GORGY RULA
Sa Sabado, Abril 20, 2024, na ang debut ng Kapuso young actress na si Sofia Pablo na personal niyang inayos.
Tropical Hawaiian ang concept ng debut party ni Sofia na gaganapin sa Raffles Hotel sa Makati City.
Noong Abril 10 pa talaga ang birthday ni Sofia, pero sa Sabado pa lang niya ise-celebrate dahil sumakto sa available schedule niya, pati ang mga kaibigan niyang gustong maging bahagi ng kanyang kaarawan.
Read: Sofia Pablo on planning her tropical-themed 18th birthday party: "Magastos po."
“Nung una ko pong sinabi yung Tropical Hawaiian, medyo naguguluhan pa po yung mga parang team ng debut,” sabi ni Sofia sa media conference na inihanda ng Sparkle GMA Artist Center para sa kanyang debut nung Miyerkules, April 17.
“Kasi, ano yung Tropical Hawaiian? Like, 'Gusto ba sa dagat gawin? Ang gusto ba, parang grass skirt?'
“Sabi ko, no! Parang it’s, like, modern Tropical Hawaiian na may pagka-formal.”
Medyo stressful ang preparation, pero gusto ni Sofia na personal touch itong binubuo niyang party na kailangang dumaan sa kanya at ma-check niya kung tugma sa gusto niyang mangyari.
"So, lahat po yun, talagang dine-detail ko. Then yung guest list, ako po yung nag-RSVP nun with the help of team Labelle.
“Lahat po na nagko-confirm sa akin, tina-type ko talaga.
"Then, ako rin po ang nag-ayos ng table arrangement, then yung music, yung roses. Hindi ko po pinabayaan.
“Talagang may revision, pinapakinggan ko siya. Then, lahat ng lineup, inayos ko po talaga.
"Like, everything is basically me. Hindi po yung, 'Kayo na ang bahala, okay na yan.'
“Even po yung food, ako rin ang namili na, 'Ito, bagay ito sa theme,' ganun po.
“Inaayos ko po yung tropical flowers. Kasi very hands on po ako, like, ilang revisions yung pinagawa ko dun sa final mix ng flowers, kasi gusto ko talaga fun for the guests din,” saad ni Sofia.
Hindi idinetalye ni Sofia kung sinu-sino ang bahagi ng 18 Tropical Flowers at 18 Candles. Pero lahat daw yun ay espesyal sa kanya at naging bahagi ng kanyang showbiz career.
“Yung special dance ko siguro, I consider all of it special…
"There will be different types of flowers. Lahat po na 18 tropical flowers na boys, they have their own songs ng TikTok.
“So, in a way, it’s special to me kasi they chose their songs na parang yung friendship namin ay nag-symbolize dun. So, I’m very excited,” sambit ni Sofia.
Ang first dance raw niya ay si Joey Abacan ng GMA-7.
Ang kanyang ama ang pang-17, at ang pang-18 ay ang ka-love team niyang si Allen Ansay.
Sa 18 Candles naman na mga girls, ilan sa mga kasali roon ay sina Carla Abellana, Ysabel Ortega, at ilang kaibigan niya sa dating afternoon drama series na Prima Donnas.
Maingat sa pagsagot si Sofia pagdating sa Prima Donnas, dahil iniiwasan na niyang maintriga pa, lalo na kay Jillian Ward.
Ngumingiti na lang si Sofia nang pagkatamis-tamis.
Read: Sofia Pablo, aminadong hindi close kay Jillian Ward: "There are issues. Pero wala na po..."
NOEL FERRER
Napag-usapan na ang bagong kotseng birthday gift ni Sofia sa sarili.
Bukod sa kotse, gusto na rin daw mag-invest ni Sofia ng bagong bahay somewhere in Quezon City.
Read: Sofia Pablo's new ride worth PHP1M marks end of her 'passenger princess' era
“Siguro po after my car, I want to invest in a bigger house sa parang area lang ng QC.
“Kasi, I believe na kailangan kasi sa pag-aartista, lalo na laging around the area yung work, and QC is basically the center ng everywhere.
“Yun talaga yung goal ko, kasi of course si Mom, gusto ko na convenient din for her.
"And since I’m a Mommy’s girl and lagi ko po siyang kasama always everywhere I go. Kung wala si Mommy, wala ako.
“So, gusto ko mag-invest ng house within the area para madali po sa aming dalawa. Lalo na dalawa lang kami sa buhay,” saad ng Kapuso actress.
Tinanong din si Sofia kung ano ang gusto niyang mabago sa sarili ngayong 18 na siya.
“Siguro, resolution ko po kapag 18 ako, gusto ko po mabago yung tingin sa akin ng mga tao na pabebe.
“I mean, not everyone says it, pero usually when I have bashers, it’s what they’re saying.
“Hindi ko po talaga siya mini-mean, like I really don’t mean na to look that way na pabebe.
“It’s just that, yung mga nagagawa kong projects, I always have a leading man, and I think it’s quite they look at me that way.
“Pero now that I’m 18, gusto kong baguhin yun na, guys, I’m not pabebe, it’s just my work.
“So, yun po yung resolution ko talaga, na gusto ko mabago ang pagtingin nila na mature na, na ladylike na talaga.”
JERRY OLEA
Patuloy ang pamamayagpag ng Kapuso afternoon drama series na Abot-Kamay Na Pangarap kung saan bida sina Jillian Ward at Carmina Villarroel.
Hindi pabebe ang papel doon ni Jillian.
Hindi kawalan kay Jillian kung hindi man siya imbitado sa debut ni Sofia. Hindi iyon big deal.
Hindi ko nga maalala kung ano yung huling TV project na bida si Sofia… pero si Jillian, bet natin na lalo pang mag-i-sparkle ang career.
