GORGY RULA
Nag-streaming noong Martes, Abril 2, 2024 sa Vivamax ang pelikulang Cheaters na naglunsad sa 19-year-old FEU student na si Angeline Aril.
Mala-Francine Prieto ang ganda ni Angeline na galing sa bikini contests at car shows.
Read: Vivamax, No. 1 movie ang Rita; may mga offerings at newbies na dapat abangan
Sabi ni Angeline, ang mommy niya ang gustung-gustong mag-artista siya. Kaya nung 13 years old pa lang siya ay nadadala na raw siya sa acting workshops, hanggang sa na-discover siya ng Viva at binigyan ng break sa pelikulang Cheaters.
Kasama niya rito ang mga kapwa Vivamax artists na sina Aerol Carmelo, Kara Fernandez, at Jhon Mark Marcia, sa direksyon ni Dustin Celestino.

Hindi raw naranasan ni Angeline ang ma-cheat dahil minsan pa lang daw siyang nakapag-boyfriend, at hindi naman daw cheating ang dahilan ng kanilang breakup.
Pero inamin ni Angeline na produkto siya ng broken familya dahil sa cheating ng kanyang ama. Kasama raw niya ang kanyang ina, at matagal na raw niyang hindi nakikita at wala na raw siyang balita sa kanyang ama. Wala na raw siyang galit sa kanyang ama, at gusto na raw sana niyang makita uli.
“Sana,” kaagad na sagot ni Angeline sa tanong ko kung gusto ba niyang makita uli ang kanyang ama.
“Pero I’m not mad sa father ko. Tina-try ko siyang i-reach out, but ayun, wala.
“Ako mismo yung naghahanap sa kanya. Kasi gusto ko… siyempre tatay ko pa rin, di ba?
“Habang tumatanda kasi ang tao, di ba? Gusto ko sana magkaroon pa kami ng maraming time. Pero hindi ko kasi siya ma-reach out.”
Paano kapag napanood na siya ng kanyang ama sa Vivamax?
“Feeling ko, baka tawagan niya ako, baka galit siya!” natatawang sagot ni Angeline.
Read: Pinoy Sexy Movies 2023: Who are the new Vivamax Queens and Los Hubaderos?
Magmula nang naging Vivamax artist si Angeline, hindi rin daw siya nakaiwas sa mga indecent proposals. May mga nagtsa-chat daw sa kanya na kung anu-anong inaalok sa kanya, na alam daw niya kung ano ang kapalit.
Lahad ni Angeline, “When I entered Viva kasi, they think that I’m doing it in real life, like that.
“So, merong mga guy na parang magcha-chat sila sa yo, random. ‘Open ka ba for ganyan.’ So, yun lang, hindi ko na pinapansin po. But ayoko. Bahay ang pinakamalaking offer.
“It’s my pride. Kasi pag hindi ko naman trip yung magbibigay, bakit ko tatanggapin. Hindi rin bukal sa loob ko, di ba?” pakli ni Angeline.
Hindi rin daw niya ilalagay ang sarili na pumasok sa isang relasyon sa lalaking may sabit. Hindi raw niya ia-allow na mag-cheat ang lalaki sa asawa o partner nito.
“Never ko pa naman na-experience yung ganun. Pero feeling ko pag na-experience ko… kasi bago ko i-date yung person, you have to ask him, di ba?
“Like, single ka ba o taken? Or meron ka bang ibang nililigawan? I’m brutally honest. Ayoko na kasing pinapahaba ang mga bagay-bagay.”
NOEL FERRER
Dito sa pelikulang Cheaters ay may mga maiinit at mapangahas na eksena si Angeline Aril sa dalawang Vivamax actors.
Kay Aerol Carmelo raw siya may pinakamainit na eksena kesa kay Jhon Mark Marcia.
“Si Aerol, sobrang okay siya katrabaho, professional siya. And si Marcia din naman.
“Pero dun sa mismong movie, feeling ko mas intense yung scene namin ni Aerol. Kasi siya talaga yung pinaka-partner ko in this movie.
“Sobrang cheating talaga! Basta intense yung scene namin ni Aerol,” sey ni Angeline.
Sana, ikasikat at ikagaling pa ng career nina Angeline, Aerol, at Jhon Mark ang Cheaters. Harinawa.
Read: Hubadero 2024 1Q Edition: Vivamax sexy actors deliver the goods
JERRY OLEA
Hindi naka-attend si Jhon Mark Marcia sa mediacon ng Cheaters noong Marso 23 sa Viva Cafe sa Cubao, Quezon City. Kasabay kasi niyon ang last shooting day ng pelikulang Sisid Marino sa Rosario, Cavite.
Sila ni Julia Victoria ang mga bida sa Sisid Marino bilang mag-asawang naadik sa pagtatalik. Ang direktor nila ay si Joel Lamangan.

Julia Victoria and Jhon Mark Marcia with director Joel Lamangan on the set of Sisid Marino
Needless to say, mas mapangahas si Jhon Mark sa Sisid Marino kesa sa Cheaters.
Wagas ang lampungan nila ni Julia sa bangka na nasa laot, at may threesome pa si Jhon Mark with two other Vivamax babes.
Sabi ni Jhon Mark, sobrang happy siya na naging bida na sa isang full-length feature, at si Joel Lamangan pa ang gumabay sa kanya.
“Dati, pinapangarap ko lang si Direk Joel na maging direktor. Tapos ngayon, totoong nadirek na niya ako,” sabi ni Jhon Mark.
“Talagang sobrang galing niya. Nalalabas talaga yung akting mo. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”
Siyangapala, No. 1 na sa Top 10 ng Vivamax ang Cheaters.
Pangalawa ang TL nina Jenn Rosa, Nico Locco, Armani Hector, at Jonica Lazo.

Pangatlo ang Rita nina Christine Bermas, Victor Relosa, Josh Ivan Morales, at Gold Aceron.
Pang-apat ang Kasalo nina Vern Kaye, Albie Casiño, Mia Cruz, at Rash Flores.
Panlima ang Haliparot nina Aiko Garcia, Maui Taylor, Matthew Francisco, at Aerol Carmelo.
Pang-anim ang Foursome nina Robb Guinto, Nico Locco, Armina Alegre, Mark Dionisio, at Dyessa Garcia.
Pampito ang Kalikot nina Sheila Snow, Van Allen Ong, at Arah Alonzo.
Pangwalo ang erotic trilogy na Eks nina Yen Durano, Felix Roco, Itan Rosales, Albie Casiño, Chester Grecia, at Audrey Avila.
Pansiyam ang Patikim-tikim nina Yen Durano, Apple Dy, Chloe Jenna, at Aerol Carmelo.
At pansampu ang smorgasbord na Mapanukso nina Sean de Guzman, Itan Rosales, Marco Gomez, Mon Mendoza, Calvin Reyes, Tiffany Grey, Ataska, Rica Gonzales, Thia Ledesma, at Cath Ventura.

Marami nang naka-lineup na pelikula ang Vivamax para mag-streaming hanggang Mayo.
Sa Abril 5, Biyernes, na ang streaming ng Stag nina Denise Esteban, Gold Aceron, Arah Alonzo, Aerol Carmelo, Yda Manzano, at Alan Paule.
Ire-release sa Abril 12, Biyernes, ang Sweet Release nina Ataska, Dyessa Garcia, Mhack Morales, Jem Milton, Horace Mendoza, at Jonica Lazo.
Kasado na sa Abril 16, Martes, ang Wanted: Girlfriend nina Sheina Yu, Reina Castillo, at Yuki Sakamoto.
Magpapainit sa Abril 19, Biyernes, ang Dayo nina Rica Gonzales, Audrey Avila, Calvin Reyes, Marco Gomez, Alvaro Oteyza, at Nathan Rojas.
Babandera sa Abril 26, Biyernes, ang Red Flag nina Micaella Raz, Mon Mendoza, Joana David, at Mhack Morales.
Malalasap sa Abril 30 ang Huling Tikim nina Armina Alegre at Erika Balagtas. Natuloy kaya rito bilang bidang lalaki ang Man Hot Star International 2023 na si RJ de Vera?
Magpapasiklab sa Mayo ang Lady Guard, Himas, Kulong, at Balinsasayaw.
