NOEL FERRER
Napakagandang tingnan na ang dalawang ipinagmamalaking gold medalists ng bansa natin, sina Hidilyn Diaz (Tokyo 2021) at Carlos Yulo (Paris 2024), ay nagkita at nagkausap sa day off nila sa Paris, France mismo.
While si Caloy ay tapos na sa kanyang kumpetisyon at naghihintay na lang sa closing ceremonies ng Paris Olympics, si Hidilyn naman ay lumipad sa Paris dahil siya ay officer ng International Weightlifting Federation bilang athletes’ representative na nagsu-supervise sa pag-officiate ng weightlifting events.
Read: Hidilyn Diaz congratulates Carlos Yulo on gold medal win

Bago pa man siya lumipad sa Paris, concerned si Haidie sa kalagayan ni Caloy lalo pa’t ate-ate siya nito at alam niya ang pinagdadaanang personal issues ng gymnast.
Buti na lang talaga at hindi nakaapekto ito sa performance ni Caloy sa kanyang mga laban.
Alam ko, ipinagdasal pa ni Haidie si Caloy at ang mga lalaban pang mga atletang Pinoy sa Shrine of our Lady of Miraculous Medal, at sinamahan pa siya ng mga madre sa pagdarasal sa mga kababayan nating manlalaro.
HIDILYN'S POST FOR CARLOS
Tama ang sinabi ni Haidie (Hidilyn) sa Instagram post niya, “Salamat Caloy sa napakaganda at napakasayang pag-uusap! Basta proud ako sa iyo, at lagi kitang ipagdarasal. #FeelingAteHaidieTalaga #ProudOfYouCaloy"
View this post on Instagram
Text naman sa akin ni Hidilyn, “I was happy to talk to him. Panatag ako na magiging ok siya sa pag-uwi niya, Sir!
"Mabait naman talagang bata si Caloy. Maganda ang aura niya nang magkita po kami.”
Sana, sana, magiging maayos ang lahat sa pagbabalik ni Caloy sa Pilipinas. Ipinapanalangin natin ito.
Read: Carlos Yulo breaks silence on money issue with his mother
GORGY RULA
Napag-usapan nga namin sa radio program namin sa DZRH itong isyu ni Carlos Yulo sa kanyang magulang.
Hati ang sentimiyento ng listeners namin.
May mga kumakampi at naaawa sa ina ni Carlos, pero mas marami ang naniniwala sa ating two-time Olympics gold medalist.
Naikukumpara na rin ito sa pagkapanalo ni Hidilyn noong Tokyo Olympics na talagang bahagi ang kanyang pamilya.
Engaged couple pa lamang nung panahong iyon sina Hidilyn at Julius Naranjo, pero hindi umeeksena ang huli, at nandiyan lang siya para sumuporta at tumulong sa training ni Hidilyn.
Read: Everything you need to know about Olympic weightlifter Hidilyn Diaz
Sana, napag-usapan nina Hidilyn at Carlos ang tungkol sa isyu ng gymnast sa kanyang pamilya at sana, napapayuhan din siya ng kanyang Ate Hidilyn.
Mas magiging positibo ang pag-uwi ni Carlos sa Pilipinas kung magkakasundo na silang pamilya, yung walang may dalang hinanakit sa isa’t isa.
Naniniwala pa rin ako na iba pa rin talaga ang pamilya. Kahit anumang tagumpay ang tinatamasa mo ngayon, malaking bagay kung magiging bahagi nito ang iyong pamilya.
Sana, magkaayos na sila at magkapatawaran na.
Sana ay magpa-low profile muna si girlfriend at tahimik lang na sumuporta at magbigay-inspirasyon kay Carlos. Remember, girlfriend pa lang siya, hindi pa asawa.
Siyangapala! Alam niyo bang pagkatapos humarap ni Angelica Yulo sa media sa presscon nito noong Miyerkules, Agosto 7, ay nagtinda pa ito ng mga damit sa ilang miyembro ng media?
Isang kaibigang vlogger ang nagkuwento sa aming nakabili siya ng tatlong T-shirts kay Angelica nung araw na yun.
Tuluy-tuloy pa rin daw ang patitinda ng mga magulang ni Carlos ng mga damit, at pagkain sa kanilang lugar.
Read: Carlos Yulo's mother Angelica offers tearful apology to son: "Patawad, anak."
JERRY OLEA
Sa Agosto 17, Sabado, ang parada ni Carlos Edriel Yulo sa Metro Manila. Inihahanda na ng MMDA ang float at traffic route.
Sa pagwawaging ito ni Carlos ng dalawang gintong medalya sa Paris Olympics, ilang Pinoy babies kaya na iluluwal ang papangalanang Carlos, Edriel, o Carlos Edriel?
Sa mga nagtatanong kung buntis na si Hidilyn, ang sagot ay hindi pa po.
Natawa ako sa meme kung saan may litrato nina Hidilyn at Carlos, na ang sabi, ang dalawa ay kulang sa suporta, hindi sikat ang sport sa Pinas, wagi ng gold sa Olympics, at PURE PINOY.
May litrato rin doon ng basketball team na ang deskripsyon naman — sagana sa suporta, sikat ang sport sa Pinas, di makapasok ng Olympics, kung makapasok tatambakan lang, at may naturalized player pa.

