PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mark Bautista, pangarap i-promote talents mula sa Cagayan de Oro

Mark, excited sa kanyang 20th anniversary concert
by PEP Troika
Published Aug 18, 2024
Mark bautista
Mark Bautista, pangarap i-promote ang mga talentadong kababayan niya mula sa Cagayan de Oro. Aniya, “Gusto ko mag-promote naman ng talents sa Cagayan de Oro. Doon kasi ako galing. So parang gusto kong magtayo ng Arts Center. Gusto kong mag-cultivate ng bagong talents."
PHOTO/S: @iammarkbautista on Instagram

GORGY RULA:

Thankful si Mark Bautista sa suporta ng mga kaibigan at katrabaho na maggi-guest sa kanyang 20th anniversary concert na gaganapin sa The Theatre at Solaire sa August 31.

mark bautista
Mark Bautista
Ilan sa mga nagkumpirmang mag-guest sa naturang concert ay sina Regine Velasquez, Erik Santos, Katrina Velarde, Rob Deniel, at Arthur Nery.
Mark My Dreams ang title ng concert, bilang pasasalamat na natupad ang mga pangarap niya sa kanyang singing career.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Mark Bautista 'Mark My Dreams' concert poster
Mark Bautista's "Mark My Dream" concert
Photo/s: PR

Nang nag-promote siya sa radio program namin sa DZRH noong nakaraang linggo, tinanong namin kung meron pa ba siyang dream para sa kanyang singing career.

Read:

Mark Bautista, naging malaya pagkatapos maglabas ng libro

MARK, PANGARAP MAG-PROMOTE NG TALENTS MULA SA CAGAYAN DE ORO

Matagal na pala niyang inaasam na matuloy ang binabalak niyang project na ma-promote ang iba pang talents ng mga kababayan niya sa Cagayan de Oro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Gusto ko mag-promote naman ng talents sa Cagayan de Oro. Doon kasi ako galing. So parang gusto kong magtayo ng Arts Center. Gusto kong mag-cultivate ng bagong talents.

“Gusto kong i-recognize ang mga talents from CDO. Gusto kong gumawa ng malaking concert na may mga talents na nagkaroon ng pangalan dito sa Manila. And gusto ko namang i-showcase sa Cagayan de Oro.

“Para ma-inspire yung mga youth na parang puwede ka palang mag-succeed kahit saang sulok ka ng Pilipinas. Kung maging hard working ka lang and puwedeng matupad yung pangarap mo kahit galing ka lang sa simpleng pamumuhay,” tugon ni Mark..

Ipinagmamalaki ng male balladeer ang iba pang taga-CDO na nakilala sa entertainment, kagaya nina Maymay Entrata, Arthur Nery, TJ Monterde, ang bandang Aegis, at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Sana, matuloy raw itong malaking project na binabalak niya dahil hindi lang mga talented na taga-CDO ang mapo-promote, kundi pati na rin ang kanilang probinsya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Hindi nga alam ng ilang taga-Cagayan mismo na marami palang talents na inspiring from CDO.

“Maganda yung parang magkaroon ng malaking concert to boost also tourism sa Cagayan de Oro and also to inspire the new generation from CDO na, ‘uy, puwede pala!’” sabi pa ni Mark.

Read:

Mark Bautista admits some showbiz friends became distant after revealing he is bisexual

Mark Bautista on failing to recognize GMA-7 station ID: "Lagot ako!"

NOEL FERRER:

Napangiti si Mark nang tinanong kung nakikita ba niya ang sariling nagma-manage na rin ng mga magagaling na singers, lalo na kung kababayan niya ito.

MARK, MAY BALAK DIN BANG MAG-MANAGE NG TALENTS?

“Alam mo, minsan maraming lumalapit sa akin na parang, ‘Uy, puwede ba ako magpatulong?’ Especially nung recently nagpunta ako ng States, nag-show ako dun.

“Ang daming talents na Filipinos sa States. Yung mga nagpu-front act. Tapos sabi nila, kung uuwi raw sila ng Pilipinas, gusto nila ako i-contact para ipakilala ko sila sa mga kakilala ko dito, na puwedeng i-manage or something.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And meron din sa Cagayan de Oro na musician na gusto ring pumunta dito.

“Alam mo, possible din pala talaga ang mga ganun, na parang nakapag-establish ka ng career dito sa Manila, darating yung point na parang maraming gustong magpatulong o maisip mo na parang gusto mo ring tumulong ng iba-ibang talents. Parang ganun,” pahayag ni Mark.

Siyanga pala, kasama rin sina Arman Ferer, Audie Gemora and Franco Laurel na idinirek ni Mark sa concert na Mr. Streisand sa mga makikiisa sa pagdiriwang ng kanyang 20th anniversary sa showbiz.

JERRY OLEA:

Kaybilis ng panahon! Nasa Cagayan de Oro pa si Mark Bautista nang ipagmalaki ng kaibigang Ruval Magpayo ang husay nito bilang mang-aawit.

Natuwa tayo nang lumahok si Mark sa singing contest sa IBC na Star for A Night noong Marso 2002-Marso 2003 kung saan ang kampeon ay si Sarah Geronimo.

Prinodyus iyon ng Viva Television, at gagawin sanang magka-loveteam sina Sarah at Mark, remember?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Bautista, pangarap i-promote ang mga talentadong kababayan niya mula sa Cagayan de Oro. Aniya, “Gusto ko mag-promote naman ng talents sa Cagayan de Oro. Doon kasi ako galing. So parang gusto kong magtayo ng Arts Center. Gusto kong mag-cultivate ng bagong talents."
PHOTO/S: @iammarkbautista on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results