PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Claudine Barretto on Gretchen entering politics: "Hindi."

Congresswoman daw sa Manila?
by PEP Troika
Published May 14, 2024
Claudine Barretto with Gretchen Barretto
Tingin ni Claudine Barretto (L), hindi totoo ang balitang tatakbo ang ate niyang si Gretchen Barretto (R) bilang congresswoman sa Manila.
PHOTO/S: Gerry Olea; @claubarretto on Instagram

GORGY RULA

Nagulat si Claudine Barretto sa balitang nakarating sa kanya na tatakbo raw sa darating na eleksiyon ang ate niyang si Gretchen Barretto.

Ang kumalat na balita ay tatakbo raw itong congresswoman sa Maynila. Hindi lang alam kung saang distrito.

Read: Claudine Barretto greets sister Gretchen Barretto on her 54th birthday; Gretchen celebrates with Atong Ang and friends

CLAUDINE ON GRETCHEN'S REPORTED ENTRY TO POLITICS

Pero ayon kay Claudine, hindi raw ito totoo.

"Tingin ko, hindi. Hindi siguro. Ako, ha? By now siguro kung ma-establish siguro, sana. Pero wala,” pakli ni Claudine nang sandaling nakatsikahan siya ng PEP Troika sa nakaraang premiere night ng pelikulang When Magic Hurts na ginanap sa NE Pacific Mall sa Cabanatuan City, noong Linggo, May 12, 2024.

Pero sakaling totoo na binabalak ni Gretchen na pasukin ang pulitika, tiyak naman daw na susuportahan niya ang kapatid.

"Of course naman! Puwede ba namang hindi,” kaagad na sagot ni Claudine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Okay naman daw sila ng kanyang ate Gretchen.

Bago ang red-carpet premiere ng When Magic Hurts, nagkaroon muna ng mall show sa ibaba ng cinema, at si Claudine ang inabangan ng lahat.

Akala namin hindi na siya makakahabol dahil nakatulog pala ito pagkatapos nilang mag-lunch. Napagod daw kasi after ng motorcade nila nung umaga.

Pero nakarating si Claudine bitbit ang dalawa niyang anak na sina Noah at Aryanna, na kasali rin sa pelikula.

Claudine Barretto with Gretchen Barretto

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Doon na raw nila isi-celebrate ang Mother’s Day, pero hindi na nakasama sina Santino at Sabina, na parehong nagpaiwan sa bahay.

Excited na raw siyang mapanood ang pelikula dahil sa anak niyang si Aryanna, na umani ng papuri dahil sa kanyang pag-arte.

Tuluy-tuloy ang promo ng When Magic Hurts dahil sa May 22 na ang showing nito.

Sa pelikulang ito ilulunsad ang tambalan nina Mutya Orquia at Beaver Magtalas, at kasama rin dito sina Maxine Trinidad, Dennis Padilla, Angelica Jones, Orlando Sol, at mga baguhang talents nilang sina Dennah Bautista at Mohaira Sanama, sa ilalim ng direksyon ni Gabby Ramos.

(L-R) Maxine Trinidad, Beaver Magtalas, and Mutya Orquia

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

CLAUDINE BARRETTO CHOOSES SHOWBIZ OVER POLITICS

Naniniwala si Claudine na hindi tatakbo si Gretchen sa eleksiyon dahil sa tingin niya, hindi para sa kanila ang pulitika.

Kagaya nung pinasok niya nung nakaraang eleksiyon, leksiyon na rin daw ito sa kanya. Kaya hindi na raw niya ito babalikan.

“Wala. Pag hindi sa iyo, hindi talaga,” sambit ni Claudine. Masaya na raw siya sa mga sunud-sunod na projects na gagawin niya.

May gagawin daw siyang apat na pelikula at isang teleserye.

“Hindi pa na-discuss sa akin ni ALV [Arnold L. Vegafria] yung series,” pakli ni Claudine.

NOEL FERRER

Suportado talaga ng mga taga-Cabanatuan itong When Magic Hurts dahil sa ABS-CBN Star Hunt actor na si Beaver Magtalas, na taga-Nueva Ecija.

Nakadalawang screening ito nung Linggo, at napuno ang tatlong sinehan.

“I’m really happy na nabigyan ng opportunity to show it here na, of course, this is my first big movie po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So I want to show it po sa mga kapwa Nueva Ecijano po, and, of course to my friends and family here, hindi na po nila kailangang lumuwas to see it,” pahayag ni Beaver.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tingin ni Claudine Barretto (L), hindi totoo ang balitang tatakbo ang ate niyang si Gretchen Barretto (R) bilang congresswoman sa Manila.
PHOTO/S: Gerry Olea; @claubarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results