PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Francine Diaz at Seth Fedelin, paano nagkakampihan sa bashers?

Francine, nagsusumbong at umiiyak ba kay Seth?
by PEP Troika
Published Apr 28, 2024
francine diaz seth fedelin my future you
Seth Fedelin on handling issues with loveteam partner Francine Diaz: "Ang team po ni Francine, ang team ko po, magkakaibigan, iisa ang gusto. Lahat po sila ay iisa ang pangarap para sa amin. Lahat po sila, sinusuportahan kami. So, kung dumating sa punto po na may naging nega, hindi lang po kaming dalawa ang magsasalita sa isa’t isa. Marami po."
PHOTO/S: Regal Entertainment Inc. Facebook

GORGY RULA

Tuloy na tuloy na raw ang shooting ng pelikulang My Future You nina Francine Diaz at Seth Fedelin under Regal Entertainment, Inc. na ididirek ni Crisanto B. Aquino.

Nakapag-script reading na sila at look test, at excited mismo si Roselle Monteverde ng Regal dahil ang gaganda raw ng feedback nang nalamang igagawa niya ng pelikula ang FranSeth tandem.

Sa nakaraang story conference ng naturang movie project, malinaw na magandang friendship lang ang meron sa FranSeth. Pero na-curious kami sa binitiwang pahayag ni Seth na maganda ang kanilang relasyon ni Francine at nagkakampihan silang dalawa.

Sa gitna ng mga isyung hinarap nila, at may mga sinusuong pa silang bashing, nandiyan daw ang kampihan nila sa isa’t isa. Paano nga ba sila nagkakampihan?

Paliwanag ni Seth: “Hindi lang naman po kami ni Francine ang magkakampi. Meron pong tao sa paligid namin, which is pamilya po ni Francine, pamilya ko po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang team po ni Francine, ang team ko po, magkakaibigan, iisa ang gusto. Lahat po sila ay iisa ang pangarap para sa amin. Lahat po sila, sinusuportahan kami.

“So, kung dumating sa punto po na may naging nega, hindi lang po kaming dalawa ang magsasalita sa isa’t isa. Marami po.

“At ang bukambibig po sa amin ng mga taong nasa paligid namin, galingan namin palagi. Ginusto namin ito, pangarap namin ito, pangarap nila sa amin.

“Masaya kami dito, mas masaya sila para sa amin. Dun pa lang malaking bagay na napagkakasunduan na namin ni Francine… na ginagawa namin ito para sa sarili namin, para sa pamilya namin…

“Para sa FranSeth, at siyempre para sa mga taong patuloy na nagtitiwala sa amin, patuloy na inaabangan kami at nagmamahal po sa amin.”

Read: Seth Fedelin, hindi pine-pressure ang sariling makarelasyon si Francine Diaz

Hindi na nagdagdag ng pahayag si Francine sa mga sinabi ni Seth. Maingat siya sa mga sagot niya, at pinapaiwas pa sa amin ang ibang mga intriga lalo na yung mga bashing sa kanila ni Seth.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero sinundan pa rin namin ng tanong si Francine kung meron bang pagkakataong umiyak siya kay Seth at nagsusumbong.

“I would say na more than umiiyak is napipigilan niya yun. Nate-turn niya into laughter,” tipid na sagot ni Francine.

Sambot ni Seth, “Hindi siya nagsusumbong. Nararamdaman ko si Francine. Hindi na niya kailangang magsumbong sa akin.”

Read: Jayda Avanzado not on speaking terms with Francine Diaz

NOEL FERRER

Kasama ng FranSeth sa pelikulang My Future You sina Christian Vazquez, Almira Muhlach, Bodjie Pascua, Pewee Quijano, Marcus Madrigal, at Vance Larena.

my future you cast

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

My Future You cast: (from left) Vance Larena, Christian Vazquez, Almira Muhlach, Francine Diaz, Regal Entertainment producer Roselle Monteverde, Seth Fedelin, director Crisanto B. Aquino, Bodjie Pascua, Peewee Quijano, and Marcus Madrigal

Sa storycon ay hindi nakaligtas si Christian sa ibinansag siyang "Pambansang Pambasa" ng "kiffy." Natawa na lang ang aktor sa titulong ibinigay sa kanya.

“Wala yun! Mga kalokohan lang nila yun. Wala yun. Ayokong sabihin na nakakatuwa. Mga joke-joke lang nila yun.

“Huwag niyo nang pansinin yun! Mga anu-ano lang yun!” natatawang pahayag ni Christian.

Teka nga, what’s kiffy po pala ,Tito?

Read: Christian Vazquez reacts to hilarious comment about being “pambansang pambasa"

JERRY OLEA

Sa pelikulang Patay Na Si Hesus (2016) ay nagtanong ang isang bata kung ano ba ang “puke.”

Sa takbo ng usapan, pinalabas na pinaikli iyong Pokemon. Siyempre pa, nilabasan iyon ng punchline afterward.

May joke din online na tinanong ng isang clueless mommy sa anak niyang lalaki kung ano ba ang “kiffy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang sey ng anak, pinaarteng CP o cellphone iyon.

Kaya sa Facebook post ng isang pastor tungkol sa isang Bible verse, ang comment ni clueless mommy ay like ng kiffy niya ang message ni pastor. Akala raw tuloy ng misis ni pastor ay kabit ni pastor si clueless mommy.

Tungkol sa FranSeth, abang-abang tayo kung may future sa takilya ang kanilang Regal movie.

Noong nag-uumpisa pa lang si Seth, ang gawi at styling niya ay mala-Daniel Padilla. Susundan ba ni Seth ang mga yapak ni Daniel?

May chance ba ang FranSeth na mapantayan man lang ang na-achieve ng KathNiel tandem?

Read: Francine Diaz at Seth Fedelin, ayaw makumpara sa KathNiel

Ano kaya ang insights dito ng masusugid na supporters nina Andrea Brillantes at Kyle Echarri?

Read: Andrea Brillantes clarifies she and Kyle Echarri are not a love team

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Seth Fedelin on handling issues with loveteam partner Francine Diaz: "Ang team po ni Francine, ang team ko po, magkakaibigan, iisa ang gusto. Lahat po sila ay iisa ang pangarap para sa amin. Lahat po sila, sinusuportahan kami. So, kung dumating sa punto po na may naging nega, hindi lang po kaming dalawa ang magsasalita sa isa’t isa. Marami po."
PHOTO/S: Regal Entertainment Inc. Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results