PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kumusta sa takilya ang launching movie ni Donny Pangilinan?

Local movie industry tumamlay na naman pagkatapos ng MMFF 2023.
by PEP Troika
Published Jan 25, 2024
road trip gg the movie posters
Two of the local films which opened in cinemas after the Metro Manila Film Festival 2023 are Roadtrip and GG: The Movie.

JERRY OLEA

Matamlay muli ang mga sinehan matapos ang 49th Metro Manila Film Festival (MMFF). Mahihina ang Pinoy movies na nag-showing.

Iyong My ZomBabe na nag-open noong Enero 10, 2024, naulinigan ng PEP Troika na naka-PHP500K sa first day.

Iyong Roadtrip na nagbukas noong Enero 17, nabalitaan kong mahigit PHP100K ang first-day gross.

Ang kasabay nitong Raging Grace, kalunus-lunos din ang sinapit.

Read: Bagong Pinoy movies, kumusta sa takilya matapos ang MMFF season?

Nagtungo ako sa TriNoMa noong Enero 22, Lunes, para manood ng sine.

Extended pa roon ang showing ng apat na topgrossers ng MMFF 2023, namely Rewind, Mallari, GomBurZa, and Firefly.

May tatlong banyagang pelikulang palabas… Aquaman and the Lost Kingdom, The Boy and the Heron, at Anyone But You.

Napanood ko na iyong Aquaman and the Lost Kingdom at The Boy and the Heron sa Power Plant Mall sa Rockwell Center, Makati City.

Kaya iyong 6:10 p.m. screening sa Cinema 5 ng Anyone But You ang pinanood ko. Humigit-kumulang dalawang dosena kami sa loob ng sinehan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Na-enjoy ko ang pelikula na inspired ng comedy play ni William Shakespeare na Much Ado About Nothing (1599).

In fairness, hindi masyadong mahigpit ang MTRCB sa nasabing movie na may breast exposure ang dalawang babae, at may butt exposure ang dalawang lalaki. R-13 ang rating nito sa MTRCB.

anyone but you

Glen Powell and Sydney Sweeney in Anyone But You

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nitong Enero 24, Miyerkules, ay nag-open sa 197 ang launching film ni Donny Pangilinan na GG The Movie. Hindi na ako nagtaka kung bakit hindi ito nakapasok sa MMFF 2023.

Lima lang kaming nanood sa 3:00 p.m. screening nito sa Cinema 1 ng SM Mall of Asia.

donny pangilinan gg the movie

Donny Pangilinan in GG The Movie

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iyong kasama kong si Rudios Locañas, gininaw sa loob ng sinehan. Inantok. Wala pang sampung minuto pagkaumpisa ng pelikula, malakas na ang hilik.

Pasado 4:40 p.m. natapos ang movie.

Manonood pa sana kami ni Rudios ng Itutumba Ka Ng Tatay Ko, pero 7:00 p.m. pa ang screening nito. Kaya umuwi na lang kami para magmuni-muni.

jerry olea

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Taken at SM MOA Cinema on January 24, Wednesday, at 1:45 p.m.

Siyanga pala, ang tatlong foreign movies na nag-showing din nitong Enero 24 ay ang Skeletons in the Closet, Rascal Does Not Dream Of A Knapsack Kid, at ang Miller’s Girl kung saan bida si Jenny Ortega ng Netflix series na Wednesday.

now showing january 23 2024

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Enero 31 ang showing ng My Sassy Girl, Jackdaw, Priscilla, The Book of Clarence, Argylle, at The End We Start From.

Nasa Pebrero 7 ang Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko, Lisa Frankenstein, No Way Up, Mean Girls, at Tokyo Revengers 2 Part 2: Bloody Halloween — Final Battle.

Magpapaandar sa Pebrero 14, Valentine’s Day at Ash Wednesday, Death Whisperer, Slay Zone, Madame Web, I Am Not Big Bird, at Poor Things.

Nakapuwesto sa Pebrero 21 playdate ang Baghead, Demon Slayer: Kimetsu no Yaiba — To The Hashira Training, Nightswim, at The Holdovers.

Magpapasiklab sa Pebrero 28 ang Dune: Part Two. Makikipagbakbakan dito ang The Buybust Queen?

Naka-schedule mag-open sa Marso 6 ang Kung Fu Panda 4, Imaginary, at ang musical period drama film na The Color Purple.

Para sa updates, bisitahin ang Facebook page ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP) at SM Cinema, maging ang website ng Click The City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Ayon sa source ng PEP Troika, may mga scheduled screening kahapon ng Itutumba Ka Ng Tatay Ko na zero ang audience.

Kaya tinatayang PHP500K ang opening day gross ng pelikulang idinirek at pinagbidahan ni Janno Gibbs.

Iyon namang GG The Movie, malabong maabot ang PHP5M-mark na first-day gross.

Mabuti naman at hindi sabay ang showing ng kani-kanyang pelikula ng mag-ex na sina Liza Soberano at Enrique Gil.

Pebrero 7 ang showing ng Hollywood debut ni Liza na Lisa Frankenstein. Kasabong nito ang pelikula nina Aga Muhlach at Julia Barretto na Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko.

Sa Pebrero 14 naman ang showing ng movie ni Enrique na I Am Not Big Bird, kasabay ang Slay Zone nina Pokwang at Glaiza de Castro.

Maraming foreign movies ang may playdate na hanggang Nobyembre, pero wala pa tayong balita kung kailan ang showing ng 1521 The Quest for Love and Freedom nina Danny Trejo at Bea Alonzo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa Box Office Mojo, forty-eight movies ng 2023 ang lumampas sa PHP100M ang worldwide gross.

Nasa ika-48 puwesto ang Anyone But You, with $101.4M. Sleeper hit sa takilya ang pelikulang ito nina Sydney Sweeney at Glen Powell. Ang production budget nito ay $25M.

Nasa ika-49 puwesto ang Godzilla Minus One with $99.5M.

Dalawang pelikula lamang last year ang lumampas sa $1B-mark, ang Barbie at ang The Super Mario Bros. Movie. Nasa pangatlong puwesto ang Oppenheimer with $953M.

Ang pito pang pelikula sa Top 10 ay Guardians of the Galaxy Vol. 3, Fast X, Spider-Man: Across The Spider-Verse, The Little Mermaid, Mission: Impossible — Dead Reckoning Part One, Wonka, at Elemental.

Disappointing ang opening weekend ng Elemental, pero dahil sa word of mouth ay tinangkilik ito ng moviegoers hanggang umabot sa $496M ang worldwide gross nito.

Sa mga horror movie, nagpakitang-gilas last year ang Five Nights at Freddys with $289M, The Nun II with $269M, at Insidious: The Red Door with $189M.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang concert film na Taylor Swift: The Eras Tour ay naka-$262M, samantalang ang Renaissance: A Film by Beyonce ay naka-$44M.

NOEL FERRER

Nakakaawa! Akala natin ay bumalik na ang sigla ng local films after the MMFF.

Ngayon, kailangang mahikayat muli ang audience sa paglabas ng kanilang bahay para manood ulit.

At hindi lamang kahit anong pelikula, ha, gagastos naman ang mga tao ng pera nila basta maganda ang pelikula.

It’s a tie tayo sa U.S. na pawang mahihina rin ang mga pelikula at mas sa online nila napapanood itong magagandang pelikula.

Paano na kaya…. hindi lang sa mundo ni Janet, kundi sa lahat ng mga kababayan natin?!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Two of the local films which opened in cinemas after the Metro Manila Film Festival 2023 are Roadtrip and GG: The Movie.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results