JERRY OLEA
Na-displace na sa top spot ang Can’t Buy Me Love sa Netflix PH.
Twenty-three (23) consecutive days na nanguna ang naturang DonBelle series sa talaan ng Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix — mula Oktubre 16, Lunes hanggang Nobyembre 7, Martes.
Read: 'Can't Buy Me Love' ng DonBelle, No. 1 agad sa Netflix Top 10 TV shows
Anak ng panty! Ang kumabog sa serye nina Donny Pangilinan at Belle Mariano ngayong Nobyembre 8, Miyerkules, ay ang Attack on Titan.
Nasa seventh and final season na ang nasabing Japanese dark fantasy anime TV series.
Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix — Attack on Titan, Can’t Buy Me Love, Strong Girl Nam-soon, Castaway Diva, Daily Dose of Sunshine, Doona!, All The Light We Cannot See, Spy x Family, Onimusha, at Blue Eye Samurai.
Ang nasa pangatlo hanggang pang-anim na puwesto ay gawa mula sa South Korea.
Hanggang Mayo 2024 pa ang installment ng mga bagong episode ng Can’t Buy Me Love, kaya marami pa itong chances na mabawi ang unang puwesto.

GORGY RULA
Sa tingin ko naman, babalik pa iyang Can’t Buy Me Love sa number one.
Maganda ang takbo ng kuwento, at ramdam ko nang magsisimula na ang pakilig nina Donny at Belle, dahil nakatakda nang bumalik si Ling (Belle) sa bahay nila, at nakini-kinita ko nang parang ayaw ni Bingo (Donny) at mami-miss na niya ito.
Kahit hindi ako DonBelle fan, ramdam ko na ang kilig. Ang lakas ng presence ni Donny sa seryeng ito at siya pa rin talaga ang nagdadala.
Nakaka-good vibes ang pamilya niya rito na ginagampanan nina Nova Villa at Ketchup Eusebio. Kahit mala-Star Cinema movie ang ilang eksena nila sa kanilang lugar, keri lang.
Ang isa pang magaling dito ay si Maris Racal na bagay na bagay sa kanya ang role ni Irene — ang bratty, lasenggera, at mahilig gumimik na half-sister ni Ling.
Okay pa rin si Kaila Estrada bilang Bettina half-sister din ni Ling. Parang nakikita ko pa rin kay Bettina ang karakter ni Sylvia sa Linlang.
Medyo mapanlinlang na rin ang karakter ni Bettina rito kaya gusto niyang pakasalan pa rin ang fiancé na si Edward na ginagampanan ni Enzo Pineda, kahit alam niya ang pagtataksil nito.
Read: Kaila Estrada overwhelmed by positive feedback for her roles in "Linlang" and "Can't Buy Me Love"
NOEL FERRER
Ngayong Nobyembre 8, Miyerkules, ay dalawang pelikulang Pinoy ang nasa Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix.
Nasa pangwalong puwesto ang horror movie na Tia Madre (2019) kung saan tampok sina Cherie Gil, Janna Agoncillo, Carl Palaganas, at Mara Lopez, sa panulat at direksiyon ni Eve Baswel. Two days na ito sa Top 10.
Nasa pansampung puwesto naman ang The Cheating Game nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, sa direksiyon ni Rod Marmol.
Two consecutive days itong number 1. Nang sumunod na dalawang araw ay number 2 ito, at bumaba nang bumaba afterwards. Bale 12 days na itong nasa Top 10.
Read: The Cheating Game, Can't Buy Me Love, number one sa Netflix PH Top 10
Ang Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix — Wingwomen, Locked In, Murderer, Love Again, 13 Hours, Jawan: Extended Cut, Sister Death, Tia Madre, Nyad, at The Cheating Game.
Sa Nobyembre 16, Huwebes, ay streaming na sa Netflix ang Third World Romance nina Carlo Aquino at Charlie Dizon.
Abangan natin kung magna-number one ito gaya ng movies ni Carlo na Seasons at Love You Long Time.

