JERRY OLEA
Usually, Miyerkules, nag-o-open sa local cinemas ang mga pelikula.
Hindi iyon applicable kapag Semana Santa. Maraming sinehan ang sarado mula Miyerkules Santo hanggang Biyernes Santo.
Noong Marso 30, 2024, Sabado de Gloria, nagbukas sa mga sinehan ang Dearly Beloved nina Baron Geisler at Cristine Reyes.
Read: Baron Geisler, sobrang naapektuhan matapos mapanood ang "Dearly Beloved" for the first time
Kasabay nito ang opening ng Godzilla x Kong: The New Empire, Mothers’ Instinct, at The Haunting at St. Joseph’s.

Take note na noong nakaraang taon, Sabado de Gloria nag-umpisa ang 1st Summer Metro Manila Film Festival (MMFF).
Walo ang official entries niyon — About Us But Not About Us, Apag, Here Comes The Groom, Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera, Love You Long Time, Single Bells, Unravel: A Swiss Side Love Story, at Yung Libro Sa Napanood Ko.
Read: The Ultimate Guide to the 1st Summer MMFF entries
Kapos sa sigla ang summer edition ng MMFF. Hindi na iyon ginanap ngayong taon, para makapag-focus ang kinauukulan sa 50th anniversary ng MMFF.
Read: Walang Summer MMFF at Pista ng Pelikulang Pilipino ngayong 2024
Ngayong Abril 3, Miyerkules, ay walang bagong pelikula na nagbukas sa mga sinehan.
Sa Abril 5, Biyernes, ang opening day ng Infested, pati ng The First Omen.
Sa Abril 10, Miyerkules ay balik na sa “normal” ang pag-uumpisa ng showing ng movies.
Ipapalabas sa araw na iyon ang Ghostbusters: Frozen Empire, Civil War, at Sunny. Smorgasbord ang Sunny, kung saan tila “inapi” sa billing si Sunshine Dizon.
Sa poster, pinakamalalaki ang pangalan nina Vina Morales, Angelu de Leon, Heaven Peralejo, at Bea Binene.
To think na ang “sunny” e konek na konek sa “sunshine,” di ba?!

Abril 12-14 ang ENLIGHTEN: The IdeaFirst Film Festival sa Gateway Cineplex 18, Cubao, Quezon City.
Ang opening film ay ang mapangahas na Your Mother’s Son, kung saan tanpok sina Kokoy de Santos, Sue Prado, Miggy Jimenez, at Elora Españo.
Naka-line up din sa filmfest na ito ang Anino sa Likod ng Buwan, Untrue, Dementia, Ang Manananggal sa Unit 23B, Mahal Kita Beksman, Big Night, Sleepless, Distance, I America, Gameboys The Movie, Mr. and Mrs. Cruz, About Us But Not About Us, at Die Beautiful.

Sa Abril 17, Miyerkules, naman nakatakdang mag-open ang Under Parallel Skies nina Janella Salvador at Win Metawin.
Read: Janella Salvador honored to work with Thai actor Win Metawin
Kasabay nito ang opening ng Abigail, Yolo, at The Ministry of Ungentlemanly Warfare.
Tuloy ba ang showing ng When The World Meets Miss Probinsiyana sa Abril 17? Bida sa nasabing movie sina Rhian Ramos at Sid Lucero.
Para sa updates, bisitahin sa tuwi-tuwina ang Facebook pages ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP) at SM Cinema, ganoon din ang website ng Click The City.
NOEL FERRER
Naku, naku… ang dating Black Saturday na major box-office playdate bago pa man nagkaroon ng streaming — tulad ng mga pelikulang Can’t Help Falling In Love (KathNiel), Da Possessed (Vhong-Toni), It Takes A Man And A Woman (John Lloyd Cruz and Sarah G), Moron 5 And The Crying Lady (Luis, Billy, Marvin, Martin, DJ with John Lapus), Pak Pak Dr. Kwak Kwak (Vic Sotto-Bea Alonzo), You’re My Boss (Coco-Toni) — ay pawang salat na sa audience ngayon.
Sana makahanap tayo ng paraan para pasiglahin at painitin muli ang takilya… para buhay tayo hindi lang kapag MMFF. Sana talaga!!!
GORGY RULA
Ayon sa aming reliable source, naka-PHP200,000 ang Dearly Beloved sa unang araw ng showing nito.
Sumabay ito sa Godzilla x King Kong: The New Empire, na na-maintain pa rin ang lakas sa takilya hanggang sa ngayon. Sa first day of showing daw nito ay naka-PHP22M, kaya tiyak na malaki na ang kinita nito ngayon.
Nitong Easter weekend (Marso 29-Abril 1), ang opening weekend gross ng Godzilla x King Kong: The New Empire sa North America ay $87.7M.
Ayon sa Box Office Mojo, ang worldwide gross nito ay umabot na sa $202.9M.

Itong Godzilla x Kong: The New Empire ang ika-38 installment sa Godzilla franchise, at 13th film sa King Kong franchise.
Tampok din sa Godzilla x Kong: The New Empire sina Scylla, Shimo, Skar King, at Mothra.
Dati ay malakas talaga ang Black Saturday na opening day. Hindi lang ito umubra sa inaugural Summer MMFF noong nakaraang taon.
Pero kapag gusto talaga ng mga taong panoorin ang isang pelikula, pipilahan talaga nila ito.
Samantala, nagulat ang kaibigan naming sumilip sa mga sinehan sa TriNoMa nung Martes dahil puno ang sinehan ng Dearly Beloved. Yun pala, mga senior citizen ang nakapuno. Mas type daw kasi ng senior citizens ang Pinoy films.
