GORGY RULA
Ramdam kong napagod na si Paolo Contis sa kasasagot sa akin tungkol sa isyung hiwalay na raw sila ni Yen Santos.
Dalawang linggo pa lang ang nakararaan nang sinabi ni Paolo na magkakahiwalay silang magkasintahan dahil paalis siya papuntang Bicol para sa shooting ng pelikulang gagawin niya sa Mavx Productions.
Kasama niya rito si Elisse Joson. May tentative title itong Kito Kita. Saka na raw niya ie-explain sa akin kung bakit yun ang title ng pelikula sa direksiyon ni Noah Tonga.
Nung umalis siya pa-Bicol ay umuwi muna ng Cabanatuan si Yen dahil walang kasama ang aktres sa Maynila kaya pansamantala silang nagkahiwalay.
Ngayon ay nakabalik na ang Kapuso actor, at back to work na raw siya para mag-taping sa Bubble Gang. Nandito na rin uli si Yen.
YEN SANTOS DELETES BIRTHDAY POST FOR PAOLO CONTIS
Pinagdududahan na naman silang magkahiwalay dahil sa ini-scoop sa isang blog na dinelete daw ni Yen ang birthday IG post niya kay Paolo.
Noong nakaraang Marso ang kaarawan ni Paolo at marami ang pumik-ap sa post ni Yen nang binati ito sa kanyang kaarawan. Pero tinanggal na pala ito ni Yen.
In-assume ng iba na hiwalay na silang dalawa.
Read: Yen Santos posts “screaming happy 40th birthday” message for “best friend” Paolo Contis
Tinanong ko kay Paolo ang tungkol dito, at aware pala siyang tinanggal ni Yen ang birthday post nito sa kanya. Matagal na raw natanggal ang birthday post na iyon, hindi raw alam ng aktor kung ano ang dahilan.
Tila hindi na siya naninibago sa pag-delete ni Yen ng ibang ipinu-post nito sa Instagram, dahil hindi lang daw yung birthday post ang natanggal, kundi meron pang iba.
Kunsabagay, hindi naman nakabase roon ang isang relasyon.
Ang in-assure sa akin ni Paolo, sila pa rin ni Yen at okay raw sila. Mas gusto rin nilang tahimik lang.
Ayaw nga ni Paolo pag-usapan pa ito, at baka isipin ng ibang gagamitin lang ito sa promo ng pelikula niyang Fuchsia Libre.
“Iyon [Fuchsia Libre] na lang itanong mo sa akin,” parang naiinis na niyang text sa akin.
Puspusan na rin kasi ang promo ng pelikulang Fuchsia Libre under Mavx Productions. Magso-showing na ito sa mga sinehan sa Mayo 15.

JERRY OLEA
Nananahimik si Yen Santos pero ayaw tantanan ng bashers, haters, at fake news peddlers.
Low profile lang si Yen pero ang mga mema at hitad, kung anu-ano ang naiimbentong hanash at kuda.
Para bang ang dami nilang alam kapag napautot sila o tumingala sa ulap.
Read: Paolo Contis on hard-hitting criticisms from bashers: "Alam ko naman ang mali ko."
NOEL FERRER
Last Sunday ay nag-guest sina Paolo at Gian Magdangal sa The Boobay and Tekla Show. Masaya ang segment nila, dahil kampante sina Paolo kina Boobay at Super Tekla.
Magpo-promote din kaya si Paolo sa It’s Showtime?
Sinabi naman ni Paolo noon na gusto rin niyang umapir sa It’s Showtime, at tamang-tama, may dahilan para mag-guest siya dahil sa pinu-promote niya itong pelikula niyang Fuchsia Libre.
And besides, sabi naman ng mga may-ari ng networks, wala na raw network war, di ba?
Aabangan natin kung matutuloy at magkakatulungan ang mga ito!
