PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sylvia Sanchez as 'Mrs. Arjo' of Maine Mendoza

Sylvia Sanchez at Lorna Tolentino, magkasosyo na sa negosyo.
by PEP Troika
Published Oct 5, 2023
sylvia maine arjo
Sylvia Sanchez on daughter-in-law Maine Mendoza (right, with husband Arjo Atayde): "Hindi nagkamali ang anak ko sa pagpili kay Maine. Nakampante siya, nakampante ako na merong Maine Mendoza na nag-aalaga at nagmamahal sa anak ko ngayon.”
PHOTO/S: Jerry Olea / Instagram

GORGY RULA

Nadagdagan ang pamilya ng Nathan Studios ni Sylvia Sanchez at ng pamilya Atayde.

Bukod sa partisipasyon ni Lorna Tolentino at ng isang non-showbiz friend nila bilang partners, nadagdag na si Maine Mendoza na todo ang suporta sa mister niyang si Congressman Arjo Atayde.

Sobrang tuwa ni Sylvia na naitsika sa amin na bilib siya kung paano alagaan ni Maine ang kanyang anak.

Sumasama si Maine sa international exhibition ng pelikulang Topakk ni Arjo na prinodys ng Nathan Studios, at doon niya nakita kung paano suportahan at alalayan ng kanyang manugang si Arjo.

Read: Ria Atayde, excited na bang magka-pamangkin kina Arjo at Maine?

"Si Maine, asawa na niya, natutuwa na ako. Less na ako sama-sama sa kanya.

"Nakakatuwa kasi talagang si Maine, misis na misis kay Arjo," bulalas ni Sylvia nang nakapanayam namin sa celebrity premiere ng pelikulang Monster sa SM Megamall nung Martes, October 3, 2023.

"Talagang sobra niyang suportahan si Arjo. Nandun siya talaga. Talagang nakikita kong mabait siyang asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi nagkamali ang anak ko sa pagpili kay Maine. Nakampante siya, nakampante ako na merong Maine Mendoza na nag-aalaga at nagmamahal sa anak ko ngayon.”

Hindi nakadalo ang mag-asawang Arjo at Maine sa celebrity premiere ng Monster. Pero nagsusuportahan silang lahat para sa binuo nilang Nathan Studios.

Bukod sa pagbenta sa international market ng mga na-produce ng Nathan, ang pelikulang Topakk at series na Cattleya Killer, bumibili na rin sila ng international films sa mga napupuntahan nilang international film festivals. Dito na sumali si Lorna Tolentino sa Nathan Studios.

Read: Lorna Tolentino, pinasok na ang pagiging producer; bumili ng mga pelikula sa Cannes

Na-curious daw sila dito sa Japanese movie na Monster na obra ni Kore-eda Hirokazu, dahil pinipilahan ito noog nakaraang 76th Cannes International Film Festival sa France.

Ang ganda ng pelikula na nagwaging Best Screenplay sa Cannes. Nabili nila ito at meron pang ibang sikat na international film na ini-schedule na rin nila ang showing sa mga sinehan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kuwento ni Sylvia, “Binuo ko lang itong Nathan para sa mga anak ko. Pero ngayon, sabi nila, 'Mommy, nandiyan ka naman, ikaw na muna.'

"Pero sabi ko sa kanila, 'Pag-aralan niyo na kasi sa inyo ito. Kaya ko ito ginawa. Pero sila yung nagsasabi sa akin, 'Mom, maganda yan, eto medyo hindi.’ Silang magkakapatid.

"Marami na kaming nabiling pelikulang abroad na de kalidad talaga."

Napili nga nila itong pelikulang Monster na magsu-showing na sa mga sinehan sa October

NOEL FERRER

Nabagbag daw si Sylvia kay Lorna nang nakiusap itong sumali sa kanilang film production.

Sinabi raw kasi ni Lorna na gusto niyang pasukin itong film production para na rin daw sa kanyang mga anak.

"Doon ako nabagbag nang sinabi na niya para sa mga anak niya," pakli ni Sylvia.

sylvia sanchez lorna tolentino nathan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero bago pumasok sa kanila si Lorna, sinabihan daw ni Sylvia na pag-aralan muna nito ang ins and outs ng film production, kaya sumama raw sa kanila sa Cannes International Film Festival.

Naka-schedule na rin daw silang dumalo uli next year.

"Magkaibigan kami ni LT, e. So, nakikita nya yung ginagawa ko. Pagpu-produce. Nagtanong siya kung, ‘Puwede ba ako mag-produce?’ Sabi ko, 'Hindi.’ Tapos sabi niya, ‘Puwede ba akong mag-produce ng ganun kasama mo?’

"Sabi ko, 'Hindi. Kasi gusto ko mag-partner ka sa akin, mag-produce ka, maintindihan mo abroad kung ano ang patakaran ngayon. Kung ano yung genre ngayon. Gusto ko matuto ka.’

“Kasi yun ang ginawa ko. Pumunta ako abroad, talagang nag-iikot ako para mag-obserba ako, kung ano yung genre ngayon, kung ano yung tanggap ngayon dun.

"So, yung experience ko dun, yung naobserba ko, na-apply ko dito. Kaya ako ganito ngayon. Kaya sabi ko, ‘Gusto ko, mag-aral ka, matuto ka as producer. Hindi yung basta-basta ka lang maging producer. Yung gusto mo lang na wala kang alam,’” saad ni Sylvia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Sinuportahan sina Sylvia Sanchez, Lorna Tolentino, at Ria Atayde ng mga kaibigan sa industriya sa red-carpet premiere ng Monster.

Kabilang diyan sina Amy Austria, Isabel Rivas, Mon Confiado, Ynez Veneracion, Angel Aquino, Iana Bernardez, Dominic Ochoa, JK Labajo, Kyle Echarri, Elijah Canlas, Alma Concepcion, Direk Dan Villegas, Bayani Agbayani, RK Bagatsing, Jane Oineza, Ara Mina, at Nova Villa.

Mystery drama ang Japanese film na Monster, hindi horror. Kaaampon pa lang ni Sylvia kay Lorna sa Nathan Studios. Hindi kasama si LT sa mga iprinodyus ng Nathan na Topakk, Cattleya Killer, at Misis Piggy.

Kuwento ni Sylvia, “Nadala naman ng Nathan abroad yung Topakk na umiikot ngayon, nagka-award na. Talagang nagugustuhan ng mga tao sa ibang bansa.

“At hindi lang yun, pati yung Cattleya Killer. Di ba, nominated sa Arjo sa Busan. Asia Contents Awards yun, e. Itong 6, 7, 8, pupunta kami.

“Tapos nominated din siya sa Asian Creative Awards sa December. So, dalawa yung ilalaban niya sa buong Asia, na yung kalaban niya, Thailand, Japan, India, Malaysia, China. Yun ang nakakatuwa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasado na ang pagbabalik-Cannes nila ni Lorna next year.

Salaysay ni Sylvia, “Nakaplano na kami. Kasi ganito, ang Nathan Studios, binuo namin ng mga anak ko yun.

“Kasi, like… sige, magpo-produce ako pero si Ria kasi ang CEO dito. Si Ria talaga yung head dito. Ako bilang nanay, ako lang yung nag-uumpisa ngayon.

“Ngayon kapupunta-punta ko sa ibang bansa, sa Cannes, kapupunta-punta ko para mag-obserba kung ano yung putok, kung ano yung genre ba, kung ano yung mga bentado abroad.

“At later on, dito naman sa Pilipinas. So, nakita ko nga na ito yung pelikulang iyon. Itong Monster, dinala namin dito.

“Kasi, gusto naming i-introduce yung Nathan, kasama namin si LT… tulungan kami na magdala dito ng mga de kalidad na pelikula from abroad.

“At kami din, gagawa din ang Nathan ng dekalidad na pelikula natin, na talagang production, gaya ng Topakk, dinadala namin sa abroad.

“So, magbebenta kami dun, tapos bibili din kami dun. Ganun na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Anim na foreign films na ang nabili ng Nathan. Una ngang ire-release itong Monster.

Sa Nobyembre naman iyong action thriller na Silent Night, directed by John Woo.

Walang dialogue itong Silent Night, na tampok sina Joel Kinnaman, Scott Mescudi, Harold Torres, at Catalina Sandino Moreno.

Kabilang sa mga pelikulang idinirek ni John Woo ang Paycheck (2003), Mission: Impossible 2 (2000), Face/Off (1997), Broken Arrow (1996), at Hard Target (1993).

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sylvia Sanchez on daughter-in-law Maine Mendoza (right, with husband Arjo Atayde): "Hindi nagkamali ang anak ko sa pagpili kay Maine. Nakampante siya, nakampante ako na merong Maine Mendoza na nag-aalaga at nagmamahal sa anak ko ngayon.”
PHOTO/S: Jerry Olea / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results