JERRY OLEA
Co-star ni Tirso Cruz III si John Arcilla sa dalawang serye — sa eight-part action drama na The Bagman, at sa teleseryeng Pamilya Sagrado.
Sa The Bagman, gaganap si Tirso bilang tatay ni Judy Ann Santos na ang papel ay Presidente ng Pilipinas.
Sa Pamilya Sagrado, gaganap naman si Tirso bilang tatay ni Piolo Pascual na ang papel ay Bise-Presidente.
Salitan ang taping ni Tirso sa dalawang serye. Magkakilala iyong mga namamahala sa dalawang produksiyon, kaya inaayos ang schedule ni Tirso para palipat-lipat siya ng set.
Read: FDCP officials Tirso Cruz III, Joey Reyes react to separate awards night of MIFF
“Ang alam ko, ang location ng Pamilya Sagrado ay sa Baguio, saka sa La Union o Pangasinan yata,” kuwento ni Tirso nang makachikahan namin noong Pebrero 15, 2023, Huwebes, sa Pandan Asian Cafe, Sct. Limbaga St., Quezon City.
“Iyong The Bagman, sa Davao ang location, pero hindi ko pa alam kung saan ako kukunan.
“Anak ko si Juday na Presidente, kaya ang set ay parang Malacañang siyempre. Malamang, dito lang.
“Kaya lang, baka kailangan ako for a few scenes, kaya baka I have to fly to Davao. Pero I don’t think ganun kalaki yung magiging part ko sa Davao. More with Juday.”
Salbahe ang karakter ni Tirso sa The Bagman, kung saan title role si Arjo Atayde.
Dagdag ni Tirso, “Sa kabila naman, ako ang head ng fraternity, na kingmaker din ako.
“Ang anak ko naman dun, si Piolo na ginawa kong Vice President, at ang pinsan ko yata na lalabas, si John Arcilla na naging Presidente.”
Mas gusto ni Tirso ang original title ng Pamilya Sagrado na Frat.
“Tungkol sa fraternity, brotherhood. Frat, iyon ang working title nung una, nung pinitch sa akin,” lahad pa ni Tirso.
“Sabi ko, maganda pag inisip mo, hindi ba? Ang dami nang nangyari about frats, may mamamatay, may malaking imbestigasyon, mawawala.
“Pagkalipas ng ilang panahon, may mangyayari na naman.”
So, sa story, may mamamatay sa hazing?
“Partly yung istorya ng fraternity dahil ako yung head ng fraternity, e. Pero may political color,” paglalarawan ni Tirso sa kanyang role.
“Kingmaker ako, pero I was never a king. Kasi, I did not have the charisma, or the ano.
“Pero ang galing kong magtayo at mag-ano ng tao para maging Presidente.”
Read: Tirso Cruz III, "flattered" na may pagtingin pa sa kanya si Nora Aunor
Maliban kay Piolo, bida rin sa Pamilya Sagrado sina Grae Fernandez at Kyle Echarri. Kasama rin dito sina Aiko Melendez, Mylene Dizon, Rosanna Roces, Shaina Magdayao, Jeremiah Lisbo, Daniela Stranner, JC Galano, Alyanna Angeles, River Joseph, Iana Bernandez, Mark Manicad, Valentino Jaafar, Micaela Santos, Austin Cabatana, Dustine Mayores, Rocky Labayen, John Joven Uy, Ron Angeles, Miggs Cuaderno, at Emilio Daez.
NOEL FERRER
Ibang klase ngang maglaro ng tadhana. Ayan na ang FDCP Chair Tirso Cruz III — tatay ni Juday sa The Bagman, tatay ni Piolo sa Pamilya Sagrado.
Kailan kaya magtitiyap-tiyap ang tadhana na mapagsasama-sama sila sa iisang proyekto?
OK, change is always good lalo na sa larangan ng telebisyon!
Sana talaga, tulad ng sa pelikula, bumalik din ang dating major-major na sigla sa TV!
GORGY RULA
Magiging abala si Tirso sa taping ng The Bagman at Pamilya Sagrado, at andiyan pa rin ang mga responsibilidad niya bilang chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).
Mabuti na lang at ang technical consultant ng FDCP na si Direk Joey Reyes ay wala munang ginagawa sa Vivamax, kaya kampante si Tirso na tuluy-tuloy ang mga proyekto ng FDCP kahit may iba siyang pinagkakaabalahan.
Read: Joey Reyes, prangkang sinabi kung bakit walang 2024 Summer MMFF at PPP
Sa mediacon noong Huwebes ay inilatag nina Tirso at Direk Joey ang mga programa ng FDCP mula Pebrero hanggang Abril.
Ongoing na ang Sine Sinta: Pag-ibig at Pelikula 2014.
Free screenings ito ng Pinoy romantic films, Pebrero 16-23 sa Trinoma, MET, at FDCP Cinematheque Centers.

Kapagkuwan ay online screenings naman, Pebrero 23-29 sa JuanFlix: The FDCP Channel.
Ang two-day workshop na Film Production Workshop: Story Development and Cinematic Storytelling ay nakatakda sa Pebrero 22 at 23 sa West Visayas State University sa Iloilo.
Ongoing na ang weekly session na Mowelfund x FDCP Workshop: Cinematography Workshop, Pebrero 3 hanggang Marso 9.
Ang sixth edition ng Full Circle Lab Philippines ay gaganapin sa Marso 18-24 sa Quest Plus Conference Center sa Pampanga.
Kaugnay sa pagdiriwang ng National Women’s Month, tampok ang Cine Filipina sa Marso sa Cinematheque Centers.
Ang FDCP Presents: A Curation of World Cinema ay nakatakda sa Marso 6 sa mga piling sinehan nationwide, at sa Abril sa Cinematheque Centers.
Sa halagang HP200, mapapanood sa programang ito ang mga de kalidad na banyagang pelikula, kabilang ang Anatomy of A Fall, How To Have Sex, Only The River Flows, In the Mood for Love, Happy Together, Chungking Express, at Fallen Angels.
Sa Abril ang Student Film Assistance Program Cycle 1 of 2024.
Sa Abril 19 ang 2nd edition ng Parangal ng Sining (Honor of the Arts).
