GORGY RULA
Umiling si Alessandra de Rossi nang tinanong namin tungkol kung na-disappoint ba siyang hindi siya ang nanalong Best Supporting Actress sa 49th Metro Manila Film Festival.
Nominado si Alex dahil sa magaling niyang pagganap bilang ina ni Tonton (Euwenn Mikaell) sa pelikulang Firefly.
Ang nanalo ay si Miles Ocampo para sa Family of Two (A Mother And Son Story).
Read: Alessandra de Rossi on Firefly acting: "Award-winning... charot!"
Sabi ni Alex, hindi siya dapat ma-disappoint dahil hindi naman niya maikukumpara ang sarili sa ibang nominado. Wala naman daw siyang ibang napanood na MMFF 2023 entry kundi ang Firefly lang.
“Hindi ko nga alam hanggang dun sa… hindi ba sa MMFF, hindi naman parang Urian, FAMAS na nakalabas na yung mga nominations bago pumunta sa awards night?
“Ito, nandun ka na, hindi mo pa alam kung nominated ka kung saan category ka. So, ako wala nung sa parang best actress ako, o best supporting ako.
"Or may mga nagsabi na siguro parang joke-joke yung, 'Siguro sa best supporting ka nilagay para manalo ka. Kasi, pag sa best actress, medyo maiksi yung role mo,' parang ganun.
“Pero sa supporting, maiksi pa rin. Siguro kung may award in best special participation, sana naman ako na yun, 'no?
“Ang napanood ko lang, yung Firefly. So, paano ako ma-disappoint? Ano ang basehan ko, sarili ko lang? Parang hindi naman puwede yun,” saad ni Alex nang nakapanayam namin siya, kasama si Empoy Marquez, sa DZRH nung Martes, January 16.
Ngayon lang daw niya na-enjoy nang husto ang MMFF dahil sobrang bata pa raw siya nung nakasali siya sa taunang film festival.
Hindi sumama si Alessandra sa Manila International Film Festival sa Los Angeles, California, dahil abala siya sa taping ng bagong sitcom nila ni Empoy, ang May For Ever, na magsisimula na sa January 20, 7:00 ng gabi, sa Net 25.
Siya raw si May sa sitcom na ito at si Empoy naman si Ever. Taong 2064 daw ang setting na 80-plus years old na sila, at bumalik daw sa 2024 para ipakita kung paano sila nagkakilala at nagkainlaban.

Empoy Marquez and Alessandra de Rossi
Sabi ni Empoy, “Kaya sinasabi namin na kakaibang sitcom siya, kasi parang Back to the Future na yung sitcom na ito, dadalhin ka sa parang time space warp na kakaibang dimension ng mundo.
“At dito maraming matutunan ang manood, tumawa, masaktan, Samu’t saring emotions, maraming mangyayari. Marami kaming kasama rito, maraming guests.”
Kapag si Empoy ang partner, tinatanggap ni Alessandra ang project dahil kumportable siyang makatrabaho ang aktor na naka-partner niya sa box-office hit na Kita Kita (2017) at sa Walang KaParis (2023) na nag-streaming sa Amazon Prime.
“Yes! Parang pag may Empoy, parang automatic, one foot in ka na. Pero depende pa rin siyempre sa material, sa ipapagawa ganyan. Pero ito napakasimple, napakasaya siya.
"Turf ni Empoy to, comedy. Hindi siya masyadong nahihirapan.
“Sana may forever sa show na to. Masaya lang, e,” sabi naman ni Alessandra.
JERRY OLEA
Bukod kay Empoy, si Piolo Pascual ang isa sa pinaka-close kay Alessandra na gusto niyang makasama sa trabaho.
Hindi kasi pumapayag si Alex mag-lips to lips sa pelikula o TV series. Pero kung si Empoy ay okay lang daw sa kanya.
“Smack lang, ha? Saka magkano ba ang rehabilitation after?” biro ng magaling na aktres.
Sino ba ang mas close sa kanya, si Empoy o si Papa P?
“Mas madalas ko talagang kausap si Empoy. At saka mas madalas ko siyang kasama, yung ganun.
“Pero wala namang ano, ‘mas’ yung ganun. Napaka-busy ding tao ni Piolo.
“Pero kaming tatlo, kahit naman si Piolo at si Empoy, close din,” pakli ni Alessandra.
Naniniwala ba siya na may forever pagdating sa love life?
“May forever sa magulang ko. May forever sa ibang taong nakilala ko. So, yes,” kaagad niyang sagot.
Pagdating sa love life ay safe ang sagot Alex, halatang hindi siya kumportableng pag-usapan ang love life.
Sabi lang niya, “Hindi ko masasabi yan, kasi wala akong maihaharap sa yo, di ba? Pero puwede naman.
“Wala akong maihaharap sa yo forever. So, wala akong credibility para magsabi nun.”
Sinundan namin siya ng tanong kung single ba siya ngayon, kaya ganun ang sagot niya.
“Single ako. Baka sa moment na to, baka mamaya okay na ulit. Kasi naka-live tayo,” sagot niyang iniiwasang tumbukin ang tungkol sa kanyang love life.
NOEL FERRER
Ngayon lang nagpaka-active si Alessandra sa pagtanggap ng projects, dahil talagang tumatanggi raw siya ng offers nung pandemic.
Isa lang ang ginawa niya nung pandemic, ang Walang KaParis dahil si Empoy ang ka-partner niya.
Pero ngayon ay na-enjoy daw niya nang husto nang ginawa ang Firefly at ang experience niya sa Metro Manila Film Festival.
“Siyempre yung huli kong MMFF, bago pa lang ako nun, bata pa ako. So, hindi ko talaga naiintindihan na napakalaking event pala ng MMFF to the point na kasama ang buong Pilipinas.
“Magugulat ka na lang yung mga taong nasa malayung-malayo, hindi nanonood talaga ng sine kasi malayung-malayo sila, kinu-congratulate ka for Best Picture. Ahhh!
“Ano talaga siya… buong Pilipinas talaga na event na lahat kasali, lahat gusto manood, lahat gusto may mai-comment, yung ganun.
“Lahat gusto makisabay sa ‘ang ganda nito,’ or papanoorin ko rin yan, o huwag mo panoorin yan, parang ganun.
“I think bumalik na yung sine. Pero siyempre, filmfest pa rin to. So, may competition, and that is why maraming sumabay. Kasi gusto nila kasali sa ‘Ah, ako naniwala na best actress yan,’ or 'Hindi best actress yan, or best picture yan.' Lahat may say sa lahat na nanood, parang ganun,” saad niya.
Sana, makagawa pa raw siya ng pelikulang kagaya ng Firefly.
“Nakaka-miss gumawa ng ganung pelikula,” sambit ni Alex.
Ang ayaw lang daw niyang gawin sa ngayon ay mga drama series na kontrabida siya.
Read: Alessandra de Rossi hindi nagsisisi sa desisyon na huwag nang gawin ang role na ito
“Hindi ko naman napi-feel yung burnout, e. Siguro sa TV lang talaga,” pakli ni Alex.
“Masyado kasing malaki yung kinukuha niya sa akin. Kasi yung mga role ko nagpu-focus on anger, yung rage, yung mga bagay na wala talaga ako. Or yung mga bagay na iniiwasan talaga natin in a daily basis.
“Wala namang tao na gustong magalit. Wala namang taong gusto ng rage, yung nagwawala ka, nananakit ka.
"Hindi ako familiar sa feeling na ganun. So, ayoko na sana ng ganun pa.
“Mas gustuhin ko na lang mag-comedy hanggang sa mamatay na lang ako, ganun,” dagdag niyang pahayag.
Kaya sobrang happy na raw siya sa May For Ever nila ni Empoy dito sa Net 25.
