PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Herlene & Rob: Totoo bang nagmamahalan?

Guesting ni John Lloyd Cruz sa Fast Talk, mataas ang rating?
by PEP Troika
Published Oct 25, 2023
herlene budol rob gomez john lloyd cruz
Magandang Dilag stars Herlene Budol and Rob Gomez (left) are embroiled in a rumored romance; John Lloyd Cruz's (right) guesting on Fast Talk With Boy Abunda garnered high rating.
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Ang duda ng fans, may namamagitan na sa Magandang Dilag stars na sina Herlene Budol at Rob Gomez base sa kung paano sila magtsikahan sa Instagram live noong Martes ng gabi, October 24, 2023.

Inabot sila ng hatinggabi sa kasasagot sa followers na nagtatanong sa kanila. Sumingit din ako ng tanong kung sila na ba, pero hindi nila ito sinagot.

Madalas na tinatanong sa kanila kung magkakatuluyan ba sila. Sinasagot lang nilang abangan kung magkakatuluyan sina Jared (Rob) at Gigi (Herlene), ang mga karakter nila sa kanilang afternoon drama series na malapit na ring matapos.

Patuloy na namamayagpag ang ratings ng mga afternoon drama ng GMA-7.

Kahapon ay naka-11.5% ang Abot Kamay na Pangarap, at 1.6% lamang ang katapat nitong Pira-Pirasong Pangarap.

Ang Magandang Dilag ay 9.8%, at 1.2% naman ang Nag-aapoy Na Damdamin.

Sumunod ang The Missing Husband na naka-6.8%.

Mataas din ang Fast Talk With Boy Abunda na naka-one-on-one si John Lloyd Cruz. Naka-6.2% ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: John Lloyd Cruz on son Elias: "Iniligtas niya yung buhay ko."

Tingnan natin kung mas mataas itong kay Bea Alonzo na guesting ngayong Oktubre 25, Miyerkules.

Mataas din ang Family Feud na naka-10.8%. Tataasan kaya ito ng Kids edition kung saan Sparkle child stars ang naglaro?

JERRY OLEA

Pumasok na sa Top 10 TV Shows ng Netflix ang Jose & Maria’s Bonggang Villa nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Pumuwesto ito sa number 10.

Nananatiling number 1 sa nasabing listahan ang DonBelle series na Can’t Buy Me Love.

Read: 'Can't Buy Me Love' ng DonBelle, No. 1 agad sa Netflix Top 10 TV shows

Siyempre, wagi pa rin ito sa ratings over Love Before Sunrise, pero konti na lang ang difference.

Sa mga TV series ngayon, nananatiling pinakamalakas ang FPJ’s Batang Quiapo. More or less ay 5 points lagi ang lamang nito sa BarDa series na Maging Sino Ka Man.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mukhang matatagalan pa ang Abot Kamay Na Pangarap. Pero ang Magandang Dilag, bilang na ang beautiful days nito.

Magtutuluy-tuloy kaya ang beautiful friendship nina Rob at Herlene? Pakisagot, mga KaBudol, KaSquammy, at KaHipon!!!

NOEL FERRER

Hanggang Nobyembre 3, Biyernes, na lamang ang Maging Sino Ka Man nina Barbie Forteza at David Licauco.

Sa Nobyembre 6, Lunes, ay magpa-pilot na ang Black Rider ni Ruru Madrid, kung saan tampok din sina Matteo Guidicelli, Yassi Pressman, Katrina Halili, at Kylie Padilla.

Nagsalpukan na before ang Lolong ni Ruru at FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco. Abangan natin ang panibagong bakbakan nina Coco at Ruru sa Game of Ratings!

For sure, pagandahan sila! Kaya panalo ang audience!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magandang Dilag stars Herlene Budol and Rob Gomez (left) are embroiled in a rumored romance; John Lloyd Cruz's (right) guesting on Fast Talk With Boy Abunda garnered high rating.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results