PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kokoy de Santos, "minamani" na lang ang intimate scenes sa pelikula

Kokoy de Santos, kinabahan sa eksena nila ni Sue Prado sa Your Mother's Son.
by PEP Troika
Published Mar 22, 2024
kokoy de santos your mother's son
Kokoy de Santos on getting the lead role in the movie Your Mother's Son: "Diyos ko! Sa dami ng mga kaedad ko para ipagkatiwala sa akin ng The IdeaFirst, di ba, yung ganitong klaseng kalaki, at ganitong materyal na sabi nga ni Direk Jun [Lana], ang tagal na nilang nasa isip ito, college pa lang sila. Para ipagkatiwala sa akin na… di ba, bagu-baguhan pa rin naman. Happy ako na nagtiwala sila.”
PHOTO/S: Jerry Olea / IdeaFirst

JERRY OLEA

Sa Pinoy BL series na Gameboys ay nag-agawan sina Gavreel (Kokoy de Santos) at Wesley (Miggy Jimenez) kay Cairo (Elijah Canlas), na anak ni Leila (Sue Prado).

Read: Pinoy Boys Love series: a genre that boomed during the pandemic

Sa pelikulang Your Mother’s Son, pinagsaluhan nina Emman (Kokoy de Santos) at Oliver (Miggy Jimenez) ang labanderang si Amy (Elora Españo), na ikinagalit ng “nanay” nilang si Sara (Sue Prado).

Binuyo ni Amy na maghalikan sina Emman at Oliver, at napahinuhod ang dalawa.

“Ganun talaga. Bilog talaga ang mundo!” natatawang sambit ni Kokoy matapos ang special screening ng Your Mother’s Son nitong Marso 21, 2024, Huwebes ng gabi, sa Cinema 17 ng Gateway Mall, Cubao, Quezon City.

“Hindi mo masabi. Ngayon, kami naman ni Miggy ang ano.”

Kumusta ang kissing scene nila?

“Saglit lang! Dampi lang, e. Hindi ako sanay sa mga ganun, e,” napapangiting tugon ni Kokoy.

“Daplis lang! Pero kung gusto pa nila ng mas mahaba, ibang project na. Ha! Ha! Ha! OK na yun!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

After Fuccbois (Cinemalaya 2019), minamani na lang ba ni Kokoy ang mga mapangahas na eksena?

Read: Pirated copy ng Fuccbois, pinagpipistahan na sa YouTube

Natawa muli si Kokoy, “Grabe naman iyong ‘minamani’! Ha! Ha! Ha! Actually, after ng Fuccbois, medyo natagalan ako bago gumawa uli.

“So, nung gagawin namin ito, na-excite ako ulit na gumawa ulit ng something na intimate ulit, na gagawa ng mga scenes na ganun.

“Pero iba rin naman siya. Iba rin siya sa Fuccbois.”

Umiwas muna siya sa paggawa ng maseselang eksena?

“Nagkataon kasi nung after Fuccbois, medyo nag-mainstream muna nang very light,” lahad ni Kokoy.

“Kasi nagkataon, ang management na nagha-handle sa akin, sina Direk Jun [Lana] at Direk Perci [Intalan], The IdeaFirst Company.

“So sabi nila, medyo hinay muna. Nag-pandemic din. Actually yung mga ginawa ko rin dating projects, parang pati kissing scene, bawal.

“Kasi medyo iniiwasan muna nung pandemic. Pero dito, wala! Walang pande-pandemic dito! Ha! Ha! Ha! Ha!”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Hubadero 2022 Edition: Male stars who did frontal nudity (real or prosthetic) in movies

Malamang na pagnasaan muli si Kokoy sa Your Mother’s Son. Andaming shots na pa-yummy siya.

“Grabe naman! Ha! Ha! Ha! Ha! Actually nung napanood ko siya, parang… antagal ko rin kasing puro comedy ang ginagawa, na ibang-iba rin talaga ang hirap,” saad ni Kokoy.

“Nung napanood ko ito, na-miss ko talaga ulit gumawa ng pelikula. Kahit pa ganitong klase, kung papayagan ako ng GMA, bakit hindi?”

your mother's son cast

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

(From left) Writer-director Jun Lana, Elora Españo, Sue Prado, Kokoy de Santos, Miggy Jimenez, and producer Perci Intalan

GORGY RULA

Kauumpisa pa lang ng pelikulang Your Mother’s Son, hinawakan na ni Emman (karakter ni Kokoy de Santos) ang boobs ng “nanay” niyang si Sara (karakter ni Sue Prado).

“Actually nung sinabi pa lang sa akin yun, dun ako parang… medyo kinabahan siyempre,” pagtatapat ni Kokoy.

“First time ko rin makakahawak dahil sa trabaho… ng boobs ng katrabaho.

“Pero dahil nga si Ate Sue na nanay ng baby ko dati, di ba? Sa mga nakakaalam. Diyos ko, actually, yun nga ang sinasabi ko kay Ate Sue. ‘Ate Sue, nanay ka ng baby ko. Ngayon, nilalamas ko na ang suso mo.’”

Sa Gameboys, “mother-in-law” ni Kokoy si Sue.

“Wala munang mother-mother-in-law, ha? Ha! Ha! Ha! Ha!”

Walang keber si Sue sa eksenang nila utak niya ang boobey nito?

“Wala! Parang… parang nagka-cut na, ‘Ate Sue, sorry! Sorry! Pasensiya na!’ Ganun lang naman,” pahayag ni Kokoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Na-X ang Your Mother’s Son sa unang review ng MTRCB. Sa ikalawang review ay R-18 ang natamo nitong rating.

NOEL FERRER

Bidang-bida si Kokoy sa Your Mother Son, kumpara sa Fuccbois with Royce Cabrera and Ricky Davao.

Tumango si Kokoy, “Kaya sobrang thankful ako na parang… Diyos ko! Sa dami ng mga kaedad ko para ipagkatiwala sa akin ng The IdeaFirst, di ba, yung ganitong klaseng kalaki, at ganitong materyal na sabi nga ni Direk Jun, ang tagal na nilang nasa isip ito, college pa lang sila.

“Para ipagkatiwala sa akin na… di ba, bagu-baguhan pa rin naman. Happy ako na nagtiwala sila.”

Itong Your Mother’s Son ang opening film sa ENLIGHTEN: The IdeaFirst Film Festival sa Abril 12 sa Cinema 11 ng Gateway Mall.

Matapos ang screening ay may Q&A kay Direk Jun Lana, Elmer Gatchalian na co-writer ni Direk Jun Lana, at sa cast ng pelikula.

Kabilang pa sa mga pelikula ng The IdeaFirst na ipapalabas sa Abril 13 at 14 sa Gateway ang Anino sa Likod ng Buwan, Untrue, Dementia, Ang Manananggal sa Unit 23B, Mahal Kita Beksman, Big Night, Sleepless, Distance, I America, Gameboys The Movie, Mr. and Mrs. Cruz, About Us But Not About Us, at Die Beautiful.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kabahagi sa Writers’ Roundtable sina Ricky Lee, Rody Vera, Jerry Gracio, Moira Lang, Jose Javier Reyes, Jun Robles Lana, Mel Mendoza-del Rosario, at Jen Chuaunsu.

Kalahok naman sa Directors’ Roundtable sina Erik Matti, Mae Cruz-Alviar, Pepe Diokno, Sigrid Andrea Bernardo, Joel Lamangan, Jun Robles Lana, Zig Dulay, at Perci Intalan.

ideafirst filmfest

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At dahil sa kakaibang ambag nila sa industriya, na lagpas na komersyo, sana magpatuloy pa at lagi tayong nakasuporta sa The IdeaFirst Company.

Sana lang, maging financially rewarding ang kanilang ventures para may resources pa silang gumawa ng marami pang kapaki-pakinabang na mga gawain!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kokoy de Santos on getting the lead role in the movie Your Mother's Son: "Diyos ko! Sa dami ng mga kaedad ko para ipagkatiwala sa akin ng The IdeaFirst, di ba, yung ganitong klaseng kalaki, at ganitong materyal na sabi nga ni Direk Jun [Lana], ang tagal na nilang nasa isip ito, college pa lang sila. Para ipagkatiwala sa akin na… di ba, bagu-baguhan pa rin naman. Happy ako na nagtiwala sila.”
PHOTO/S: Jerry Olea / IdeaFirst
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results