GORGY RULA:
Kinulit ko ang businesswoman at philanthropist na si Miss Pinky Tobiano tungkol sa ipinost niya noong Hulyo 6, 2024, Sabado na kuha sa meeting nila kasama ang dating Ilocos Sur Governor na si Chavit Singson at ang GMA Network Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide and Support Group na si Atty. Annette Gozon-Valdes.
Kasama si meeting si Ms. Pinky na sinabi niyang may niluluto silang malaking film project.

Hindi lang daw muna puwedeng sabihin sa ngayon dahil masyado pang maaga.
“Surprise! Basta super big project yan. Pasabog!” matipid na text sa akin ni Pinky Tobiano.
Si Ma’am Annette din ang President at CEO ng GMA Pictures, kaya kinulit ko rin kung para ba sa 50th Metro Manila Film Festival itong pinaghahandaan nilang project.
Hindi raw, sagot niya sa akin. Pero maganda raw itong collaboration nila sa malaking film project na gagawin nila.
Nagustuhan daw ng dating Ilocos Sur Governor ang konsepto ng project, at sa title pa lang daw ay gusto na nito.
“Gusto lang niya mag-cameo (laugh emoji),” text sa akin ni Atty. Annette.
Secret daw muna ang iba pang detalye, pero alam naming isang malaking pelikula ito.
CHAVIT TO FINALLY FULFILL LIFELONG DREAM TO PRODUCE MOVIES
Noon pa man ay sinasabi na ni Manong Chavit na gusto niyang pasukin ang film production. Hindi raw biopic niya itong gagawin nilang malaking film project.
Meron na siyang biopic na Chavit (2003) na pinagbidahan ni Cesar Montano, sa direksyon ni Carlo J. Caparas.
READ:
Chavit Singson raffling off PHP7 million on 83rd birthday
Chavit Singson recalls spending US$12 million for Miss Universe 2016
NOEL FERRER:
Magiging bahagi raw sa malaking proyektong ito si Pinky Tobiano.
Nasa IG live ni Pinky na tinatanong niya si Manong Chavit kung gusto ba nitong mag-artista.
“Ah hindi, gusto ko lang makakita ng artista,” natatawang pakli ng businessman/politician.
Sa IG live na iyun ay sumali rin sa usapan si Ma’am Annette na marami raw silang mga artistang ipapa-audition.
“Hindi ako puwedeng mag-absent diyan!” natatawang sambit ni Manong Chavit.
Ang sabi pa ni Pinky Tobiano, hindi lang itong pelikula ang collaboration nila sa GMA-7, kundi marami pa raw.
JERRY OLEA:
Nagdiwang si Hon. Luis “Chavit” Singson ng ika-83 kaarawan noong Hunyo 21, 2024.
Namudmod siya ng blessings! Meron siyang pa-raffle worth P7M. Anim na daan (600) ang nagkamit ng P10,000 each, at isa ang nagtamo ng grand prize na P1M.
Naka-post sa official Facebook page ni Manong Chavit ang winners.
Ang birthday message ni Pinky Tobiano na pinost sa Facebook noong Hunyo 22, “Happiest birthday to dearest Gov Luis Chavit Singson!!!!
“Thank you for being my constant guide, my Second Father and one of my best supporters.
“Thank you for always guiding me and protecting me and making sure I am always okay. ( even though I am so Makulit) and thank you for always being game to be part of my TikTok’s. ( ha ha ha)
“Thank you for always checking on me and making sure I am healthy .
“Thank you for always being there for me, Juanch Robles and my children Pianne Tobiano Sinfuego-Lavares and Karrel May Sinfuego.
“May you have the best health and long life….. WE LOVE YOU!!!”
CHAVIT TO BE HONORED AT 7TH EDDYS AWARDS
Pagkakalooban si Manong Chavit ng Isah V. Red Award sa 7th The EDDYS ngayong Hulyo 7, 2024, Linggo ng 7:00 pm sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts sa Pasay City.
Ang isa pang honoree ng Isah V. Red Award this year ay si Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Pagpupugayan din sa 7th The EDDYS tonight ang yumaong Carlo J. Caparas, na nagdirek ng biopic ni Manong Chavit.
READ:
Pinky Tobiano, galanteng ninang sa kasal ni Angeline Quinto
Atty. Annette Gozon-Valdes, sinabing posibleng "hindi matapos" ang Abot-Kamay Na Pangarap
