GORGY RULA
Nag-Facebook Live ang vlogger na si Sir Ted sa fan page ng TAPE Inc., na tinawag nilang TAPE Everyday Defenders o TED, nung Sabado ng gabi, March 2, 2024.
Madalas nasa APT Studios si Sir Ted, na ilang beses nagpasalamat sa magandang pakikitungo sa kanya ng mga taga-TAPE mula sa mga staff hanggang sa hosts.
Sa FB Live ni Sir Ted ay kinumpirma niyang huling live episode na ng Tahanang Pinakamasaya noong Sabado, March 2.
Read: Tahanang Pinakamasaya, wala na sa Facebook; tuluyan nang sisibakin sa ere?
Hindi raw niya puwedeng i-divulge ang dahilan ng pagtatapos ng naturang noontime show, kahit hanggang December 2024 pa matatapos ang kontrata nito sa GMA-7.
Aniya, “Yes! Totoo po, yung ating blocktime agreement is due on December 2024 pa po dapat.
“Pero bakit nag-last episode na po kanina, hindi puwedeng i-divulge muna. Hintayin natin ang official statement ng TAPE at ng GMA.
“Pag ilabas na po nila, puwede na nating himayin.”
Sinabi rin ni Sir Ted na replay episodes muna ng Tahanang Pinakamasaya ang mapapanood simula sa Lunes, March 4, hanggang Huwebes, March 7.
Wala pang sinasabi ang GMA-7 kung ano ang ipapalit.
Totoo bang ang It’s Showtime na ang ililipat nila sa GMA-7, o ang TiktoClock na ang ipapalit sa Tahanang Pinakamasaya?
Wala kaming narinig na ganung posibilidad na mangyayari.
Ang latest lang na naulinigan namin ay baka iakyat ang timeslot ng mga Kapuso drama series.
PosiblengAbot-Kamay Na Pangarap na ang isasalang sa noontime slot ng GMA-7.
Susunod umano rito ang magsisimula pa lamang na Lilet Matias: Attorney-At-Law, at ang Makiling na in-announce na ring extended.
Hindi pa ito kumpirmado, pero baka pelikula raw ang isusunod sa Makiling bago mag-Fast Talk With Boy Abunda.
Kung totoo ito, tingnan natin kung ano ang kahihinatnan ng tapatan ng mga Kapuso afternoon drama sa Eat Bulaga! ng TVJ, at It’s Showtime ng GTV at Kapamilya Channel.
Read: Ratings war explained: how are noontime shows faring amid new TV landscape?
JERRY OLEA
May sinabi pa si Sir Ted sa kanyang FB live nung Sabado na meron dapat babalik sa Tahanang Pinakamasaya na malaking personalidad na puwedeng bumangga raw sa katapat na programa.
Pero hindi na lang daw niya sasabihin, dahil wala na ang Tahanang Pinakamasaya.
“Kung natatandaan niyo, nag-post ako nung nakaraan, na may pabalik sa TP ang Tahanang Pinakamasaya sa TAPE. May yayanig sa noontime.
“Totoo po yun. Meron dapat ngayong March na babalik sa TAPE. Okay?
"Tiwalang-tiwala ako sa pagbabalik niya talaga. Kaya niyang iahon kumbaga yung TP mula dun sa pangatlong place sa ratings, papunta sa second o hanggang sa unang place. Tiwalang-tiwala po ako.
“Hindi ko na siya papangalanan, kasi hindi na nga naman natuloy, kasi last episode na kanina.
“Pero big name talaga kagaya ng sinasabi ko na dapat babalik talaga. Kaya lang, biglang nagkaroon ng desisyon na itigil na o last day na po ng TP kanina,” saad niya.
May mga nagko-comment na baka si Willie Revillame ito o si Alden Richards. Pero wala pa naman kaming nababalitaang may idadagdag dapat na host sa naturang noontime show.
Ang inaayos sana nila ay ang pag-reformat ng noontime show na ito kung nagkasundo sa renewal ang TAPE at GMA-7.
May mga nagko-comment din sa FB Live ni Sir Ted na tiyak na nagdidiwang daw ang mga taga-TVJ sa pagkawala ng Tahanang Pinakamasaya.
May nagsasabi ring ang gusto lang naman daw nila ay mawala na ang TAPE sa pagpo-produce ng programa sa GMA-7.
Sabi nitong Sir Ted, “Natupad na po yung wish niyo, na mag-shutdown. Sana you will find peace sa inyong puso.
“Sabi nga ni Kuya Jon [Jalosjos] kanina, 'Kung may galit kayo sa TVJ o kung kanino man, i-let go niyo na. Patawarin na natin. Okay? Dapat talaga, di ba?
“'Lahat ng sama ng loob, let go niyo na yan, iano niyo na sa past yan.' Sabi nga ni Kuya Jon kanina. Si Kuya Jon Jalosjos, ganun po siya kabait.”
Naging emotional din daw si Jon Jalosjos, at naiyak ito nang nag-iiyakan na ang lahat pagkatapos ng programa.
Read: Eat Bulaga! producer Jon Jalosjos finally breaks silence on TAPE & TVJ falling-out
NOEL FERRER
Somehow, when the whole bigat ng mga issue happened, something like this, kahit paano man iwasan was bound to happen.
Pero I am sure, an amicable settlement between TAPE and GMA-7 is in order.
Kaya siguro wala pang nagre-release ng statement ay dahil kailangan pang mag-usap at magkasundo ang magkabilang panig.
GMA-7 has nothing to lose here dahil airtime fees are due them kahit na ano ang mangyari.
If at all, yung Sparkle talents na isinali nila sa show ang maaapektuhan. Lalo na yung mga nag-hardcore at all out , na for sure, pinangatawanan na lang ang nadatnang sitwasyon. (Now we understand why their prime stars never dipped their feet into the show, at ang nangyari pa, sa It’s Showtime sila mas naging visible.)
Our heart goes out to the staff na mawawalan ng trabaho. Sana makahanap sila ng kabuhayan sa lalong madaling panahon.
Read: 130 empleyado nawalan ng trabaho sa pagsasara ng Tahanang Pinakamasaya
