GORGY RULA
Inasahan na ni Rayver Cruz sa nakaraang media conference ng bagong drama series niyang Asawa ng Asawa Ko na itatanong sa kanya kung may wedding plans na sila ng girlfriend na si Julie Anne San Jose.
Read: Julie Anne San Jose and Rayver Cruz: Better together
Napangiti si Rayver sa pangungulit namin kung kailan niya balak mag-propose kay Julie Anne.
Saad ng Kapuso actor, “Kung itatanong niyo po kung kailan ako magpapakasal, mas gugustuhin ko naman na ma-surprise siya. Baka mas mauna niyo pang malaman. Kailangan caught off guard siya.
“Ako na lang ang pipili ng tamang oras para dun. Saka yung gusto ko ma-surprise siya nang todo.
“Ibang level na, e. Sobrang secure. Kitang-kita naman kung gaano ko siya kamahal. In God’s perfect time.”
Umayon naman si Rayver sa sinabi naming nasa marrying age na sila ni Julie Anne, at napapag-usapan naman daw nila ang tungkol dito.
“Matagal na po akong naghahanda actually,” pakli niya.
“Hindi naman namin parang dini-deny. Pinag-uusapan na namin minsan.
"Like, first of all ako, 34 na po ako e. So, hindi naman… I’m not getting any younger.
“Dun na rin naman papunta ang lahat. Alam naman ng lahat kung gaano ko siya kamahal.
"For me, alam ko na si Julie talaga ang gusto kong makasama habang buhay,” dagdag niyang pahayag.
Read: Rayver Cruz: "Yes, I will marry Julie Anne San Jose."
Nakikita na raw ni Rayver kay Julie Anne ang katangian ng isang babaeng gusto niyang makasama forever.
“Napakabait, napakalambing, napaka-genuine, napakabuti ng puso. Mabuting anak, mabuting kapatid,” paglalarawan ni Rayver sa nobya.
“For me, she’s perfect. Siya yung wife material na hinahanap ng lahat ng kalalakihan.
“Napakasuwerte na kay Julie yun, at napakasuwerte ko rin na ako yung minahal niya,” sabi pa niya.
Ngayong Lunes, January 15, 2024, na magsisimula ng Asawa ng Asawa Ko sa GMA Prime.
Makakasama ni Rayver dito sina Jasmine Curtis-Smith, Liezel Lopez, Joem Bascon, at Gina Alajar, sa ilalim ng direksiyon ni Laurice Guillen.
Read: Afternoon drama series ni Direk Laurice Guillen, ililipat sa prime time
NOEL FRRRER
Ayaw pang sagutin ni Rayver kung anong klaseng wedding ang gusto nila. Pero pareho raw sila ni Julie Anne na gusto ng traditional wedding na gaganapin sa simbahan.
“Same naman kami ng family values. Kaya siguro ano rin kami, meant for each other.
“Pero kahit naman napagplanuhan yan at an early stage, marami pang changes yan.
"Siguro mas maganda siguro na sa tamang panahon, planuhin niyo na talaga yung specific na gusto,” sabi ni Rayver.
Hindi naman daw sila nagpapaapekto sa mga balitang hiwalayan ng mga showbiz couple. Ayaw na lang daw nilang pag-usapan yung mga ganung negatibong balita, at hindi na sila nagpapaapekto.
“Dami ngang kaganapan, 'no? Hindi naman. Stronger,” pagmamalaki ni Rayver sa relasyon nila ni Julie Anne.
“Hindi dapat iniisip yung mga negative thoughts, especially sa isang relationship. Everything happens for a reason, and si Lord naman lahat yun, e.
“Put God in the center of your relationship, naging matibay.”
Sana rin, maliban sa wedding, paghandaan at pagsumikapan ni Rayver ang kanyang pagiging mahusay na aktor — at itong project na ito ang transition niya mula sa pagiging galawgaw na dancer to being a reliable actor.
JERRY OLEA
Ano ang malaking impluwensiya sa kanya ni Julie Anne?
“Siguro sa music, mas minahal ko yung music lalo.
"Simula nung nagkasama kami ni Juls sa mga prod numbers up to now, mas na-unlock niya yung potential ko pagdating sa pagkanta.
“Now, I play instruments na rin also. Yun ang mga akala kong hindi ko kayang gawin noon na kayang-kaya pala,” sambit ni Rayver.
Ayaw lang niyang sagutin kung gaano na katagal ang kanilang relasyon. Pero hindi pa raw talaga sila nag-away o nagkaroon ng malalang tampuhan.
“Siguro kahit itanong niyo si Juls, yung mga pinakatampuhan lang is… kasi mabagal talaga ako mag-reply.
"Kasi nga gamer ako, hindi ko namalayan, hindi ko hawak yung phone ko. Pero ngayon, sanay na siya.
“Kasi nga, kahit si Rodjun, four times, five times niya ako tinatawagan sa isang araw, mabagal talaga ako sumagot sa lahat. Kumbaga, hindi ako masyado ma-cellphone na tao.
“Yun lang mga simple things, pero wala talaga yung away, tampuhan, kasi ang saya lang ng lahat.”
Katapat ng pilot week ng Asawa ng Asawa Ko ang finale week ng Senior High.
Umpisa Enero 22, Lunes, ang makakatapat naman ng Asawa ng Asawa Ko ay ang Can’t Buy Me Love nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.
