PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Boy Abunda araw-araw pa ring kinakausap ang namayapang ina

Today mappanood ang My Mother, My Story niya sa GMA-7.
by PEP Troika
Published May 12, 2024
boy abunda with his nanay lesing, who passed away in 2019
Ang My Mother, My Story special sa GMA-7 ay pagpupugay ni Boy Abunda sa mga ina, kabilang ang pinakamamahal niyang Nanay Lesing, na pumanaw noong 2019.
PHOTO/S: Boy Abunda on Facebook

GORGY RULA

Ngayong May 12, 2024, Linggo, at 3:15 p.m., mapapanood sa GMA-7 ang My Mother, My Story ni Boy Abunda na very personal sa kanya.

Sabi ng King of Talk sa nakaraang media conference ng naturang limited talk series, halos lahat tayo ay malapit sa ating ina.

Pagpupugay rin ito ni Kuya Boy sa kanyang Nanay Lesing na pumanaw halos tatlong taon na ang nakaraan.

Marami siyang binanggit na gusto niyang makapanayam para sa special na ito, pero baka isa sa mga episodes o sa finale episode ay itatampok ang kuwento ng kanyang ina.

Sino ang gusto niyang mag-interview sa kanya para sa special na ito?

“Ang kaibigang Jessica [Soho] kung pagbibigyan niya ako,” pakli ni Kuya Boy.

Sinundan namin ng tanong kung paano niya idi-describe si Nanay Lesing in three words.

“Nanay was funny. She’s strong, and she’s kind,” kaagad niyang sagot.

BOY ABUNDA'S TOOTHPICK STORY

Marami siyang fondest memories sa kanyang ina, pero ang isa sa dala-dala niya hanggang ngayon ay ang hilig sa paggamit ng toothpick.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Memories, ang unang pumasok sa isipan ko, ang hilig ko sa toothpick,” napagiting pakli ni Kuya Boy.

“Pagkakain, hindi ako marunong gumamit ng floss, nasasaktan ako. Ang nanay, pagkakain, automatic, may toothpick.

"And I would catch myself, halimbawa, minsan, hindi pa nga ako kumakain, naglalaro na ng toothpick. That was Nanay.”

Boy Abunda and his mom Licerna Abunda

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Itong paggamit ng toothpick ang isa sa namana niya sa kanyang ina.

“Yung toothpick na iyan, may kuwento siya na paulit-ulit na alam na namin…Sa bahay namin, kapatid ko. Alam na namin, pero paulit-ulit niyang kinukuwento, tawa siya nang tawa sa sarili niyang kuwento.

"Na meron daw dalawang pamilya sa restaurant, isang mayaman, isang mahirap. Tapos lahat daw na order ng mayaman, ginagaya ng mahirap,” patuloy niyang kuwento na nagpa-sample pa ng kung ano yung ino-order ng mayaman na ginagaya ng mahirap na pamilya.

“Pagkatapos ng dinner, sabi ng mayaman, ‘Pahingi nga ng toothpick.’ Nanay would laugh. Tawa lang siya nang tawa dun.

“That’s a memory because kahit gaano kahirap ang pinagdaanan ng Nanay sa buhay ay yun, nakakahanap ka ng dahilan para maging masaya,” saad ng King of Talk Boy Abunda.

Read:

Iris Mittenaere announces breakup with fiancé Diego El Glaoui

Netizens speculate about Vice Ganda suing Cristy Fermin

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA

BOY ABUNDA'S MOM STILL PART OF HIS DAILY LIFE

Bahagi pa rin sa pang-araw araw na buhay ni Tito Boy Abunda ang kanyang ina.

Ilang beses niyang sinasabing ayaw niyang mawala ang sakit na nararamdaman niya sa pagkawala ng kanyang ina.

Bahagi ng kanyang tahanan ang alaala ng kanyang ina.

"Dumarating ako ng bahay, ang kaharap ko ang litrato ng ng Nanay,” lahad ni Tito Boy.

“Pag-akyat ko ng second floor, nandun ang… it’s goodbye, good morning, Nay alis na ako, Nay bless me, Nay give me the words, Nay ganun.

“I’m not obsessed. It is not the defense, no? I’m not. I said this before, and I will say it again.

“I don’t want the pain thrown. I want to bear the pain because it is the physical connection I have with my mother. For as long as the pain is here, I’m good.

“Every time I make a decision, I always say, ‘Ano kaya ang sasabihin ni Nanay? Ano kaya ang gagawin ng Nanay sa pagkakataon na ito?’ She was a problem solver.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napagsabihan na raw siya ng ilang kaibigan na mag-ingat din siya at baka makaapekto ito sa kanyang mental health.

Alam daw niya, at gusto niyang mananatili, dahil nandiyan ang presensiya ni Nanay Lesing.

Read:

Stories of 10 single mothers defying the odds

15 celebrity single moms share life lessons

NOEL FERRER

Ang isa lang sa pinanghinayangan daw niya ay may mga bagay na hindi nila puspusang napag-usapan gaya ng pagiging miyembro ng LGBTQIA+ at ang tunay na relasyon nila ng kanyang partner na si Bong Quintana.

“Hindi namin napag-usapan ng nanay ko yung journey ko as a gayman. But I knew she knew it.

“She loved Bong like her own son. Meron lang siya na sinabi sa akin na alagaan ko si Bong.

“Light lang ang pagkasabi niya, ‘Mag-alagaan kayo.’ She had more conversations with Bong. Nagtatawanan sila.

“May tiwala siya kay Bong. Kapag umuuwi kami ng Samar, because Bong was a flight steward. Minsan nga nagseselos na ako,” napangiti niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I would love to talk to Nanay about being gay. Gusto ko sanang ipaliwanag sa kanya kung bakit hindi kami puwedeng ikasal.

“Gusto ko rin ipaliwanag sa kanya kung bakit ganito na lang ang nangyari. Ang dami kong kaalaman sa estado ng buhay ko ngayon na sana napag-usapan namin,” patuloy na pahayag ni Boy.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang My Mother, My Story special sa GMA-7 ay pagpupugay ni Boy Abunda sa mga ina, kabilang ang pinakamamahal niyang Nanay Lesing, na pumanaw noong 2019.
PHOTO/S: Boy Abunda on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results