, kahit mga "offensive jokes" that Tito, Vic, and Joey made years before are resurfacing in social media now. I saw a couple of video clips from throwback episodes of Eat Bulaga! being uploaded.

And from the looks of it, these will be like ghosts from the past resurrected to haunt them. Very partisan netizens will see to it.

I am pointing this out because Lala categorically mentioned that one of the agency's basis for reviewing complaints and of coming up with complaints against a show is the volume of complainants.

Sa araw-araw na ang dami ng critics, loyalists, bashers, trolls online—good luck with that!

Sa isang banda, napansin ko na ang pagiging mapagmasid ng netizens sa television infractions keep the MTRCB—and other government officials—on their toes.

What I know for sure is that we in PEP.ph will keep an eye on how the next events unfold.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RACHELLE SIAZON - DEPUTY MANAGING EDITOR

Kahit saang anggulong tingnan, ang suhestiyon ni Joey na lubid ang isa sa mga puwedeng isabit sa leeg ay nagpapahiwatig ng kawalan ng respeto sa tao.

Dahil bakit mo naman sasabitan ng lubid ang leeg ng tao? Di ba para patayin? Tapos punctuated pa ng tawa ni Joey, kaya alam ng manonood na malaro ang naisip niya nang sandaling iyon.

Hindi sapat na dahilan ang nasa apology letter ng pamunuan E.A.T. na one-liner lang ang binitawan ni Joey at hindi sinamahan ng anupamang gestures.

Na ang netizens lang daw ang nagbigay ng kahulugan na suicide sa tinutukoy ni Joey.

Tila sorry-but-not-sorry ang dating dahil ang inihingi ng paumanhin ay sa mga posibleng na-offend dala ng interpretasyon sa hinirit ni Joey.

Walang direktang pagtanggap si Joey na may mali sa tinuran nito.

Sang-ayon ako na ang suicide ay isang bagay na hindi ginagawang biro, lalo pa't maraming kabataan ang dumadanas ng mental health concerns ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noon lamang February 2023 ay natalakay ito sa Senado. Base sa pag-aaral ng Department of Education, 400 estudyante mula sa public schools ang naitalang nag-suicide at may 2,147 namang kaso ng attempted suicide para lamang sa taong 2021.

Kinakailangan ng kabataan ng ibayong pag-intindi sa pinanggagalingan ng kanilang mental health problems para masuportahan at magabayan sila.

Hindi nakakatulong kung parang binabalewala lamang ito at ginagawang easy subject for laughs.

Naalala ko tuloy na inulan na rin ng batikos si Joey dahil sa pahayag niya noon tungkol sa mga dumaranas ng depression.

"Yung depression, gawa-gawa lang ng mga tao yan. Gawa lang nila sa sarili nila," sabi ni Joey sa October 5, 2017 telecast ng Eat Bulaga!

Read: Maine Mendoza contradicts Joey de Leon's view of depression; Joey trends on Twitter

Kinabukasan, humingi ng paumanhin si Joey sa show at inaming siya'y nagkamali.

Sabi niya noon, may mga bagay na kailangan pa niyang matutunan at isa nga rito ay ang pagkakaroon ng tamang sensibilidad tungkol sa isyu ng depression.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Joey de Leon apologizes for insensitive comment about depression: "Nagkamali po ako."

Pero sa nangyari ngayon, mukhang hindi pa rin lumalim ang pag-intindi ni Joey sa isyu ng mental health.

Sa kabilang banda, maaaring may magsabing mainit lang sa mata ng publiko ang E.A.T. hosts dahil sa kontrobersiyal pa ring usapin sa kinaluluklukan ni Lala Sotto na MTRCB chair.

Nagmamatyag ang mga netizens kung magiging patas ang MTRCB sa pagsita sa mga reklamo sa E.A.T. gaya ng pagsita sa karibal nitong show na It's Showtime, na hinatulan ng 12-day suspension dahil sa kuwestiyonableng violations.

Nirerebyu pa ng MTRCB hanggang ngayon ang mga reklamo sa E.A.T.

Read: MTRCB, rerebyuhin ang mga reklamo tungkol sa "lubid" joke ni Joey de Leon sa 'E.A.T.'

Ang akin lang, whether or not may complaint sa E.A.T., or whether or not mag-inhibit si Lala sa mga usaping may kinalaman sa E.A.T, technicality na lang iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Laging may maiiwan na kuwestiyon sa isip ng manonood dahil sa kanyang posisyon.

Iyan ang double-edged sword sa showbiz—halos lahat ay closely related sa isa't isa, mapakamag-anak o kaibigan o co-star.

Nablu-blur ang lines dahil sa connections. Pagdating sa showbiz, ang isyu ng delicadeza, nareresolba ba? O nilalampas-lampasan na lang?

Masasabi ko na lang, Bernie at Arniel, mahabang usapin ito at siguro kailangan pa nating himayin sa tuwi-tuwina.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Will Joey de Leon own up to his lack of sensitivity when he blurted out his lubid joke during a game segment in 'Eat Bulaga'?
PHOTO/S: @angpoetnyo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results