JERRY OLEA
Number 1 agad ang Squid Game: The Challenge (SGTC) sa Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix.
Ang first five episodes ng nasabing British reality competition TV series ay nag-umpisang mag-streaming noong Nobyembre 22, 2023, Miyerkules.
Sa Nobyembre 29, Miyerkules, mag-i-streaming ang four new episodes nito. Ang finale episode ay nakatakdang ipalabas sa Disyembre 6.
Ngayong Nobyembre 24, Biyernes, ay pumuwesto agad ito sa top spot, at pumangalawa na lamang ang DonBelle series na Can’t Buy Me Love (CBML).
Twenty-three consecutive days na number 1 sa listahan ng mga serye sa Netflix PH ang CBML nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, mula Oktubre 16 hanggang Nobyembre 7.
Read: 'Can't Buy Me Love' ng DonBelle, No. 1 agad sa Netflix Top 10 TV shows
Kinabog ito ng Attack On Titan noong Nobyembre 8 at 9.
Nakabawi ang CBML noong Nobyembre 10, pero kinabukasan ay nanguna muli ang Attack On Time.
Nang sumunod na labindalawang araw, Nobyembre 12 hanggang 23, ay Can’t Buy Me Love muli ang namayagpag, habang ispageting pababa ang ranggo ng Attack On Titan.
Pero this Friday, may bagong kampeon, itong Squid Game: The Challenge.
Today rin ang umpisa ng streaming ng seryeng Replacing Chef Chico starring Alessandra de Rossi, Sam Milby, and Piolo Pascual.
Kaya tingnan natin kung ano ang kahihinatnan ng CBML, na hanggang Mayo 2024 ang installments ng bagong episodes.
Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix — Squid Game: The Challenge, Can’t Buy Me Love, Strong Girl Nam-soon, Castaway Diva, Spy x Family, Daily Dose of Sunshine, The Crown, Young Sheldon, Attack On Titan, at Criminal Code.

Ang Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix — Leo, Believer 2, War Of The Planet of the Apes, Third World Romance, Dawn Of The Planet Of The Apes, Escape Room, Believer, Best Christmas Ever, The Killer, at See You On Venus.
Tatlong araw lang nag-No. 1 sa Top 10 Movies list ng Netflix PH ang Third World Romance nina Carlo Aquino at Charlie Dizon, mula Nobyembre 18 hanggang 20.
Sa Disyembre 1, Biyernes, ay streaming na sa Netflix PH ang Pinoy movies na Can We Still Be Friends? at Mamasapano: Now It Can Be Told.
Sa Disyembre 15 naman ang streaming ng pelikulang I Love Lizzy starring Carlo Aquino and Barbie Imperial.
GORGY RULA
Okay naman itong Squid Game: The Challenge reality show na nag-umpisang mag-shooting noong Enero 2023 sa dalawang studio sa United Kingdom.
US$4.56M ang cash prize dito, pinakamalaki so far sa kasaysayan ng reality TV at game show. Kinabog nito ang dating record na $2.6M sa The Million Second Quiz.
Nandiyan pa rin ang thrill, at suspense pa rin ang mga susunod na tagpo. Pero wala na yung shock factor na dala ng Squid Game deries ng South Korea na matutulala ka na lang pagkatapos mo mapanood ang isang episode.
Iba ang approach nito ngayon, at nakakaaliw panoorin lalo na ang players ay natuto na at nakakuha ng tips sa unang Squid Game.
Sana, ma-maintain nito ang interest ng mga manonood. Puwede talaga siyang mag-number one.
Samantala, marami pang local films at series na aabangan natin sa iba't ibang streaming apps kagaya ng Netflix.
Ang galing nga ng Mavx Productions dahil pagkatapos nilang naipalabas sa TFC ang I Love Lizzy nina Carlo Aquino at Barbie Imperial, ngayon naman ay nakatakda na siyang i-stream sa Netflix sa December 15. Kaya maaring nabawi na ng Mavx ang ipinuhunan niya sa pelikulang ito kahit hindi na magkaroon ng theatrical release.
Baka ganun na rin ang gagawin sa A Journey nina Paolo Contis, Kaye Abad, at Patrick Garcia?
NOEL FERRER
Interesting ang pagpasok ng Replacing Chef Chico sa streaming.
Kung magiging successful ito, baka ito na ang way na tatahakin ng mga production houses at mga artista na puwedeng maging alternative sa mainstream TV — ang pagpo-produce ng sariling content at makipag-tie up sa Netflix o anumang kilalang streaming platform.
Sa ngayon ay nagkakatulungan ang streaming at mainstream devices. Mas napu-push na ang pag-create ng content na involved na ang mga artista na nagco-coproduce pa sila rito.
That way, may stake sila sa mangyayari sa career nila at hindi na nakadepende sa network! Ang galing lang, di ba?
