PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Derek Ramsay, ano ibig sabihin ng "Judgment day!" IG post?

May kinalaman ba ito sa napapabalitang pagbubuntis ni Ellen Adarna?
by PEP Troika
Published Jun 22, 2024
ellen adarna derek ramsay judgment day
Derek Ramsay intrigues netizens by posting on Instagram his prenup photo with wife Ellen Adarna and wrote "Judgment day!" as caption.
PHOTO/S: @ramsayderek07 on Instagram

GORGY RULA

Naintriga kami sa ipinost ni Derek Ramsay sa kanyang Instagram account ngayong Sabado, Hunyo 22, 2024.

Nag-post si Derek ng prenuptial pictorial nila ni Ellen Adarna at ang nasa caption nito ay “Judgment day!”

Akala namin, may magandang balita na silang ibabahagi, lalo na ang napapabalitang pagbubuntis diumano ni Ellen.

Read: Ellen Adarna, ilang buwan nang buntis?

Iba naman pala.

Itong “Judgment day,” ayon sa ilang taong napagtanungan ng PEP Troika, ay araw raw nag-decide sina Derek at Ellen na magpakasal na.

DEREK AND ELLEN'S WHIRLWIND ROMANCE

Napakabilis kasi ng mga pangyayari. Wala pang isang taon noon ang kanilang relasyon, nag-propose na si Derek at kaagad pinagdesisyunan kung kailan ang kasal.

Read: Derek Ramsay and Ellen Adarna are now engaged

Nagpakasal sina Derek at Ellen sa isang resort sa Bagac, Bataan, noong November 11, 2021.

ellen adarna derek ramsay weding
Ellen Adarna and Derek Ramsay tied the knot on November 11, 2021.
Photo/s: @teampatdy11 on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Awesome details at ultra chic Ellen Adarna-Derek Ramsay wedding

Mahigit dalawang taon na ang nakararaan kaya tama lang na magka-baby na sila, at sana nga ay ito na ang ibubulagang balita sa atin ng mag-asawa sa mga susunod na araw.

Karamihan sa comments sa IG post na ni Derek ay ina-assume na nilang buntis na si Ellen. Meron pang nanghuhula kung boy o girl ang ipinagbubuntis ng aktres, at meron pang baka kambal daw ito

Basta, masaya kami para sa mag-asawang Derek at Ellen kung matutupad ang wish nilang magkaroon ng baby sa Year of the Dragon.

JERRY OLEA

Kahit hindi na mag-artista sina Derek at Ellen ay makakapamuhay sila nang mariwasa. Masinop sila sa kanilang investments.

Kaya iyong pagkakaroon nila ng supling ay blessing sa kanilang pagmamahalan, at magpapatatag lalo sa kanilang samahan.

NOEL FERRER

Ke kasal man yun o anak, maligaya kami para sa couple na ito na maayos at masaya ang pamumuhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana, biyayaan pa sila ng maraming taon ng pagsasama upang magsilbi silang inspirasyon sa couples — na sa kabila ng mga pagsubok ay nananatiling matatag at focus sa pagsasaayos ng buhay-pamilya.

All the best kina Derek Ramsay at Ellen Adarna!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay intrigues netizens by posting on Instagram his prenup photo with wife Ellen Adarna and wrote "Judgment day!" as caption.
PHOTO/S: @ramsayderek07 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results