JERRY OLEA
Nag-post ang It’s Showtime sa X nitong Disyembre 3, Linggo ng gabi, “Madlang People! G na sa nakakaEXcite na FUNanghalian! Abangan ang pakiki-party party sa atin for the very first time ni Kapuso star ALDEN RICHARDS ngayong Lunes sa It's Showtime!”
Nang i-post iyon ay nasa Novotel Hotel si Alden Richards para sa mediacon ng MMFF 2023 official entry nila ni Sharon Cuneta na Family Of Two (A Mother and Son Story).
Nasa mediacon din sina Sharon, Jackielou Blanco, Miles Ocampo, Pepe Herrera, Direk Nuel Naval, at scriptwriter Mel Mendoza-del Rosario.
Inusisa ng katotong Allan Diones kung ano ang nararamdaman ni Alden sa guesting niya sa It’s Showtime ngayong Lunes.
Tugon ng Asia’s Multimedia Star, “Sa ngayon po, parang… ahh…”
Tuloy ba talaga? Merong artcard!
“Yun nga po, e. Pero ako… initially po, yes. But… parang mas nilalatag po yung schedule na magkasama kami ni Mama.”
Ang "Mama" na tinutukoy ni Alden ay ang Megastar.
Dagdag ni Alden, “So ano po, hindi ko po alam.”
Singit ni Shawie na naglalambing, “Uy, GMA! Para niyo nang awa, pa-promote niyo naman sa Kapamilya si Alden! Kasi, kami lang din naman!”
Sambot ni Alden, “Inaayos pa po talaga as of today pero yun nga po, medyo nagkaroon ng tweaking sa schedule pero definitely po, mangyayari po yan for the promo ng Family Of Two.”
GORGY RULA
OK rin daw kay Alden na pumunta sa programang katapat ng E.A.T. basta may ipo-promote siya.
Ang hosts ng E.A.T. ay ang mga kasamahan noon ni Alden sa Eat Bulaga! ng legit Dabarkads.
Pumayag si Alden na mag-guest sa It’s Showtime para sa promo ng pelikula nila ng Mama Sharon niya, ang Family Of Two (A Mother and Son Story).
Matagal na naging bahagi si Alden ng Legit Dabarkads. Katapat nila ang It’s Showtime. First time na tutuntong si Alden sa nasabing programa.
“Ngayon po kasi… parang nakita naman natin kung gaano na ka-diversified yung free TV natin, of course,” sabi ni Alden.
Pagmamatuwid nina Alden at Sharon, wala na iyong network war.
Dagdag ni Alden, “And you know, the partnership of ABS-CBN and GMA right now is very fluid to the point na hinahayaan po talagang… magtawid-bakod po yung mga artista ng parehong istasyon. And….”
Singit muli ni Sharon, “At huwag tayong ano, alam ng tao, at grateful tayo. Kami talaga nagsimula, sa Eat Bulaga!, tulad ni Miles yan.
“Ako, 1979 pa. E, nagkaroon ako ng pamilya rin sa ABS-CBN, which is Showtime, mahal ko silang lahat! Di ba?”
Agree si Alden sa sinasabi ng kanyang Mama. Yes siya nang yes.
Pagpapatuloy ni Sharon, “Pero Bulaga! yung talagang pinanggalingan ko. Yun ang dikit-puso ko! Ha! Ha! Ha!”
Sambot ni Alden, “Kasi yun nga rin po, parang when the transition of Eat Bulaga! happened po from GMA to TV5, nabanggit ko naman po yun.
“Na when it comes to promo, dun lang po ako magge-guest sa mga noontime shows and other shows from ABS-CBN.
“Pero ang respeto ko po sa Eat Bulaga! regarding to guest nang walang ipo-promote or to be a guest host, sa kanila lang po yun.
“And tinaga ko na po yun sa bato na I won’t do that in respect to them.
“Pero with regards sa promo, lalo po ngayon, may pelikula po kami, obligasyon po namin sa lahat ng puwede.”
Read: Alden Richards reaffirms loyalty to TVJ, original Eat Bulaga! Dabarkads
Naka-text ko si Tracy Garcia ng GMA Sparkle ngayong umaga.
Ani Tracy, tuloy ang guesting ni Alden today sa It’s Showtime!!!
At makakasama na niya ang kanyang Mama Sharon, na nagawan ng paraan para maisingit ang guesting sa It's Showtime kahit may taping siya para sa isang bagong programa.
NOEL FERRER
Pagbabalik-tanaw ni Sharon, nang mag-umpisa siya sa showbiz ay walang network war.
Ani Megastar, “Kami ni Jackie [Lou Blanco], lumaki sa GMA Supershow. Ha! Ha! Ha! Ang Eat Bulaga! nun, nasa RPN 9. Lahat ng studio noon, nalibot ko na.
“Ang TSCS [The Sharon Cuneta Show] started with IBC 13 before ABS-CBN pirated us. So, I mean, I’ve been through all the…
“So I’m used to that. We’re going back to that, which is nice for the industry.”
Nakaka-excite para sa televiewers ang pagtawid-tawid ng mga artista sa iba’t ibang istasyon. Sa ganitong kaganapan… tayo, ang audience ang panalo!!!
