PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Teejay Marquez: MMFF 2023 Entry, Broken Hearts Club

Teejay Marquez, gusto nang limitahan ang pagganap ng gay roles.
by PEP Troika
Published Jan 8, 2024
teejay marquez makiling
Teejay Marquez on playing gay roles: “Medyo limit po siguro. Natuwa naman po yung mga supporters ko, pero siyempre ayoko naman pong ma-typecast na yun lang ang kaya ko. Pero okay lang po sa akin, wala naman pong saradong pintuan.”
PHOTO/S: Teejay Marquez Facebook

GORGY RULA

Nakatsikahan ng PEP Troika si Teejay Marquez sa media conference ng Makiling na nagsimula na ngayong Enero 8, 2024, Lunes, sa GMA-7.

Read: Teejay Marquez, nanindigang wala pa siyang ginagawang video o photo scandal

Masaya si Teejay at punung-puno ng excitement dahil ibang-iba raw ang role niya sa seryeng ito na pinagbinidahan nina Derrick Monasterio at Elle Villlanueva.

All-out ang pagkakontrabida niya rito kasama sina Kristoffer Martin, Royce Cabrera, Myrtle Sarrosa, at Claire Castro na magpapahirap kay Elle.

At least, bago na naman daw matapos malinya na siya sa gay roles dahil sa nagawa niyang BL series.

Read: Teejay Marquez, ini-enjoy ang pagganap sa gay roles; keber sa negative comments

Ang huli niyang gay role ay sa MMFF 2023 official entry na Broken Hearts Trip.

Medyo na-sad lang ang aktor dahil kulelat sa takilya ang pelikulang ito sa 49th Metro Manila Film Festival.

Read: Broken Hearts Trip director, inalmahan ang isyung palakasan sa pagpasok nila sa MMFF 2023

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Teejay, “Ako naman, since nalaman ko na mag-MMFF, sinabi ko sa sarili ko na i-enjoy ko yung experience, and I did enjoy it.

“Yung journey, parade, awards night, yung mga promos, yun kasi ang pangarap ko dati. Feeling ko, artista na ako pag naka-MMFF na ako.

“So, bonus na lang po sa akin bilang isang aktor na mabigyan kami ng parangal or tumaas… siyempre gusto ko tumaas yung sales namin para makagawa kami ng pelikula.

“Pero yun nga, since medyo nandun na tayo sa hindi masyadong nag-hit, hindi nakalaban, I hope na kahit papano na soon mapanood pa rin ng mga tao.

“Siguro masyadong napakaganda po talaga ng mga pelikulang lumaban ngayon kaya deserve naman po nilang manalo at mag-hit.

“Sana pag napunta kami sa mga platforms na iba, sana mapanood pa rin tayo ng mga Pilipino.

“Pinaghirapan po namin yun at maganda naman po yung istorya.

“Gusto ko rin po i-congratulate ang lahat na mga nanalo at lahat po na nag-hit, kasi deserve po nila.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Vilma Santos, Cedrick Juan, Firefly, Gomburza win big at MMFF 2023 Gabi Ng Parangal

NOEL FERRER

Happy na raw muna si Teejay sa ngayon na nagkokontrabida siya at hindi siya bading dito sa Makiling. Kung puwede lang daw ay limitado na raw muna siya sa gay roles.

“Medyo limit po siguro. Natuwa naman po yung mga supporters ko, pero siyempre ayoko naman pong ma-typecast na yun lang ang kaya ko.

“Pero okay lang po sa akin, wala naman pong saradong pintuan,” sey ni Teejay.

Okay naman, kasi aktor naman si Teejay.

Pero of course, at least alam ng tao kung saan siya magaling, at doon siya tatanggapin, di ba?

Read: Pinoy Boys Love series: a genre that boomed during the pandemic

JERRY OLEA

May pelikula pang natapos si Teejay para sa AQ Prime. Hopefully ay makapag-streaming iyon sakaling bumalik ang AQ Prime next month.

Patok na patok ang BL series nina Teejay at Jerome Ponce na Ben x Jim, na ang first season ay libreng napanood sa YouTube channel ng Regal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Jerome Ponce-Teejay Marquez "near kiss" moment in Ben X Jim; other BL series updates

Iyong second season na smorgasbord at may bayad na ay hindi masyadong kinagat ng netizens.

Read: Teejay Marquez "missing in action" in Ben x Jim second season; no Jerome Ponce-Yves Flores reunion

Hopia tayo na magkaroon iyon ng third season.

Nanghinayang tayo sa My Story na sequel ng My Day.

Sequel ng My Day ang My Story, na akala natin ay naka-focus sa characters nina Teejay at Miko Gallardo, pero kung saan napunta ang istorya at mga baguhan na ang pino-promote doon.

Read: Teejay Marquez at Miko Gallardo, itinadhana sa Pinoy BL series na “My Story”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Teejay Marquez on playing gay roles: “Medyo limit po siguro. Natuwa naman po yung mga supporters ko, pero siyempre ayoko naman pong ma-typecast na yun lang ang kaya ko. Pero okay lang po sa akin, wala naman pong saradong pintuan.”
PHOTO/S: Teejay Marquez Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results