PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jane de Leon at Janella Salvador, balik-tambalan sa GL movie?

Jane on status of relationship with Janella: “… sisterhood na wala sa iba.”
by PEP Troika
Published Nov 15, 2023
jane de leon janella salvador
Jane de Leon (left) on "sisterhood" with Janella Salvador (right): "Sa showbiz kasi, bihira ka lang talagang makahanap ng artistang kaibigan na alam mong anytime nandiyan for you. Na hindi ka idya-judge. Sobrang na-appreciate namin yun sa isa’t isa… ganun ka-huge yung love and relationship namin for each other. Na pag may problems kami, ups and downs, nandiyan kami.”
PHOTO/S: Gorgy Rula / @theideafirstcompany on Instagram

JERRY OLEA

Pagkatapos ng fantaseryeng Mars Ravelo’s Darna, tampok si Jane de Leon sa “Rage” episode ng pelikulang Shake, Rattle & Roll Extreme na mapapanood sa mga sinehan umpisa Nobyembre 29, 2023, Miyerkules.

May ikinakasa nang follow-up TV series para sa kanya ang ABS-CBN. Kaso, nagkapatung-patong daw ang schedules niya ng mga pelikula, kaya ipinagpaliban iyon.

May naka-lineup na limang kasunod na movies si Jane, kabilang ang How To Be A Good Wife na pagbibidahan nila ni Janella Salvador sa direksiyon ni Jun Robles Lana.

Nabuo ang JaneNella tandem nila ni Janella sa Darna, remember?

Nag-storycon ang How To Be A Good Wife nitong Nobyembre 13, Lunes. Na-excite at kinilig ang fans ng JaneNella, kaya nag-trending sila.

GL (Girls Love) story ba itong How To Be A Good Wife?

Read: Janella Salvador, Jane de Leon on possibility of doing a GL series: "Why not?"

“Secret!” nakangiting bulalas ni Jane sa mediacon ng Shake, Rattle & Roll Extreme nitong Nobyembre 14, Martes, sa Valencia Events Place, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

OK lang kay Jane iyong mga nagsi-ship sa tambalan nila ni Janella.

Aniya, “If kaligayahan nila yun, ibibigay namin. Kasi, nag-e-enjoy din naman kami. Sobrang nagpapasalamat kami sa mga fans.

“Grabe! Hindi siya normal sa show business kasi, e, yung magkaroon ng ganitong clamor, di ba? So, natutuwa kami, we spread positivity with everyone.

“Iniingatan naman namin yung image namin, especially those people na … may mga humahanga sa amin, the young ones, even the adults.

“Nagiging magandang halimbawa pa rin kami sa kanila. That’s why everything na nangyayari, and despite of yung LGBT. We support the LGBT community.”

Nao-offend ba sila na may mga kumukuwestiyon sa sexual preference or orientation nila?

“No, no. Bakit kami mao-offend? It’s LGBT. They’re still human. And kami, kung ano man kami, proud kami sa sarili namin.

“Importante lang naman is mag-spread ka lang ng positive vibes. Hindi siya negative, e. It’s not negative.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ko ma-put in mind kung paano siya magiging negative sa ibang tao. Sana, they learn how to respect the community because ayun ang ginagawa namin.

“That’s why they respect us because we respect them,” pagmamatuwid ni Jane. Meron na bang nagparamdam sa kanya na lesbian?

“Meron naman. Before nung high school ako, dalawang lesbian ba yon?”

NOEL FERRER

Ano na ba talaga ang status nina Jane at Janella? Ano ang specific label?

“Well, kami ni Janella… sisterhood na wala sa iba,” hinay-hinay na pahayag ni Jane.

“Siguro pero hindi ko masasabi, siguro meron din ang iba. Pero sa showbiz kasi, bihira ka lang talagang makahanap ng artistang kaibigan na alam mong anytime nandiyan for you.

“Na hindi ka idya-judge. Sobrang na-appreciate namin yun sa isa’t isa… ganun ka-huge yung love and relationship namin for each other.

“Na pag may problems kami, ups and downs, nandiyan kami.”

Love niya talaga si Janella?!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“I super love Janella. And I know she loves me too, super.”

At least busy is good! Active na active sina Jane at Janella!!!

GORGY RULA

Iba raw talaga ang friendship nina Jane at Janella. Meron pa pala silang mga nagawa na hindi pa nailabas sa social media.

Tinanong siya kung ano ang extreme na nagawa niya sa kanyang kaibigan.

Ani Jane, “Hindi pa namin nari-release yung mga pictures namin. Nung Holy week kasi, niyayaya niya akong mag-Singapore.

"So, sinabi ko hindi ako puwede. Pero hindi niya alam nandun na ako sa Singapore. Na-surprise ko siya dun."

Bago mag-end ang November ay lilipad pa-Amerika si Jane para doon siya mag-celebrate ng kanyang kaarawan kasama ang pamilya.

Pero babalik daw siya bago ang showing ng Shake, Rattle & Roll Extreme dahil kailangang makadalo raw siya sa premiere night nito sa Nobyembre 24, Biyernes, sa SM Megamall.

Tampok din sa horror trilogy na ito sina Iza Calzado, Jane Oineza, RK Bagatsing, Paolo Gumabao, Paul Salas, Rob Gomez, Angel Guardian, Miggs Cuaderno, Ninong Ry, Phi Palmos, Sarah Edwards, at Francis Mata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jane de Leon (left) on "sisterhood" with Janella Salvador (right): "Sa showbiz kasi, bihira ka lang talagang makahanap ng artistang kaibigan na alam mong anytime nandiyan for you. Na hindi ka idya-judge. Sobrang na-appreciate namin yun sa isa’t isa… ganun ka-huge yung love and relationship namin for each other. Na pag may problems kami, ups and downs, nandiyan kami.”
PHOTO/S: Gorgy Rula / @theideafirstcompany on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results