PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

ABS-CBN Warns of Fake PBB and Batang Quiapo Auditions

ABS-CBN, inanunsiyo ang mga petsa ng lehitimong auditions para sa PBB.
by PEP Troika
Published Apr 16, 2024
ABS-CBN shows
ABS-CBN: "Nakarating sa amin ang impormasyon na may mga indibidwal na nag-post sa social media ng pekeng auditions at casting calls para sa mga programa ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother (PBB), FPJ’s Batang Quiapo, at High Street. Nais po naming ipaalam sa publiko na walang kinalaman ang ABS-CBN sa mga pribadong audition at casting call na mga ito."
PHOTO/S: ABS-CBN

JERRY OLEA

Naglabas ng babala ang ABS-CBN ngayong Abril 16, 2024, Martes, kaugnay sa pekeng auditions para sa Pinoy Big Brother (PBB), FPJ’s Batang Quiapo, at High Street.

Ang kabuuan ng advisory: “Nakarating sa amin ang impormasyon na may mga indibidwal na nag-post sa social media ng pekeng auditions at casting calls para sa mga programa ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother (PBB), FPJ’s Batang Quiapo, at High Street.

“Nais po naming ipaalam sa publiko na walang kinalaman ang ABS-CBN sa mga pribadong audition at casting call na mga ito.

“Magsasagawa ang ABS-CBN ng unang audition para sa Pinoy Big Brother at Star Magic sa Abril 27 sa Robinsons Novaliches, Abril 28 sa Robinsons Las Piñas, at Mayo 4 hanggang Mayo 5 sa KCC Mall of Gensan.

“Magkakaroon din ng on-ground auditions sa Visayas at Mindanao bukod sa online auditions. Antabayanan niyo po ang aming official announcement. Ipo-post ang lahat ng updates tungkol sa auditions sa opisyal na Facebook (Pinoy Big Brother ABS-CBN), X (@PBBabscbn), Instagram (@pbbabscbntv), at YouTube (Pinoy Big Brother) accounts ng PBB.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Walang casting calls o auditions naman ang isinasagawa para sa FPJ's Batang Quiapo at High Street sa ngayon.

“Mahalaga sa amin ang inyong kaligtasan, Kapamilya. Hinihiling namin na mag-ingat ang lahat at iwasang makipag-ugnayan sa mga hindi awtorisadong indibidwal na nagsasabing nagdaraos sila ng mga audition o casting calls sa ngalan ng ABS-CBN.”

abs-cbn advisory

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Is PBB house closing its doors for good? Laurenti Dyogi's IG post triggers nostalgia

NOEL FERRER

Basta, kung hindi official channels, at malalaman naman ninyo iyan, iwasan na lang.

Mas mainam talagang dumaan sa tamang proseso. Hindi ito shinu-shortcut dapat.

Huwag maniwala sa nagsasabing may impluwensiya o yung nagpapabayad pa.

Basta, there’s no greater feeling of success than experiencing the hardship that comes with it.

Good luck sa mga nagtatangkang makamit ang kanilang pangarap!

GORGY RULA

Meron naman kasing ibang talent agency na nagpapa-audition na sila ng bagong talents na isasali nila sa mga ganoong reality show. Pero hindi ibig sabihin na pasok na sila sa totoong audition ng ABS-CBN.

Maganda na ring naglabas ng ganung announcement ang ABS-CBN para malaman ng lahat.

Maraming online scammer sa panahon ngayon. Pati sa text, andiyan ang mga hacker. Sa Facebook at X, may mga poser.

Nagsalita na si Direk Joel Lamangan na hindi siya nagpapa-audition via Messenger na nanghihingi ng registration fee. Pero iyong poser niya ay sige pa rin nang sige.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Maraming bagong projects na ikinakasa ang ABS-CBN. Hintayin natin ang mga opisyal nilang announcement, at huwag basta-basta maniwala sa kung sinu-sino lang.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ABS-CBN: "Nakarating sa amin ang impormasyon na may mga indibidwal na nag-post sa social media ng pekeng auditions at casting calls para sa mga programa ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother (PBB), FPJ’s Batang Quiapo, at High Street. Nais po naming ipaalam sa publiko na walang kinalaman ang ABS-CBN sa mga pribadong audition at casting call na mga ito."
PHOTO/S: ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results