GORGY RULA
Nag-trending si Alden Richards sa X (dating Twitter) ngayong Easter Sunday, March 31, 2024, nang sumali siya sa Sunday Run na ginaganap sa Makati City tuwing Linggo.
Hindi ko lang alam kung may event ngayong Easter Sunday, pero sabi ng taga-Sparkle na nakaka-text ko, talagang sumasali si Alden sa pagtakbo tuwing Linggo.
Pero base sa mga ipinost ng netizens sa X, tumakbo si Alden sa kahabaan ng Ayala Avenue.
Meron pang nag-post na dapat ay five kilometers lang daw ang tatakbuhin ni Alden, pero umabot daw ng 12 kilometers ang itinakbo ng Kapuso actor.
May nag-post pa ng record ni Alden na umabot daw ito ng 1 hour and 24 minutes ang itinakbo niya.
Ang guwapo kasi ni Alden sa mga kuha sa kanya habang tumatakbo, at ang daming nagpa-selfie sa kanya.
Kahit gulu-gulo pa ang buhok ng Kapuso actor, ang guwapo pa rin ng dating kaya ang daming nag-post nito sa social media.
Meron pang ibang nagpo-post na may picture ni Alden na may kasamang guwapong runner, na tila may malisya ang pagka-post, pero hindi naman ito pinatulan.
Basta mas marami ang kinilig sa kaguwapuhan ng Asia’s Multimedia Star.
JERRY OLEA
Nitong nakaraang Holy Week break, sina Alden at Kathryn Bernardo ang trending at mas pinag-uusapan sa social media.
Ilang araw ring napo-post sa X ang pagdalo ni Alden sa birthday party ni Kathryn sa Palawan.
Read: Celebrities spotted at Kathryn Bernardo's birthday bash in Palawan
Ang daming natuwa na napakanta roon si Alden kasama si Kakai Bautista. Pero hindi rin nagpahuli si Jericho Rosales na tila nagpa-mini concert na sa birthday party na yun.
Kaya lang, base sa mga reaction ng fans, mas boto sila sa pagbabalik-tambalan ng KathDen tandem nina Kathryn at Alden.
May mga ilang di type ang pagsasama nina Kathryn at Jericho sa isang possible project.
Tuluy na tuloy na kaya ang sequel ng Hello, Love, Goodbye?
NOEL FERRER
Kagabi naman, March 30, namataan naman si Alden Richards sa Haven of Angels sa Antipolo na binisita ang isang kaibigang yumao.
Simple lang daw siyang naka-cap at hindi nanghihingi ng atensiyon, ayon sa nakakita sa kanya, habang kami naman ay nasa second floor.
Sana nga, magkaroon ng significant project si Alden sa telebisyon at pelikula. Deserve na deserve niya yun!
