JERRY OLEA
One take lang ang climactic confrontation nina Vilma Santos at Claudine Barretto bilang mag-inang Josie at Carla Agbisit sa pelikulang Anak (2002), sa direksiyon ni Rory Quintos.
Isiniwalat iyan ng Star for All Seasons sa talkback session matapos ang screening ng Anak nitong Pebrero 23, 2024, Biyernes ng hapon, sa St. Paul University-Quezon City (SPU-QC).
Read: Vilma Santos wary about giving acting tips: "Baka sabihin nagdudunung-dunungan"
Kuwento ng 70 anyos na si Ate Vi, “When we were shooting that, it was already 5:00 a.m.. So we were shooting the whole day, and bago kami na-pack up, 5:00 a.m., this was the last scene that we shot.
“Ang ginawa ni Direk Rory, pinaaral niya yung buong eksena mula dun sa pinto na pinagsasasampal ko siya, nung nagalit na ako sa kanya na sinampal ko from the door.
“Diretso yung scene na iyon hanggang huli, hanggang lumapit yung mga anak ko na bumigay ako. Straight scene.
“Ang ginawa lang ni Direk Rory, dalawang kamera ang ginamit. Isang master shot — ibig sabihin, yung kita lahat, master shot. And then the other one was isang kamera na nakatutok lang sa akin.
“Yung isang kamera na nakatutok lang sa akin, at sabi ni Direk Rory, ‘Kung saan mo gusto pumunta, tumayo ka, umupo ka, susundan ka lang ng kamera.’
“Depende sa mood ko o yung emotions na lalabas sa akin. And when we took that scene, hindi kami nag-uusap-usap ni Claudine.
“So I was trying to memorize my lines, and then nung sinabi ni Direk, ‘Ready for take!’
“Isang take lang, ‘Rolling Camera 1, rolling Camera 2.’ Camera 2 is ako lang ang susundan, and then we got the shot. Diretso.
“In-edit na lang iyan pero when we shot this scene, diretso iyan, one whole scene.
“Kaya naging memorable sa akin. Kasi if you notice, even the emotions na nailabas ko dun sa scene, tuluy-tuloy din.
“Malaking tulong ang nagagawa ng isang eksena kapag tuluy-tuloy ang emotion, at magaling yung direktor to guide you.
“Kasi it came from my director Rory Quintos na hindi niya ika-cut. She wanted the whole scene straight, para yung continuity ng emotion, andun.
“Sa aming mga artista, importante yun kasi nung araw… I’ve been in this business for 60 years.”
Napatigil ang aktres nang magpalakpakan ang audience na karamihan ay mga esudyante ng SPU-QC. May mga napasipol pa.
Pagpapatuloy ni Vilma, “So inabot ko na yung mga pahirapan na cut-to-cut ang mga eksena. Umiiyak ka dito, cut.
“Maya-maya, kailangang umiyak ka ulit, mag-emote, cut. Because that time, we were using mga film rolls. E, ngayon, digital na.
“Kahit gaano kahaba, kahit na gustong i-cut ng direktor, tuluy-tuloy lang yun dahil digital na ngayon. And dito sa Anak, digital na kami.
“Kaya sabi lang ni Direk Rory, ‘If we can take the whole scene take 1, let’s do it! We’ll take care of the camera.’ And we took it take 1, at 5:00 in the morning.”
Masigabo muli ang palakpakan kay Ate Vi.
NOEL FERRER
Kasama ni Vilma Santos sa talkback session ng Anak ang National Artist na si Ricky Lee.
Read: RIcky Lee's friendship story is so heartwarming

Magkatuwang sina Sir Ricky at Moira Lang, a.k.a. Raymond Lee, sa pagbuo ng screenplay ng Anak.
Lahad ni Sir Ricky, “Nakuha ni Vilma yung script nung monologue on the spot that same day kasi nag-revise kami.”
Pabirong sundot naman ni Ate Vi, “Kasalanan ni Ricky!”
Pagpapatuloy ni Sir Ricky, “So nag-revise kami, nun lang niya nakita iyon. Tapos minemorize niya.”
Susog ni Ate Vi, “Dinner time! Alam niyo ba, dinner time ko lang nakuha iyon?! Yung mahabang monologue na iyon, dinner time ko lang minemorize.
“And then we shot it at 5:00 a.m.”
Nasa cast din ng Anak sina Joel Torre, Baron Geisler, Amy Austria, Cherry Pie Picache, Leandro Muñoz, at Jodi Sta. Maria.
Read: Vilma Santos recalls the moment she was financially "back to zero"
GORGY RULA
Dumalo rin sa screening si Claudine pero hindi na siya naka-join sa talkback session dahil sa mommy duties.
Kuwento ng Vilmanian for All Seasons na si Jojo Lim, “Naglambing pa si Claudine kay Ate Vi na daanan siya sa bahay niya sa Greenhills para sumabay siya sa sasakyan ni Ate Vi.
“Pinasunod na lang ni Claudine yung kotse niya sa coaster ni Ate Vi.”
Pagdating sa Sampaguita Hall kung saan nag-lunch ang VIP guests, buong pagmamalaking sinabi ni Claudine na idol niya si Ate Vi.
Ang nasabing screening ng Anak sa SPU-QC ay bahagi ng Cine Icons program ng CCP Film, Broadcast and New Media Division ng Cultural Center of the Philippines.
Noong umaga ay naunang mag-screening doon ang pelikulang Blue Room ni Direk Ma-an Asuncion-Dagñalan. Alumna si Direk Ma-an ng naturang pamantasan.
Dapat sana’y kasama sa talkback session ng Blue Room si Elijah Canlas na isa sa mga bida ng movie.
Nagka-conflict sa sked ni Elijah, kaya ang artistang naisama ni Direk Ma-an ay si Alex Medina, na hindi naman kasama sa cast.
Nag-stay pa si Direk Ma-an at nanood ng Anak.
Halos isang oras ang talkback session, na kinailangang putulin kahit marami pa ang gustong magtanong, dahil may kasunod na appointment si Ate Vi.
Highlight siyempre ng programa ang photo op, na batch by batch ang iba’t ibang school at grupo.
Nagtagal pa ang photo op dahil sa mga nakikipag-selfie, nagpapa-autograph, at kumi-kiss kay Ate Vi.

