JERRY OLEA
Namamayagpag ang mga programa ng ABS-CBN sa major streaming sites, local primetime TV, at Philippine movie box office.
Nangunguna ang mga teleserye ng ABS-CBN na Can't Buy Me Love, Linlang, Unbreak My Heart, at Senior High sa streaming platforms na Netflix, Prime Video, Viu, at iWantTFC, respectively.
Agad-agad na nag-number one sa Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines ang seryeng Can't Buy Me Love nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.
Hanggang Mayo 2024 ang paisa-isang pagpapalabas ng bagong episode ng Can’t Buy Me Love.
Read: 'Can't Buy Me Love' ng DonBelle, No. 1 agad sa Netflix Top 10 TV shows
Nag-pilot episode ang Can’t Buy Me Love noong Oktubre 16, Lunes ng 8:45 p.m., sa TV5, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, at TFC.
Nakakuha umano ng 454,413 concurrent views ang pilot episode sa Kapamilya Online Live.
Ang AGB-Nielsen NUTAM aggregate rating ng pilot episode ng Can’t Buy Me Love ay 8%, kumpara sa 7.2% ng Love Before Sunrise nina Dennis Trillo at Bea Alonzo.
Sa Oktubre 20, Biyernes, ay streaming na sa Netflix PH ang Jose & Maria’s Bonggang Villa nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
DonBelle vs DongYan, alin ang mananaig?!
Nananatili rin ang thriller drama serye na Linlang nina Paulo Avelino, Kim Chiu, at JM de Guzman bilang most watched TV series sa Prime Video Philippines pagkatapos ng matagumpay na debut nito noong Oktubre 5.
Read: Four reasons to watch Prime Video series 'Linlang'
Ang Prime Top 10 in the Philippines ngayong Oktubre 17, Martes — Linlang, In My Mother’s Skin, GenV, The Continental, Expensive Candy, Comedy Island Philippines, The Equalizer 2, Nanahimik Ang Gabi, Fit Check: Confessions of An Ukay Queen, at Awareness.
Hawak pa rin ng Unbreak My Heart nina Jodi Sta. Maria, Joshua Garcia, at Eula Valdes ang numero unong puwesto sa Hottest Filipino Drama chart sa Viu.
Itong Unbreak My Heart ang unang teleserye na nagsanib-puwersa ang GMA at ABS-CBN.
Nasa cast din nito sina Richard Yap, Gabbi Garcia, Victor Neri, Romnick Sarmenta, Sunshine Cruz, at Nikki Valdez.
Pinakapinapanood ang mystery family drama show na Senior High na nina Andrea Brillantes, Kyle Echarri, Xyriel Manabat, Elijah Canlas, JK Labajo, at Zaijian Jaranilla sa iWantTFC.
Naghahari pa rin ang FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin sa rating charts sa primetime TV.
Noong Oktubre 16, Lunes, ang AGB-Nielsen NUTAM aggregate rating ng FPJ’s Batang Quiapo ay 15.6%, kumpara sa 10.7% ng Maging Sino Ka Man nina Barbie Forteza at David Licauco.
Nagkamit ng milestone ang pelikulang A Very Good Girl ng Star Cinema, na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon.
Kumita ito ng mahigit P100M sa ikatlong linggo sa takilya, at merong international screenings sa iba’t ibang panig ng mundo.
Abangan natin kung kakabugin ba ng Five Breakups and A Romance nina Alden Richards at Julia Montes itong A Very Good Girl.

NOEL FERRER
Umaariba ang ABS-CBN bilang content provider na naghahatid ng world-class na mga kuwentong Filipino sa iba't ibang platform sa mas maraming audience.
Samantala, narito ang pahayag ng ABS-CBN ngayong Oktubre 17, Martes ng hapon, kaugnay sa mga Kapamilya program na umeere sa A2Z:
“Simula 5 Nobyembre 2023, ilan sa ABS-CBN programs na napapanood sa A2Z tuwing Miyerkules, Biyernes, at Linggo ay magbibigay-daan sa PBA games simula season 48.
“Mapapanood naman ng A2Z viewers ang primetime programs na FPJ’s Batang Quiapo, Can't Buy Me Love, Senior High, at The World of A Married Couple sa TV5.
“Tuwing Linggo, mapapanood rin ang Everybody, Sing! at I Can See Your Voice sa TV5 at may delayed telecast ang mga ito sa A2Z pagkatapos ng PBA games.
“Suportado ng ABS-CBN at A2Z ang pagbabagong ito na magiging epektibo tuwing may PBA games.
“Maraming salamat, mga Kapamilya, Kapatid, at Ka-A2Z sa patuloy ninyong pagmamahal at suporta sa aming mga programa.”
May epekto kaya ang development na ito sa ratings ng mga programa sa A2Z na mape-preempt?
GORGY RULA
Hindi natitinag sa mataas na ratings ang mga afternoon drama ng GMA-7.
Consistent na nangunguna ang Abot-Kamay na Pangarap na naka-10.8% nung Lunes. Ang Pira-Pirasong Paraiso ay 1.7%.
Sumunod ang Magandang Dilag, kung saan tuloy pa rin ang pagmamaganda ni Gigi na ginagampanan ni Herlene Budol. Naka-10.1% naman ito, at 1.8% ang Nag-aapoy Na Damdamin.
Ang The Missing Husband naman ay 6.2%, at sumunod ang Fast Talk with Boy Abunda na 4.5%.
Ang My Roommate is Gumiho ay 2.8%, at mataas pa rin ang Family Feud na 9.8%, kontra sa Minute To Win It na 1.7%.
