JERRY OLEA
Kasado na ang Netflix streaming ng pito sa sampung MMFF 2023 official entries.
Swak na swak sa Holy Monday, Marso 25, 2024, ang streaming ng super-blockbuster na Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Tampok din dito si Pepe Herrera bilang Lods.
Read: Rewind ng DongYan highest-grossing Filipino film of all time

Dingdong Dantes and Marian Rivera in Rewind
Sa Abril 4 ang streaming ng Becky & Badette nina Eugene Domingo at Pokwang.
Sa Abril 9, Martes, Araw ng Kagitingan, ang streaming ng GomBurZa nina Dante Rivero, Cedrick Juan, at Enchong Dee.
Review: GomBurZa as OG of Pinoy pride and identity

Cedrick Juan, Enchong Dee, and Dante Rivero in GomBurZa
Sa Abril 18 ang streaming ng horror movie na Kampon starring Derek Ramsay and Beauty Gonzalez.
Sa Hunyo 1 ang streaming ng Family Of Two (A Mother and Son Story) nina Sharon Cuneta, Alden Richards, at Miles Ocampo.
Sa Hunyo 7 ang streaming ng Penduko ni Matteo Guidicelli.
At sa Hunyo 21 ang streaming ng Mallari ni Piolo Pascual.
Read: Piolo Pascual, na-challenge sa triple-character role niya sa Mallari

Piolo Pascual in Mallari
Ang tatlo pang MMFF 2023 entries ay Firefly nina Alessandra de Rossi at Euwenn Mikaell, When I Met You In Tokyo nina Vilma Santos at Christopher de Leon, at Broken Hearts Trip ni Christian Bables.
Ang Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix — Black Adam, The Autopsy of Jane Doe, Damsel, Safe, Irish Wish, Warcraft, Para Kang Papa Mo, The Fugitive, Sonic 2: The Hedgehog, at Shooter.
Sa sampung iyan ay isa lang ang gawang-Pinoy, ang Para Kang Papa Mo nina Mark Anthony Fernandez at Nikko Natividad.
Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix — Queen of Tears, Physical 100, Avatar: The Last Airbender, Doctor Slump, Royal Blood, Solo Leveling, Can’t Buy Me Love, The Gentlemen, Mabuhay Is A Lie, at Chicken Nugget.
Sa listahang iyan ay tatlo ang likhang-Pilipino.
Panlima ang Royal Blood ni Dingdong Dantes. Pampito ang Can’t Buy Me Love nina Donny Pangilinan at Belle Mariano. At pansiyam ang comedy special ni Red Ollero na Mabuhay Is A Lie.
NOEL FERRER
Sa Abril 12 naman ang Netflix streaming ng pelikulang A Journey, na reunion ng Tabing Ilog cast members na sina Paolo Contis, Kaye Abad, Patrick Garcia.
Ang logline ng A Journey, “Refusing treatment for her cancer, a woman goes on a road trip across Tasmania to check off items on her bucket list with her husband and best friend.”
Hinihintay ko itong pelikulang ito at mukhang ito ang nag-a-appeal sa isang broad base. Exciting!
GORGY RULA
Ang gandang panoorin sa Netflix itong mga pelikula ng 49th MMFF dahil talagang pinilahan, pinag-usapan, at tinangkilik ang halos lahat na entries.
Sa mga hindi lumabas nung MMFF para manood sa sinehan, maku-curious sila bakit nga ba ito nag-hit, bakit nga ba humakot ito ng awards, at bakit siya ang nanalo sa acting awards.
Malaki ang tsansang mag-trending ito nang matagal-tagal dahil maganda naman ang karamihan sa mga pelikula. Kahit yung mga nakapanood ay sariwa pa sa isip nilang pinilahan nila ang pelikulang ito.
Nang nakausap ko nga ang presidente ng Entertainment Producers of the Philippines o EPOP na si Direk Perci Intalan, masaya siya sa kinalabasan ng MMFF last year, at very optimistic na masundan pa ito.
Hindi man naging maganda ang kinalabasan ng karamihang pelikula pagkatapos ng MMFF, at least merong ganitong film festival na nagpayabong sa ating movie industry.
Aniya, “Yung MMFF kasi, for me, ang pinakaimportanteng ano natin… kumbaga sa nagtatanim ay may tumutubo.
“May tumutubo, nagbubunga. So, it’s just a matter of kung ano ang susunod mong itatanim.
“Kung matagalan bago tumubo yung susunod, ang importante may tutubo. May audience na pumupunta sa sinehan.
“Kasi before, sa MMFF, hindi tayo ganun ka-sure, e. ‘Ay! Baka hindi na pupunta ng sinehan ang audience.’
"Pero at least may isang moment na nakita natin na pila-pila uli, nagtitiyaga sila. Sa haba ng pila, nami-miss na nila ang screening.
“So, iyon yung nakaka-encourage na it’s just a matter of the right timing, with the right project. Kung MMFF yan at the moment, at least may isa.”
Si Direk Perci ang producer ng pelikulang Your Mother’s Son na opening film sa ENLIGHTEN na film festival ng kanilang kumpanyang The IdeaFirst Company.
Read: Kokoy de Santos, "minamani" na lang ang intimate scenes sa pelikula
