JERRY OLEA
Nakakalukring ang mga linyahan at lamutakan sa pelikulang Your Mother’s Son na idinirek ni Jun Robles Lana.
Hindi kataka-taka na na-X ito sa unang review ng MTRCB.
Read: Jun Lana on MTRCB rating for Your Mother's Son: "When it comes to sex...ano ba yung big deal dun?"
Sa istorya, kunwari ay mag-ina sina Sara (Sue Prado) at Emman (Kokoy de Santos).
“Classmates” si Emman at ang labanderang si Amy (Elora Españo).
Online teacher si Sara, at isang araw ay iniuwi niya sa bahay ang estudyante niyang si Oliver (Miggy Jimenez).
Naging “classmate” nina Emman at Amy si Oliver, at ikinagalit iyon ni Ma’am Sara.
Ano ang pakiramdam ni Sue nang ialok sa kanya ang Your Mother’s Son? Nag-agam-agam ba siya sa maseselang eksena?
Read: Kokoy de Santos, "minamani" na lang ang intimate scenes sa pelikula
“Wala naman akong naging problema sa kahit ano,” tugon ni Sue matapos ang screening ng Your Mother’s Son noong Marso 21, 2024, Huwebes, sa Cinema 17 ng Gateway mall, Cubao, Quezon City.
“Kasi siguro, having worked with Jun for a couple of years already, having a couple of projects, klaro kasi yung communication namin.
“And it’s always been and it has always felt na collaboration. Never kong naramdaman na aktor lang ako, direktor ko siya.
“It was always nag-uumpisa talaga siya sa pag-tackle ng idea, nung concept. And then iyon yung masarap.
“Kasi nararamdaman mo talaga na you build it together, at saka yung pinagtitiwalaan ka na isama doon sa pag-mount ng buong proseso.
“Actually, hindi lang naman ako, kaming lahat. As in faithfully, yung mga eksena, minount namin together. Yon.
“So also, kasi nga dahil ilang beses na kaming nagkatrabaho ni Jun in the past, and it was all successful thankfully, I mean in terms of collaboration and artistic processes.
“Magkasundo talaga kami. Actually yung tanong mo, paano ko tinanggap, no?
“Actually hindi, mas ano siya. Hindi nagkaroon ng tanong ni minsan. It was more of ‘Thank you, naisip mo na kaya kong gawin ito.’
“Iyon yung immediate na pakiramdam especially after having read the script for a couple of times. Eto iyong inaaral ko na.
“Iyon talaga ano... privileged and honored to have been thought of as somebody, someone who can deliver such a task.
“Kasi lalo na naiintindihan ko, bakit niya ginagawa yun. Bakit nila ginawa, sinulat yun, e.
“And to be given the chance na maging parte nung… yun bang resistance. Yung pagpapahayag ng hindi pagpayag sa nangyayari sa atin.
“Ano iyon… thank you, binigyan mo ako ng space for that.”
May mga nagawa nang pelikula before si Sue kung saan naging mapangahas din siya. Pero mukhang tatatak talaga at pag-uusapan ang pagganap niya sa Your Mother’s Son, na tipong si Anna Marie Gutierrez sa Scorpio Nights (1985) with Orestes Ojeda and Daniel Fernando.
Natawa si Sue, “That I cannot answer, ha? Kasi may kanya-kanyang merits din naman yung pelikulang iba na ginawa ko in the past na binigyan din ako ng pagkakataon na you know, yung task na yun, as the lead actor.
“So, hindi ko siya masagot. Pero one thing’s for sure, ikatutuwa ko talaga at ikalulugod ko kung pag-uusapan nila itong pamilyang ito, at iyong pelikulang ito, lalo na nang bukod sa akin.
“Tingnan nila yung merito ng pelikula at saka iyong makatulong ba, magtanong, oo.”
Sang-ayon si Sue kay Direk Jun na dapat may pagkakataon ang moviegoers na mapanood ang Your Mother’s Son.
Pagmamatuwid ni Sue, “Kung hindi siya magiging accessible sa mga tao, paano makakapag-umpisa ng diskurso?
“Paano madidiskubre na meron palang mga tao na may similar questions sa nangyayari sa atin ngayon.
“At meron din pala na hindi lang ikaw o ako ang hindi pumapayag. Marami pala tayo pero wala tayong space.
“At unfortunately, kung ano yung landscape ng society natin ngayon at ng pulitika, may paniniil, e, para maihayag mo yung resistance mo.
“Hindi lang sa gobyerno, sa kabuuan ng lipunang Pilipino, di ba?”
Ang Your Mother’s Son ang opening film sa ENLIGHTEN: The IdeaFirst Film Festival sa Abril 12 sa Cinema 11 ng Gateway mall.

(From left) Your Mother's Son director Jun Robleas Lana; cast members Elora Españo, Sue Prado, Kokoy de Santos, and Miggy Jimenez; and producer Percy Intalan
NOEL FERRER
Nag-second thoughts ba si Sue na gawin ang Your Mother’s Son pagkabasa niya ng script?
“Never. All the more that I got convinced that I needed to do this character nung natapos ko yung script,” sabi ni Sue.
“After having read it, nagkaroon pa kami ng meeting. So, na-enrich pa yung script. So, lalong na-punctuate sa akin, hindi puwedeng hindi ko ito gawin.
“And thankfully, iyon nga, nagawa namin, na-shoot namin. 'Coz it was during the height of the pandemic, and shooting was really a struggle for everyone.
“Kasi wala namang template, e, kung paano mag-shooting nang pandemic, e.”
Taong 2021 syinuting ang Your Mother’s Son sa Boso-Boso sa Antipolo, Rizal.
Dagdag ni Sue, “Yeah, it was quite a challenge in all aspects pero yun nga, kaya yun, ang laking pasalamat din talaga na nabuo siya inspite and despite of everything that was happening in the world at the time.”
Excited na akong panoorin ito sa April 12.
GORGY RULA
Dumalo si Sue Prado sa world premiere ng Your Mother’s Son sa 48th Toronto International Film Festival noong Setyembre 2023 sa Canada.
Kumusta ang reception doon ng mga tao?

“Maganda. OK naman yung reaction. Ano siya, e, walang gitna na reaction. Dulu-dulo,” sambit ni Sue.
“Which actually we talked about it nina Jun at Elmer [Gatchalian, co-writer] na hindi siya surprising.
“Which sa akin naman, na-appreciate ko na ganun. Kasi ibig sabihin, tumatawid siya ng mga kultura, di ba?
“Kumbaga nahahamig, nahahagip yung sensibility ng kung anong sitwasyon ng mga Pilipino, di ba?”
Ano ang reaksiyon niya nang mapanood niya for the first time ang movie sa Toronto?
“Buti kasama ko sina Jun. Kasi, may pagmamanhid talaga, e,” pagtatapat ni Sue.
“Kasi, ewan ko kung nangyari sa inyo, o nangyayari ito sa inyo… may ginawa sa memory ko yung lockdown, e. Alam mo yung parang may mga hindi totoong nangyari.
“So 2021 namin ito syinut, di ba? Napanood ko, 2023. As in parang may mga nabura kasi sa memory ko.
“Tapos ngayon, nung napapanood ko na… yung shock-boogie talaga yung buong sistema ko na, ‘Nangyari pala ito?’ Oo…
“May nakadikit na memories, e. So, sumasabay siya, tumatakbo siya. Habang napapanood mo yung pelikula, tumatakbo din yung memory mo na pampersonal.
“At the same time nakikita mo yung binuo nyong ginawa niyo… ambigat pala nung pelikula! Yun, ambigat pala ng pelikula after having watched it the first time.
“Sabi ko, ambigat pala niya. Pero ang saya kasi namin nung ginagawa, e. Hindi mo talaga siya mararamdaman. Walang clue na ganito siya.
“Pero after the screening sa Toronto, may isang naiwan talaga na pakiramdam sa akin na ayaw kong bitawan.
“May kakampi pala ako. Ayun, o, yung mga kakampi ko, nakabuo kami ng ganyang pelikula.
“So all the more na nakaka-encourage at saka nakaka-remind na ano, tapangan pa natin. Hindi tayo puwedeng magpasiil.
“Kasi, wala, e. Tayo ang mag-aalaga sa isa’t isa. Di ba? Bilang lipunan, bilang kultura.
“So personally, this film is a good reminder of that.”
