GORGY RULA
Nakatakdang operahan si Senator Bong Revilla ngayong Abril 18, 2024, Huwebes ng 3 p.m.
Kamakalawa ng gabi ay nag-Facebook live si Senator Bong, habang nasa hospital bed niya St. Luke’s Global City, dahil sa nangyari sa kanya sa shooting ng pelikulang Birador: Alyas Pogi 4.
Humingi siya ng dasal na malagpasan niya ito, at hindi lumala ang pagkapunit ng kanyang Achilles tendon. Binanggit din niyang baka kailangan siyang operahan.
Read: Senator Bong Revilla, posibleng maoperahan dahil sa napunit na Achilles heel
Nung Miyerkules, April 17, nakausap namin sa aming programa sa DZRH ang maybahay ni Senator Bong na si Congresswoman Lani Mercado.
Isinalaysay ni Cong. Lani kung ano ang nangyari sa shooting ng pelikulang sinimulan ni Sen. Bong.
First shooting daw yun na kinunan sa Tagaytay, at kailangang tumakbo si Sen. Bong sa eksena.
“Patapos na yung eksena. Yung first take niya, hahabulin niya ang sasakyan.
“Mabilis yung takbo niya, naabutan nga niya yung sasakyan. So, dapat hindi niya maabutan yung sasakyan.
“So, they had to take it again. Nung take two na, doon sumakit na yung paa niya. Hindi na niya matapak,” simulang kuwento ni Cong. Lani.
“So, ang findings ng doctor, yung kanyang Achilles tendon, ang nagho-hold na lang dun…. kumbaga punit na siya, 60 percent. Forty percent na lang yung nagho-hold ng kanyang paa.”
Read: Lani Mercado, nag-e-enjoy sa pagiging lola sa kanyang mga apo
Nung dinala sa hospital si Sen. Bong, hindi na siya pinaalis dahil kailangan talagang ma-check nang mabuti ang kanyang paa.
“Dapat mag-MRI siya para ma-check kung ano ang nangyari sa paa niya. Tapos, hindi na kami pinauwi para mapahinga yung paa.
"Pagkatapos nun, tests were done, nag-Xray, nag-MRI and they compared his old X ray sa ngayon.
“Dun kami in-advise na kailangan talagang ituloy na yung kanyang Achilles tendon operation,” saad ni Cong. Lani.
Dati na kasi itong condition ni Sen. Bong na dapat ay noon pa naoperahan, pero meron din siyang ginagawa noon.
Ayon kay Cong. Lani, “Naging conservative yung approach ng doktor niya nung na-diagnose siya last year, February 2023, na meron siyang ganitong condition.
“Eventually, kailangan mong magpapopera. Pero, I think, he has a project that time. So, ano yung pinakamagandang gawin sa ngayon, kasi may project na ginagawa ngayon.
“So ang nangyari was therapy, nag-test. Pero eventually, he really needs that operation.”
Kaya humihingi ng dasal si Cong. Lani na maging successful ang Achilles tendon operation ni Sen. Bong ngayong araw.
“We’re asking for prayers po na sana, maging okay po yung operation, maging successful.
"At saka yung recovery period, yun po yung importante sa lahat yung recovery niya after the operation,” saad ni Cong. Lani.
Read: Senator Bong Revilla confident second season of Walang Matigas Na Pulis surpassed first season
JERRY OLEA
Matagal-tagal ang healing process nito, kaya isa ito sa inaalala ni Sen. Bong kung paano nila maipagpapatuloy ang shooting ng pelikula.
“Hindi niya puwedeng itapak ang paa within the next two weeks.
"Pagkatapos nun, dahan dahan siyang… tatanggalin na yung cast after the operation. Tapos diyan magsisimula yung therapy niya,” salaysay ni Ate Lani.
“The therapy will continue from three and half to five months, depende sa kanyang recovery. Kasi bawat tao, iba-iba ang healing period, e.
“So, dapat maging mabait siya, maging disiplinado siya sa pagsunod sa therapy na yan, para mas mabilis yung recovery niya.”
NOEL FERRER
Ang iniisip nga raw ngayon ni Sen. Bong ay kung paano nila maipagpapatuloy ang shooting ng pelikula nilang Birador: Alyas Pogi 4 dahil sa kanyang kalagayan.
“Actually, isa yun sa rason kaya medyo nalulungkot siya. Ito yung pagbabalik-pelikula niya,” pakli ni Cong. Lani.
Pag-uusapan daw ngayon ng production kung ano ang gagawin nila sa pelikula dahil kasado na ang schedule ng shooting at marami nang mga artistang involved na nakakasa na rin sa kanilang schedule.
Sabi ni Cong. Lani, “Ito nga yung inaabangan ng mga fans niya na napapanood siya nag-action sa pelikula. Kasi napapanood pa siya sa TV.
“Iba kasi siyempre yung gumagawa ka sa pelikula. At sana, yan ang alay niya this coming end of the year, supposedly.
“Pero medyo maantala ito. Hindi natin alam kung matatapos ito sa tamang panahon o sa ina-assume na playdate natin para sa pelikula, dahil sa nangyaring ito.
“So, medyo mabinbin muna nang konti yung shooting, kasi kailangang mag-recover muna si Sen. Bong.”
