GORGY RULA
Nakakapanlumo ang sinapit ng local films na nagbukas noong June 12, 2024, Wednesday, na holiday pa naman.
Magkasabay na nag-showing ang Playtime ng GMA Pictures at Viva Films, at ang Fruitcake ng Cornerstone.
Read: Xian Lim, na-playtime na ba pagdating sa love life?
Hindi ko nakuha ang exact figures ng kinita ng mga ito sa first day of showing, pero ang layo ng lamang ng nakasabay nilang Hollywood film, ang Inside Out 2, na malakas talaga worldwide.

HOLLYWOOD MOVIES VS PINOY FILMS
Ipinost ni Atty. Joji Alonso ng Quantum Films sa kanyang Facebook account na malakas ang first day of showing ng Inside Out 2.
Aniya, “Inside Out 2 grosses almost 90M on its first day. So people do watch films that they like. Regardless of ticket prices.
“What’s next for Filipino Films?”
Nagkomento sa post niya si Mark Reyes na direktor ng Playtime.
Ayon kay Direk Mark, “If only Pinoys give Pinoy films a chance. And stop the toxicity of equating their personal lives of celebrities from their movie projects.”
Ang lead actor ng Playtime ay ang kontrobersiyal ngayong si Xian Lim.
Read: Xian Lim, nilinaw na si Kim Chiu ang nag-initiate ng kanilang breakup

HOW TO MAKE MILLIONS BEFORE GRANDMA DIES
Pumapalo pa rin sa SM cinemas ang Thai movie na How To Make Millions Before Grandma Dies.
Nung Miyerkules ay naka-PHP2M pa ito, at ang total run nito ay naka-PHP39M, ayon sa aming reliable source.
Read: Usha Seamkhum, 78, instant box-office star sa hit movie

Napagtanto na rin ng ilang film producers na dapat ay maganda at nagustuhan ng mga manonood ang pelikula para tangkilikin nila ito.
Iyon din kasi ang sinasabi ng iba na napakamahal ng ticket sa sinehan, kaya dapat na sulit ang pelikulang pinapanood nila.
Kaya huwag natin isisi sa napakaraming streaming service, mga napapanood sa TV, at pati na rin sa film piracy.
Basta gandahan lang ang pelikula, puwede talaga itong tumabo sa takilya.
NOEL FERRER
Kahit ang baguhang producer kagaya ni Sylvia Sanchez ay nagsabing mahirap iasa ang kikitain sa mga sinehan.
Marami naman daw platforms na puwedeng pagbentahan ng pelikula, o kaya sumali sa Metro Manila Film Festival, dahil dito lang talaga posibleng kumite ang pelikula natin. Kaya patuloy pa rin daw siya sa pagpo-produce at pag-distribute ng pelikula.
“Sa theatrical, mahina talaga. Bihira talaga kumita ang mga movie ngayon sa theatrical, except Metro Manila Filmfest.
“So, kung gusto mong kumita, sumama ka dun. Kasi nandun talaga yun, di ba?
“E, itong pagpo-produce ko naman ang target ko, hindi naman theatrical, e. Kundi iba-ibang platforms. Kasi amin yung pelikula na kami distributor. Amin for 7 years.
“Basta maganda lang yung movie mo, kaya mong ibenta yun,” pahayag ni Sylvia.
Read: Sylvia Sanchez, isinama sina Maine at Zanjoe sa Nathan Studios
JERRY OLEA
Walang promo sa Pilipinas ang Thai movie na How To Make Millions Before Grandma Dies.
Exclusive ang showing sa SM cinemas.
Dahil sa word of mouth, more and more ang nanonood. Patok ang gimik na may giveaways na tissues sa moviegoers.
Noong una’y P275 ang ticket price for How To Make Millions Before Grandma Dies. May kasama na iyong isang bote ng mineral water.
Ibinaba later on sa P230 ang presyo ng tiket.
Highly recommended ng PEP Troika ang nasabing Thai drama film.
Anlakas-lakas ng animated film na Inside Out nang mag-showing noong 2015. Umabot sa $859M ang worldwide gross nito — seventh highest grossing film of that year. Kaya marami ang nag-aabang sa sequel nito.
E, positibo pa ang reviews dito. Bonggang-bongga ang pre-selling.
Kaya hindi nakapagtataka kung pinulot man sa kamotehan ang dalawang Pinoy films na nakipagsalpukan sa Inside Out 2.
