GORGY RULA
Ang manager ni Janella Salvador na si Manny Valera ang nagpaliwanag kung bakit na-postpone ang Reimagined concert ng Kapamilya actress-singer na nakatakda sana sa Abril 19, 2024, Biyernes, sa New Frontier Theater.
Read: Janella Salvador 10th anniversary concert postponed
Marami raw ang nangyaring di inaasahan ni Janella, ayon kay Direk Manny. Pero ang pinakarason nito ay ang pagkakasakit ng anak niyang si Jude na isang linggong nasa hospital.
Read: Janella Salvador, Markus Paterson together for Jude's 3rd birthday
“Number one, nagkasakit yung anak niya. Pneumonia ba yun? Basta nagkasakit!
"And he needed to be hospitalized in St. Luke’s. Nag-apat na araw o limang araw sa ICU," lahad ni Direk Manny nang nakapanayam namin sa nakaraang story conference ng pelikulang Guilty Pleasure ng Regal Entertainment.
“Siyempre, disturbed yung utak. So, nag-cancel kami ng… siyempre you missed the band rehearsals.
“Number two, she also missed yung mga mall shows.
"Nag-pack up ng apat o lima, kasi hindi nga siya maka-focus dahil ang utak niya sa anak niya, nandun yung anak niya sa ICU.
"And then, four or five days nag-regular room na ng mga two days. Basta one week siya sa hospital.”
Read: Netizens defend Janella Salvador's "paos ako, kayo na lang" remark in It's Showtime
Kaya inaayos na raw nila ngayon ang schedule ni Janella kung kailan itutuloy ang concert.
View this post on Instagram
Marami nang naka-lineup na projects kay Janella kaya baka bandang last quarter of this year na raw nila ito itutuloy.
“Nagta-target kami based sa last na usapan namin, September,” pakli ng talent manager at line producer ng Regal Entertainment.
“Kasi, gustong tapusin ni Janella yung responsibilities niya sa, number one… kasi until now, may promo pa rin yung Mallari abroad, nasa Singapore, ganyan.
“Bilang tinutupad niya, bilang artista sa Mallari, pinupuntahan niya ng abroad.
"Number two, promo ng Under Parallel Skies.
“Di ba, merong iba-ibang showing, di ba? Either Bangkok showing or Singapore showing. Iba-ibang petsa yun.
"So, pag iba-ibang petsa, iba-ibang promo na kailangang mong pumunta dun sa nasabing bansa. So, na-occupy yung oras niya dun,” dagdag ni Manny V.
Read: Karylle gives backstory of Janella Salvador’s "kayo na lang" remark to Kim Chiu
NOEL FERRER
Committed na rin daw si Janella sa pelikulang gagawin niya kay Direk Jun Lana at mukhang gagastusan daw ito nang husto.
Ito yung How To Be A Good Wife na pagsasamahan nila ni Jane de Leon.
Halos 20 shooting days ito na dapat naka-block sa schedule ng singer-actress.
Ani Manny Valera, “Siyempre, pinasok na namin yung matagal na nabinbin na schedule na How To Be a Good Wife with Jane de Leon. Nagkagulo yung schedule e, saka naging busy din ang schedule nina Jun Lana.
“It’s a very ambitious and expensive project. Kaya ang dialogue ni Janella, kung magagawa kaya ito?”
Ang movie project na ito ay collaboration ng Regal at IdeaFirst Company. Pagkatapos ng Darna ay dito uli magkasama sina Janella at Jane. Pero hindi raw ito GL movie.
Read: Jane de Leon at Janella Salvador, balik-tambalan sa GL movie?
“Janella is excited for the role and the project. Kasi may pagka-offbeat yung character. Kasi, how to be a good wife, yun. Basta may mystery dun sa kuwento dun.
“For the record, hindi siya GL o tomboyan, basta pareho silang may asawa. Para klaro, hindi siya GL,” sabi pa ni Direk Manny.
So, abangan natin kung kailan na magaganap ang 10th anniversary concert ni Janella at kung paano mare-refund o magagamit pa rin yung tickets ng mga nakabili na.
All the best!
JERRY OLEA
Palabas na bukas, Abril 17, Miyerkules, sa mga sinehan ang pelikulang Under Parallel Skies, kung saan katambal ni Janella si Win Metawin.
Magwi-win kaya ito sa takilya?
Kasabay nito ang opening ng X & Y nina Ina Raymundo at Will Ashley, at ng mga banyagang pelikula na Abigail, Arcadian, Yolo, at The Ministry of Ungentlemanly Warfare.
Iyong Mallari ay mag-i-streaming na sa Hunyo sa Netflix.
Naka-one shooting day na sina Jane at Janella last December for How To Be A Good Wife, under Direk Jun Robles Lana.
E, may movie project din si Direk Jun na bida si Vice Ganda. Alin kaya ang mas priority ni Direk Jun?
Let us reimagine kung kailan na ang major concert ni Janella.
