GORGY RULA
Tama ang sinabi ni Coco Martin kay Ruru Madrid na pinaghahandaan daw nila ang ipapantapat nila sa pilot episode ng Black Rider sa GMA-7.
Read: Ruru Madrid ayaw isipin ang muling pagtatapat nila ni Coco sa prime time
Marami ang nag-message sa radio program namin sa DZRH na matinding aksyon ang ginawa ni Coco sa FPJ’s Batang Quiapo nung Lunes, November 6, 2023, na talagang may pa-motor-motor pa raw si Coco na nakaangkas pa si Ivana Alawi.
Pero ang matinding panlaban ng FPJ’s Batang Quiapo ay may pa-bed scene pa sina Coco at Ivana.
Lamang pa rin ang Batang Quiapo na naka-15.5% ang aggregated ratings.
Ang Black Rider naman ay naka-12.1%.
Nakuha ng PEP Troika ang overnight data mula sa Nielsen NUTAM PPL.
Ayon sa NUTAM, ang nakuhang rating ng Black Rider sa GMA 7 ay 10.3%, at sa GTV ay 1.8%.
Samantala, ang Batang Quiapo ay naka-8.3% sa TV5, 5.2% sa A2Z, at 2% sa Kapamilya Channel.
Talagang lamang ang aggregated ratings ang teleserye ni Coco, dahil sa tatlong istasyon ito napapanood nang magkakasabay na ipinapalabas.
Surprisingly, marami na rin pala talagang nanonood sa A2Z pati sa Kapamilya Channel. Kaya kailangang palakasin pa rin ng GMA 7 ang GTV, pati ang iba pa nilang affiliated stations kagaya ng Pinoy Hits at Heart of Asia.
NOEL FERRER
Narito ang ratings ng iba pang programa nung Lunes...
Lalong tumataas ang Magandang Dilag dahil nasa finale week na ito.
Sa GMA-7, ang Family Feud ang nakakuha ng pinakamataas na rating kahapon.
Ang Eat Bulaga! ay 3.6%, ang E.A.T. ay 3.8%, at ang It's Showtime ay 2.9%.
Ang Abot Kamay Na Pangarap ay 10.7%, at 2.4% ang Pira-Pirasong Paraiso.
Ang Magandang Dilag ay 10.1%, at 1.8% ang Nag-aapoy na Damdamin.
Ang The Missing Husband ay 7.1%. Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 5%, ang Deadly Affair ay 3.3%, at ang Family Feud ay 10.9%.
Mabuti’t buhay naman ang TV audience kahit paano!
JERRY OLEA
Ang finale ng Maging Sino Ka Man noong Nobyembre 3, Biyernes ay 11.3%. Mas mataas ang pilot episode ng Black Rider na 12.1%!
Nitong Nobyembre 6, Lunes, ay wagi pa rin ang Can’t Buy Me Love na naka-8.1% kumpara sa Love Before Sunrise na 7.4%.
Patuloy nating bantayan ang ratings ng E.A.T. vs Eat Bulaga! vs It's Showtime, FPJ’s Batang Quiapo vs Black Rider, at Can’t Buy Me Love vs Love Before Sunrise!
