PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

'Five Breakups And A Romance,' umabot na sa PHP25M-mark

Sagad na promo nina Alden Richards at Julia Montes, nagbunga.
by PEP Troika
Published Oct 23, 2023
five breakups and a romance
'Five Breakups And A Romance,' starring Alden Richards and Julia Montes, continues to do well at the box office, reaching the PHP25-million mark during the weekend.

GORGY RULA

Lalong tumaas ang gross ng Five Breakups And A Romance (5BAAR) nitong weekend.

Noong Sabado, October 21, 2023 ay naka-P6.7M ito, at lalo pang tumaas nung Linggo, October 22, dahil naka-P7.4M ito.

Sabi ng aming reliable source, close to P25M na raw ang box-office gross ng 5BAAR, at baka abutin ng PHP30M ito bukas.

Read: 'Five Breakups And A Romance' lampas PHP10M na ang kinita sa takilya

Kaya tuluy-tuloy pa rin ang promo nila at talagang aligaga sina Alden Richards at Julia Montes sa pagdalo sa mga block screenings.

Hanggang Sparkle Spell Halloween Party ay dala-dala pa ni Alden ang karakter niya bilang si Lance Sandoval.

Tumaas nga ang kilay ng ilan na parang hindi man lang daw nag-effort ang Asia's Multimedia Star na mag-costume sa naturang party.

Sobrang na-late pa raw ito, kaya super stretch ang mga host sa black carpet na sina Martin Javier at Janeena Chan para hintayin ang pagdating ni Alden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

In fairness sa Kapuso actor, may paliwanag siya kung bakit naka-T-shirt and jeans lang siya na suot ni Lance Sandoval sa 5BAAR.

Read: Alden Richards shares story behind his "Halloween costume"

NOEL FERRER

Promo kete promo si Alden and very understandable dahil 1/3 ang investment niya sa 5BAAR.

Pati dagdag na cost sa shoot at promo, kasamang nakakarga sa kanya. And it’s paying off really well. Congratulations!

Kahit ako nga, I invited some friends to watch with me again.

Ang iba doon, cute na cute kay Alden at nagtatanong, talaga bang nakapikit siya kapag nagla-lovemaking? Na-perfect na niya talaga ang pagiging pretty and charming boy on screen.

Si Julia naman, grabe ang range. After all she has been through, talagang nagamit niya yun to good use dahil sa lalim ng acting na ipinakita niya sa pelikulang ito.

Pati sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez ay nagpa-block screening sa UP Town Center kagabi.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi ng takilyera kanina, malakas talaga ang pelikula noong weekend.

Sana, tuluy-tuloy na ang ganitong trend ng mga pelikulang tinatangkilik ng mga kababayan natin.

JERRY OLEA

Ang quantum entanglement… bow!

Dalawampu’t lima (25) kaming nanood ng 5BAAR nitong Oktubre 22, Linggo ng 4:30 p.m., sa Cinema 6 ng Power Plant Mall, Rockwell Center, Makati City.

Maalab ang mga laplapan nina Alden Richards at Julia Montes sa pelikula. Mahusay sila kapwa sa pagbibigay-buhay sa karakter nina Lance at Justine.

Pinakagusto ko sa pelikula iyong pag-tackle sa COVID-19 pandemic, kung paano niyon naapektuhan ang mga tao. Andami kasing pelikulang Pinoy na deadma lang sa COVID as if it didn’t happen.

Iyon ngang istorya ng A Very Good Girl (AVGG), iniisip ko kung kailan ba nag-umpisa ang story niyon. Nakaranas ba ng pandemya sina Philo/Mercy (Kathryn Bernardo) at Mother Molly (Dolly de Leon)?

Sinagad nina Julia at Alden ang promo ng 5BAAR. Kapansin-pansin na nang maglaro sila sa Family Feud, kapos energy si Alden. Pagod na kasi ang Asia’s Multimedia Star sa kaiikot para sa promo ng movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang AVGG at 5BAAR pa lang ang Pinoy movies na umariba sa takilya this year. Karamihan sa pelikulang Pinoy na nag-showing ngayong 2023 ay kalunus-lunos ang sinapit.

E, ano kung late na dumating si Alden sa The Sparkle Spell 2023: Fabulously Frightening?!

E, ano kung hindi siya nag-effort na mag-Halloween costume?!

Iyon bang iba na fantabulously frightful ang costume ay merong hit movie this year man or any other year?! Maningning ba ang kanilang career?!

Read: Heartthrobs trick or treat at Sparkle Spell Halloween Party 2023

Looking forward tayo sa next movie ni Alden, ang MMFF 2023 official entry na Family Of Two (A Mother And Son Story) kung saan mag-ina sila ni Sharon Cuneta.

Sa kabisihan ni Alden, makakapanood kaya siya ng Dear Heart concert nina Sharon at Gabby Concepcion sa Oktubre 27, Biyernes, sa SM MOA Arena?

Kung hindi man siya makapanood sa Friday, merong VIP Night ang Dear Heart sa Oktubre sa grand ballroom ng Okada Manila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Puwede rin sa Dear Heart in Cebu sa Nobyembre 17 sa Nustar Convention Center.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
'Five Breakups And A Romance,' starring Alden Richards and Julia Montes, continues to do well at the box office, reaching the PHP25-million mark during the weekend.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results