PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Yasmien Kurdi, bakit Raya Layla ang ipinangalan sa second baby?

Mabuti na lang daw at nag-CS siya sa panganganak.
by PEP Troika
Published May 4, 2024
Yasmien Kurdin on the operating table as she was giving birth to her second baby Raya Layla.
Sa posts ni Yasmien Kurdi sa kanyang social media (kaliwa), nagpapasalamat siya sa matagumpay na Caesarian Section (CS) operation na ginawa sa kanya para mailuwal ang pangalawang baby nila ng asawang si Rey Soldevilla na si Baby Raya Layla (kanan).
PHOTO/S: @yasmien_kurdi Instagram

GORGY RULA

Tuwang-tuwa ang Kapuso actress/singer na si Yasmien Kurdi nang nagkuwento sa aming magkaiba ng tingin ang mommy niya at ang kanyang biyenan sa kung sino ang kamukha ng baby niyang si Raya Layla.

Iniluwal si Raya Layla noong April 28, Linggo, 3:06 PM.

Read: Yasmien Kurdi welcomes second baby girl through C-section

Ang sabi raw ng mommy niya, kamukha niya noong baby pa siya. Pero ang sabi naman daw ng biyenan, kamukha ng asawa niyang si Rey Soldevilla noong baby pa ito.

“Ikaw na magsabi, Tito, kung sino ang mas kamukha hehehe!” text sa akin ni Yasmien, pagkatapos niyang ipinadala ang litrato ng baby.

Kuha raw iyon nung pagkalabas ng delivery room.
Iyon daw ang first picture ng kanyang baby.

Sabi ni Yasmien sa ipinost sa kanyang social media account, gusto niya talagang maging normal ang panganganak niya. Pero manipis pa raw ang scar niya sa unang caesarian operation nung ipinanganak niya si Ayesha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi po siya pasok sa criteria na ibinigay sa akin ng doctor for VBAC.

“Pinili ko na po ang May 1 for Raya’s delivery…sabay sana ng birthmonth ng Daddy. Kaso, napaaga po ang labor ko.

"April 28 ng madaling araw, tumitindi na po ang contractions ko at dumadalas na siya pagdating ng umaga.

“Kaya sinugod na po ako ni Rey sa hospital. Dun na rin po kami nag-decide na ituloy na ang CS for Raya’s delivery,” text uli sa akin ni Yasmien.

Ang sabi pa ng Kapuso singer/actress, mas mahirap pa rin daw ang panganganak niya sa panganay nilang anak na si Ayesha.

Medyo nahirapan lang daw itong recovery niya kay Raya dahil pangalawang caesarian operation na niya ito.

“Ganun po ata habang dumadami ang pagdadaanan ng CS ay mas pahirap nang pahirap, at saka factor na rin po ang age,” sabi pa uli ni Yasmien.

May timbang daw na 6.8 pounds si Baby Raya.

Raya Layla daw ang ipinangalan niya dahil ito ay kumbinasyon ng mga pangalan nila ng asawa niya at ni Ayesha ang Raya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Layla naman ay pangalan daw ng lola niya sa kanyang daddy na namayapa nung pandemic.

Matatagalan pa raw siyang makabalik sa trabaho dahil kailangan niyang mag-focus sa pag-alaga kay Baby Raya.

NOEL FERRER

With Lion King as the background music and images, ipinaliwanag ni Yasmien kung bakit at paano naging Raya Layla ang kanyang anak.

Ang sabi niya: “Raya Layla ang name ng baby, Raya kasi combination ng name namin tatlo ni Ayesha, Yas, and Rey. 'Tapos Raya means Queen or Friend at the same time inspired din siya na sa #RayaandTheLastDragon na may friend siyang #WaterDragon (na si Ayesha yun kasi Water Dragon si AZ)

“Layla naman comes from arabic word ‘Layl’ which means night or dark… The name also came from my grandma (father’s side), she passed away during pandemic… siya yung nag expose sakin sa kitchen at a young age kasi magaling magluto yun. Kaya favorite hero ko sa #Layla sa ML” Basta, congratulations sa pamilya Soldevilla sa pagdating ni Raya Layla!!!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!


JERRY OLEA

Detalyado ang paliwanag ni Yasmien sa Facebook kung bakit nagpa-CS siyang muli.

Aniya, “I wanted to have VBAC or Normal delivery this time on my 2nd pregnancy. After series of tests nalaman namin na manipis pa din pala ang CS scar ko even after 11 years — not a good indication.

“Di na namin itinuloy because of many high-risk possible scenarios and we opted for CS the day I labored. We also found out during the procedure that the baby had a cord coil.

“It actually was a good call that we opted [for] CS because if we tried VBAC we would have ended up doing CS still.

“A caesarian (C-Section) is a life-saving procedure for women like me.. I chose to do whatever it took to get my baby out healthy and safe!

"I would like to thank my doctors, Dra. Judy Ann Uy De Luna, Dr. Placido, Dr. Marzo and to all the doctors and nurses who assisted during my CS procedure.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Agad ding ipinost ni Yasmien sa FB ang mukha ng pangalawang baby nila ni Rey, si Raya Layla na “the new ruler of the cutie pies.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa posts ni Yasmien Kurdi sa kanyang social media (kaliwa), nagpapasalamat siya sa matagumpay na Caesarian Section (CS) operation na ginawa sa kanya para mailuwal ang pangalawang baby nila ng asawang si Rey Soldevilla na si Baby Raya Layla (kanan).
PHOTO/S: @yasmien_kurdi Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results