PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

MMFF 2023 stars on noontime shows

E.A.T. at It's Showtime, naungusan ang Eat Bulaga!.
by PEP Troika
Published Dec 19, 2023
it's showtime e.a.t.
(Top) Kapuso royal couple Marian Rivera and Dingdong Dantes guested on It's Showtime for the first time to promote their movie Rewind; (bottom) Megastar Sharon Cuneta returns to E.A.T. to promote her movie with Alden Richards, Family Of Two.
PHOTO/S: Kapamilya Channel / TVJ Facebook

GORGY RULA

Apektado ang ratings ng Eat Bulaga! nitong weekend dahil sa guestings ng mga malalaking artistang kasali sa mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023.

Bumalik si Sharon Cuneta sa E.A.T. nung Biyernes, December 15, para sa promo ng entry nila ni Alden Richards na Family of Two (A Mother And Son Story) ng Cineko Productions.

Naka-4.3% ang rating ng E.A.T., at bumaba ang Eat Bulaga! na naka-2.8% lamang. Ang It's Showtime naman ay naka-3%.

Nung Sabado, December 16, ay special guests naman ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa It's Showtime.

Sina Marian at Dingdong ang mga bida sa pelikulang Rewind ng ABS-CBN Production at Agosto Dos.

Read: Marian Rivera, Dingdong Dantes visit It's Showtime; netizens ask, "asan si Karylle?"

Maaaring inaabangan ang pagsigaw ng mag-asawa ng "What's up, madlang pipol!" kaya ang taas ng rating nito na naka-4.1%.

Nanguna pa rin ang E.A.T. sa TV5 na naka-4.5%, at ang Eat Bulaga! ay 2.9% lamang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng ilang taga-EB na tinanong namin ay baka napagod daw ang mga manonood sa dami ng commercials nila. Umabot daw sa 53 minutes ang commercial load nila nung araw na yun.

Pero siyempre, kakarerin daw nilang pagandahin lalo ang show para hindi sila maiwan sa ratings.

Inaasahan nilang maggi-guest sa kanila ang big stars kagaya nina Dingdong at Marian, lalo na si Alden Richards.

Ang pagkakaalam namin sa Huwebes ay magpu-promote sa kanila si Dingdong.

Pero siyempre, ang inaabangan namin ay kung aapir ba sa kanila si Alden.

Sabi naman ng Asia's Multimedia Star nang nakatsikahan namin sa thanksgiving party niya sa entertainment press, “Inaayos po yata yung schedule po. Eventually po matutuloy din po yan."

Nabanggit naman noon ni dating Senator Tito Sotto na naiintindihan nila kung mag-Eat Bulaga! si Alden dahil nakakontrata siya sa GMA-7.

Read: TVJ, ano ang reaksiyon sa paggi-guest ni Alden Richards sa It's Showtime?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hinanap ni Joey de Leon si Alden nang nag-guest si Sharon sa E.A.T.

Sabi nga ni Alden, alam ng lahat kung bakit hindi siya makapag-promote sa Kapatid network.

"Dun nga lang din po sa TV5, given na po yun. Ako po, naghihintay lang naman ng permission.

"Pero my realationship with the Darbakads po ng Eat Bulaga! po, sa kila Tito, Vic & Joey still there, and the respect is still there, hindi po nawawala yun," saad ni Alden.

NOEL FERRER

Nakapag-promote na si Alden sa It's Showtime, at sabi nga ng iba, wala na rin namang network war, baka puwede na sa TV5.

Pero siyempre, kaabang-abang kung lalabas ba si Alden sa Eat Bulaga! ng TAPE, lalo na't mga kaibigan naman niya ang karamihan sa mga host doon.

"Yun nga po ang sinabi ko before bago nangyari yung sa Eat Bulaga! na paglipat sa TV5, di ba, na if I have to do promos with all of the shows.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siyempre I will not deprive the project that I'm working with. With the opportunity to promote it to different shows po, especially mga noontime shows natin.

"Pero right now kasi, wala pa pong sked na pag-aggrehan regarding sa guesting kasi ang gusto nga po dalawa po kami ni Ms. Sharon laging maggi-guest," sambit ni Alden.

Dagdag pa niyang pahayag, “I always mean well po sa mga ginagawa ko naman po sa buhay ko.

"Hindi po ako para mang-apak o mang-tarnish po ng relationship po na nagkaroon ako sa mga nakatrabaho ko po before, most especially po Eat Bulaga! na ang laki po nang natulong sa akin talaga."

May nagtanong kay Alden na sakaling alukin siya ng TAPE na mag-host sa revamped Eat Bulaga!, tatanggapin ba niya ito?

"Hindi ko po siya tatanggapin," diretsong sagot ng Kapuso actor.

JERRY OLEA

Sanggang-dikit sina Paolo Contis at Dingdong Dantes, kaya inaasahan nating maggi-guest si Dingdong sa Eat Bulaga! para i-promote ang MMFF 2023 entries niyang Rewind at Firefly.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kauna-unahang pagkakataon, dumayo sa ASAP Natin ‘To stage last Sunday si Dingdong at maybahay na si Marian Rivera para pa rin sa promo ng Rewind.

Naka-2.2% ang ASAP, samantalang ang katapat nitong All Out Sundays ay naka-3.1%.

Ratsada ang promo ng MMFF 2023 official entries ngayong nalalapit na ang Pasko, Disyembre 25, Lunes, na first day ng filmfest.

Noong Disyembre 16, Sabado, ginanap ang star-studded Parade of Stars sa CaMaNaVa area.

Maagang dumating si Christian Bables sa Navotas Centennial Park kung saan gunanap ang opening ceremony.

Umalis agad siya at hindi nasamahan sina Teejay Marquez, Marvin Yap, Jay Gonzaga, at Iyah Mina sa float ng movie nilang Broken Hearts Trip. May emergency kasi sa pamilya, partikular sa kanyang stepfather.

Noong Disyembre 17, Linggo, ay dumating si Christian sa premiere night ng Broken Hearts Trip sa Gateway Mall, Cubao, Quezon City. Nang usisain namin siya tungkol sa kanyang stepfather, ipinagtapat ni Christian na na-stroke ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mula sa Gateway ay nakisabay kami sa katotong Jun Lalin pa-TriNoMa para naman sa premiere night ng Family Of Two (A Mother and Son Story).

Dagsa ang mga nanood doon, lalo pa’t andaming artistang sumuporta kina Sharon Cuneta at Alden Richards.

Disyembre 18, Lunes ng gabi, naman ang premiere ng psychological horror na Kampon sa SM Megamall.

Present sa opening ceremony ang mga artista ng pelikula, kabilang sina Derek Ramsay, Beauty Gonzalez, Zeinab Harake, Nico Antonio, Cai Cortez, Nor Domingo, at ang seven-year old na si Erin Espiritu.

Siyempre, pinalabas si Erin habang ongoing ang screening ng movie, na more or less ay isa’t kalahating oras ang running time.

Pagkatapos ng screening ay bumalik si Erin para sa Q&A. Ani Erin, namasyal-masyal siya sa mall noong lumabas siya sa sinehan.

Bukas, Disyembre 20, Miyerkules, ang world premiere ng horror movie ni Piolo Pascual na Mallari.

Sa SM Megamall din ang venue, at 4:00 p.m. mag-o-open ang gates.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Co-stars ni Piolo sa Mallari sina Janella Salvador, JC Santos, Elisse Joson, at Gloria Diaz.

Ang FABonggahan premiere ng Becky & Badette ay sa Disyembre 21, Huwebes ng 6:00 p.m. naman, doon din sa SM Megamall.

Bida rito sina Eugene Domingo at Pokwang, at co-stars nila sina Romnick Sarmenta, Agot Isidro, at Adrian Lindayag.

Si Vilma Santos ay nagkasakit kaya vitual lang sa grand presscon ng movie nila ni Christopher de Leon na When I Met You In Tokyo noong Disyembre 14, Huwebes, sa Crowne Plaza sa Ortigas Center, Pasig City.

Hindi rin kinaya ni Ate Vi na lumahok sa Parade of Stars noong Sabado.

Ngayong Tuesday night, Vi & Boyet will have fun with Luis Manzano on Luis Listens.

Hopefully ay matuloy rin bukas ang online interview ng PEP Troika with Vi & Boyet na unang nagtambal sa pelikulang Tag-ulan sa Tag-init 47 years ago.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Top) Kapuso royal couple Marian Rivera and Dingdong Dantes guested on It's Showtime for the first time to promote their movie Rewind; (bottom) Megastar Sharon Cuneta returns to E.A.T. to promote her movie with Alden Richards, Family Of Two.
PHOTO/S: Kapamilya Channel / TVJ Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results