GORGY RULA
Para kay Claudine Barretto, hindi na dapat gawan ng isyu ang di pagsipot ni Jodi Sta. Maria sa surprise birthday party kay Mr. Johnny Manahan, o mas kilalang si Mr. M, noong March 16, 2024.
Nakarating kay Claudine ang intrigang nag-back out daw si Jodi sa event nang nalaman nitong dadalo siya.
Read: Stars get together for Johnny Manahan tribute event
“No! Hindi ko alam yan,” bulalas ni Claudine nang tinanong namin ito sa kanya sa media conference ng bagong pelikula niyang When Magic Hurts na ginanap sa Super Sam, Quezon City, nung Miyerkules, March 20, 2024.
May intriga pang tinanggal daw sa guest list si Jodi nang nagkumpirmang darating si Claudine.
“Yun nga, e. Ang daming naglalabasan na issues na ganyan. Gusto ko lang iklaro na wala ho akong alam diyan," sabi ni Claudine.
“Kasi ano po, she has as much right to be there as I am… as I should be there.
“Kasi it’s Mr. M. It’s not just about just a friend’s party. It’s about our mentor’s party.
"So, that’s the tribute for Mr. M. So, she has as much right na nandun.
"So, hindi po totoo yun. Wala po akong ganung power para gawin yun. Hindi talaga.”
Sina Claudine at Jodi ay parehong produkto ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN kung saan co-founder si Mr. M.
Hindi raw inalam ni Claudine kung talagang umatras ba si Jodi o baka naman hindi raw talaga ito puwede noong araw na yun.
“Alam mo, hindi rin natin alam kung nag-back out ba or baka naman may something siya nung araw na yun, yung ganun.
“Baka naman meron siyang prior engagement or something,” sabi pa ni Claudine.
Sa aming pagtatanung-tanong, inimbitahan daw si Jodi, pero hindi lang talaga ito puwede sa araw na yun dahil may prior engagement siya.
Wala naman daw kinalaman iyon kay Claudine.
JERRY OLEA
Si Jodi Sta. Maria ay matagal nang napapabalitang kasalukuyang karelasyon ng estranged husband ni Claudine Barretto na si Raymart Santiago.
Sa mga nakaraang panayam kay Claudine ay mga mga sinabi ito laban kina Jodi at Raymart.
Related Stories:
- Claudine Barretto says Jodi Sta. Maria did not “nagpasintabi”; Jodi posts cryptic message
- Claudine Barretto nagpatutsadang "bad influence" ang karelasyon ni Raymart Santiago
- Claudine Barretto: "Hindi ako asawa na nagger. Mabuti akong asawa."
- Claudine Barretto claims she lost "hundreds of millions" to estranged husband; vows to get it back
Sakaling dumating si Jodi, nakahanda ba si Claudine na harapin ang aktres?
“Siguro iiwas siguro,” kaagad niyang sagot.
“Ako naman, diretso ako, totoo naman ako na tao. Na ano… walang gulong mangyayari. Hindi naman ganun yun.
“Alam naman ng lahat na tao na matapang ako. Alam mo yun?
“Pag ano talaga, wala talaga akong image na, alam mo yun… kasi alam mo yun, na normal naman talaga akong tao na kapag nagalit, nagalit.
“Nagkataon lang na artista ako. So, parang bini-big deal yun na kapag ka-war freak ka ganyan, alam mo yun? Pero walang ganun, hindi ko alam yan,” sambit ni Claudine.
Pero nakahanda na ba talaga siyang makaharap si Jodi?
Sagot niya, “I don’t know, ha? Siguro siya yung iiwas, hindi ako.
“Hindi. Kasi ang mga anak ko yung involved dito, e. Yun lang ang masasabi ko. Hindi rin. Yung totoo lang.”
Masaya lang daw si Claudine nung gabing yun sa surprise birthday kay Mr. M dahil nagkita sila ng pamangkin niyang si Julia Barretto at nagkausap sila nang masinsinan.
Read: Claudine, Julia Barretto reunite at Mr. M tribute event
Pero happy rin daw siya kay Mr. M na wala raw talagang kaide-ideya sa pa-surprise sa kanya na in-organize ni Keren Pascual.
“Sobrang happy ako. Kasi ano, e, alam mo naman si Mr. M ayaw niya ng mga ganyang events-events. Siya, kahit ang hilig niya gumawa ng event, ayaw naman niyang siya.
“So, ang story niyan, si Keren Pascual, na sobrang bait talaga na ano, we owe everything sa kanya yung gabing yun talaga.
“Kasi, kunwari birthday niya. Kasi si Mr. M, Feb. 11 pa ang birthday. So, pagpunta niya dun, akala niya yung 100 stars of the night, yun para kay Keren.
“Tapos, ako na lang yung inaantay. Kasi from Okada, kasi wala nang room sa Marriot. So, ako na lang yung inaantay.
"Nung pumasok ako, dun nag-isip si Mr. M na, 'Ba’t si Claudine, parang hindi naman sila masyado close ni Keren, ba’t nandito si Claudine?' Parang ganyan.
“Tapos si Martin [Nievera], umakyat ng stage, parang si Keren… dun na ni-reveal na para kay Mr. M. So, nagulat talaga siya.
“So, ang ganda nung gabing yun kasi siyempre nakasama ko ulit yung pamangkin ko na nakasama ko naman sa mga ano, na nakasama ko naman sa mga family gatherings, pero madalang naman na talaga yun,” saad ni Claudine.
NOEL FERRER
That was such a good night para parangalan ang star builder na si Mr. M na alam naman nating nakapakaraming natulungang mga artista.
At ngayon, si Mr. M naman ang pinaparangalan.
Tungkol naman kay Claudine, mas okay na lang na huwag na siyang pag-usapan alongside Jodi Sta. Maria na never naman din siyang binabanggit sa kahit na anong ginagawa niya.
Maaari naman silang pag-usapan on their own and they can stand on their own merits. Let’s just think of the best for them.
Kung may ibang commitment man si Jodi o umiwas siya sa anumang eksena sa gabing yun, we respect that.
I’m sure mapaparangalan naman niya si Mr M sa ibang paraan at sa ibang pagkakataon.
