GORGY RULA
Ayaw ni Sylvia Sanchez magbigay ng pahayag kaugnay sa kasal nina Zanjoe Marudo at Ria Atayde.
Read: Zanjoe Marudo and Ria Atayde are now married
May nagparating na sa amin nung nakaraang linggo ng impormasyong nakatakda na ang kasal nina Zanjoe at Ria last week.
Nakabakante na raw ang schedule nilang dalawa nang buong linggo.
Nung nakaraang linggo ay nakita namin si Sylvia sa tanggapan ng anak niyang si Congressman Arjo Atayde para sa pocket presscon ng actress-director na si Isabel Sandoval.
Read: Isabel Sandoval, may ambitious project kasama si Arjo Atayde
Tinanong ko si Sylvia kung totoo bang naka-schedule na ang kasal ni Ria.
Parang napilitan lang siyang sumagot na matagal pa raw iyon kaya hindi na namin nakulit.
Gusto pa sana namin siyang makapanayam pero hindi na ito pumuwede.
Naintindihan naman namin dahil ayaw na lang niya sigurong sagutin ang iba pa naming katanungan. Isa na rito ay kung totoong nagdadalantao si Ria.
Kahit itinanggi ito ng kapatid ni Ria na si Gela, naniniwala pa rin ang karamihan na buntis ang aktres.
Iyon ba ang dahilan kaya nagpakasal na sila agad?
Read: Ria Atayde not pregnant, says sister Gela Atayde
Sa pamilya ni Ria, ang nakita ko pa lang na nag-post sa kasal nito ay si Arjo na bumati sa kanyang Facebook account, at si Gela sa kanyang Instagram account.
View this post on Instagram
Binalikan ko ang Instagram account ni Sylvia, doon ko napansin na ang huling post nito kung saan binati niya ng "Happy Birthday" si Ria ay kuha sa reception ng kasal.
View this post on Instagram
Nag-post ang kapatid ni Zanjoe ng reception na dinaluhan ng mga malalapit nilang kaibigan.
Nakunang nagkakasiyahan sina Daniel Padilla, Joshua Garcia, Darren at nandun din si Kathryn Bernardo.
Ayon pa sa ilang napagtanungan namin, pamilya lang ang dumalo sa civil wedding nina Ria at Zanjoe na ginanap sa Quezon City Hall, kung saan si Mayor Joy Belmonte ang nagkasal sa kanila.
Dalawang pares lang ang ninong at ninang, pero hindi lang nabanggit ng aming source kung sinu-sino sila.

Ang ipinost ni Arjo na kuha sa civil wedding ay ang pamilya ng groom at bride.
Pero ang isa pang nasagap ng PEP Troika na meron pa rin daw silang church wedding. Hindi lang sinabi kung kailan.
Kung totoo mang buntis si Ria, posible kayang pagkatapos niyang manganak ang church wedding?
Read: FIRST LOOK: Ria Atayde simply stunning in wedding dress by Martin Bautista
NOEL FERRER
Oh well, dalawang mababait na tao sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo and they deserve the best!
Kaya, yes, support tayo sa kanila habang alam kong magtatrabaho na muna si Zanjoe with bilas Maine Mendoza in a sitcom for TV5. Siya muna ang kakayod habang magpapaka-wifey muna si Ria.
Tungkol sa pagkakaroon ng anak, naniniwala tayong isinasaayos nilang lahat iyan at darating din iyan sa takdang panahon.
Best wishes, Ria and Z!!!
JERRY OLEA
Matapos kumalat ang bali-balitang nagdadalantao si Ria, ibinalita nila ni Zanjoe noong Pebrero 20 via Instagram na engaged na sila.
Read: Zanjoe Marudo and Ria Atayde now engaged
Marso 3, sa panayam ng ABS-CBN, itinanggi ni Gela Atayde na preggy ang kanyang Ate Ria.
At nitong Marso 23, Sabado ay ikinasal na sina Ria at Zanjoe. Birthday ni Ria noong araw na iyon.
Belated happy birthday, Mrs. Ria Marudo! Humayo kayo ni Zanjoe at magparami!
Mabuhay!!!
