GORGY RULA
Ipinagdiwang ni Daniel Padilla ang kanyang 29th birthday sa isang animal shelter sa Pampanga ngayong Biyernes, April 26, 2024.
Suportado ng TeamsoliDs itong “Community Pawject” ni Daniel.
Namahagi sila ng mga pagkain at gamot sa mga rescued na mga aso at pusa.
View this post on Instagram
Nakakabilib ang effort ng solid fans ng aktor na lahat ay ginagawa para maipaabot ang pagmamahal nila kay Daniel.
Sumuporta rin ang solid fans ng aktor sila sa pagdalaw ni Daniel sa Child Haus, at pati itong ‘Community Pawject’ sa animal shelter sa Pampanga.
Read: Daniel Padilla spends early birthday with CHILD Haus
Ngayong araw ay may pa-LED Billboard pa sila para batiin si Daniel sa kanyang kaarawan.
Ipinost nila sa Instagram na nagpa-install sila ng LED billboards sa EDSA Ortigas, EDSA Cubao, EDSA GMA, Katipunan, at sa C5 Libis.

Sana nga, ang susunod na susuportahan nila ay ang upcoming projects ni Daniel.
May linaw na ang gagawing pelikula ng ex-girlfriend ni Daniel na si Kathryn Bernardo, ang sequel ng Hello, Love, Goodbye, katambal si Alden Richards.
Ang dinig namin ay magsu-shoot daw muna ng ilang eksena sa Hong Kong at ang kasunod ay sa Calgary, Canada na.
Teka nga pala! Binati kaya ni Kathryn si Daniel sa kanyang kaarawan?
NOEL FERRER
Sana, okay pa rin si Daniel at Kathryn.
Sana, maging magkaibigan pa rin sila. Sana, makagawa pa rin sila ng mga project na magkasama.
Basta I wish them well.
And I am a firm believer of their talents whether together or apart.
As for Daniel, dahil birthday niya ngayon… sana mag-full force siya to establish himself as an actor and a performer.
Sana, a good movie soon— and ako, a good major concert. Kasi, naniniwala akong kaya niya talaga.
Happy Birthday, Daniel!!
JERRY OLEA
Noong Nobyembre 30 pa opisyal na inihayag nina Kathryn at Daniel ang kanilang paghihiwalay matapos ang labing-isang taon.
Nanatiling tikom ang bibig ni Daniel sa isyung cheater siya, kung saan lumitaw ang pangalan ng kung sinu-sino, kabilang si Andrea Brillantes. Deadma rin siya sa isa pang intriga tungkol sa kanyang kargada.
Read: End of KathNiel Era: A timeline of their generation's hottest box-office love team
Mabango pa rin ang pangalan ni Kathryn sa advertisers, at heto nga, balitang magsusyuting sila ni Alden ng sequel ng Hello, Love, Goodbye sa Hong Kong at Canada.
Ewan kung totoo ang naulinigan nating magsasama-sama sa isang maaksyong Kapamilya teleserye sina Daniel, Richard Gutierrez, Enrique Gil, at Ian Veneracion.
Tingnan natin kung saan pupulutin ang career ni Daniel.
