GORGY RULA
Happy birthday kay Julie Anne San Jose na nagdiriwang ng kanyang 30th birthday ngayong araw, May 17, 2024.
Kuwento sa amin ng ilang malapit kay Julie Anne, nag-dinner date daw ang singer-actress at ang boyfriend niyang si Rayver Cruz noong Huwebes ng gabi, May 16.
Read: Rayver Cruz: "Yes, I will marry Julie Anne San Jose."
Pagkauwi raw nila, bago mag-alas dose ay nag-surprise si Rayver via Zoom ng kantang "Happy Birthday" na itinugtog niya sa kanyang electric guitar.
Wala naman daw bonggang celebration si Julie Anne sa kanyang kaarawan. Magkakaroon lang daw ng dinner kasama ang pamilya, at malamang ka-join din si Rayver.
Sa Instagram, meron din siyempreng special birthday greeting si Rayver para kay Julie Anne.
Mensahe niya: "To my best friend, my constant, my soulmate and my love. Happy happy birthday to you! You are now officially 30 yay hehe!
"Couldn’t be more prouder mahal. Alam mo namang andito lang ako palagi sa tabi mo kahit ano mangyari.
"Palagi ko na sinasabi toh pero ndi ako mag sasawa na maging number 1 fan mo for life, thank you so much kasi araw araw mong pinapasaya ang puso ko... mahal na mahal kita my Limitless Star"
View this post on Instagram
JULIE ANNE'S RALIZATIONS ON HER BIRTHDAY
Nagpadala kami ng ilang taong para kay Julie Anne, at kaagad niyang sinagot ang PEP Troika.
Ano ang mga realization niya sa buhay ngayong 30 na siya? Anong mababago sa kanya? Sabi nga ng ilan, ‘life begins at 30’ na ba?
Sabi ni Julie Anne, “I guess po, mas mature na mag-isip, and mas responsible since adulting na, and with the help of my parents na nandiyan palagi sa tabi ko to guide me sa lahat ng mga decisions in life.”
Nakikita namang seryoso na ang relasyon nila ni Rayver, marrying age na ba sa kanya ang 30?
“For some people maybe, maybe not. But for me, hindi dapat minamadali ang pagpapakasal, in God’s time yun kapag naramdaman niyo na pareho na ready na sa panibagong chapter ng buhay together,” text ni Julie Anne sa PEP Troika.
Read: Julie Anne San Jose and Rayver Cruz: Better together
JERRY OLEA
Malapit nang magsimula ang Season 6 ng The Clash, kung saan dito nagkadebelopan sina Julie Anne at Rayver.
Limang taon na rin silang hosts nito, at ang tantiya ng PEP Troika ay tatlong taon na silang magkarelasyon.
Tuluy-tuloy pa ang projects na pagsasamahan nilang dalawa. Isa na rito ang concert tour ng Sparkle sa Amerika.
Makakasama nila rito sina Alden Richards, Ai-Ai delas Alas, Isko Moreno, at Boobay.
Nakatakda ang Sparkle Goes to USA sa August 9 sa Anaheim, California, at sa August 10 naman sa San Francisco, California.

NOEL FERRER
Puring-puri ni Maestro Ryan Cayabyab si Julie Anne nang mag-guest ang Kapuso singer-actress sa Gen C concert ng National Artist for Music noong Mayo 12, kung saan kinanta nito ang "Kailan."
First time nakatrabaho ni Mr. C si Julie Anne at puring-puri niya ito.
Sinabi ni Mr. C sa ilang interviews na nagulat siyang ang ganda pala ng boses ng Limitless Star.
Kaya wish ng mga fans ni Julie Anne, pati ang JulieVer fans, na sana ay magka-concert ito na makakasama niya uli si Mr. C at iba pang bigating veteran singers.
