Napa-iling na lang ang GMA-7 singer na si Mark Bautista nang hindi nito nahulaan ang titulo ng Kapuso network station ID nang sumalang ito sa "Karaokids" segment ng It's Showtime.
Isa si Mark sa Kapuso stars na naging special guest sa premiere episode ng nasabing noontime show sa Kapuso network nitong Sabado, April 6, 2024.
Umabot si Mark at ang ka-tandem nitong si Amy Perez sa jackpot round ng "Karaokids," kung saan hinulaan nila kung ano ang mga kantang ipinamalas ng Batang Cute Po kids.
Kabilang sa Batang Cute Po kids sina Argus Aspiras, Imogen Cantong, Jaze Capili, Kulot Caponpon, Kelsey Lasam, Enicka Orbe, at Briseis Quijano.
Sa huling round, nagdagdag ng twist kung saan sina Ion Perez, Jackie Gonzaga, at Ryan Bang naman ang nagpahula ng tono.
Gaya ng sa Batang Cute Po kids, ang kanilang kanta ay batay sa maririnig nila sa kanilang headphones na ang pinagmumulan ay ang performance ng mga bata na nasa labas ng studio.
Ang GMA-7 station ID theme song na "Kapuso Anumang Kulay Ng Buhay" ang unang kantang ipinarinig nina Ion, Jackie, at Ryan ngunit hindi ito nahulaan ni Mark.
Sa pagtatapos ng segment, ang nasabi na lang ni Mark, "Lagot ako! Lagot ako!"
Nasagot naman ni Mark nang pinahulaan ang tono ng "Star ng Pasko," ang Christmas Station ID ng ABS-CBN noong 2009, kung saan kasama ang Kapuso singer sa mga kumanta nung dati itong nasa Kapamilya network.
"LET ME EXPLAIN"
Sa X (dating Twitter), pabiro na lang nasabi ni Mark, "Atty. Gozon let me explain….." Kasama ang peace sign na emoji.
Reply naman ng isang netizen, "We understood, because you are one of the artists who sang this beautiful song year 2009!"
Natatawang sagot ni Mark, "tama haha."

Biniro naman ng isang X user si Mark na halos 14 years na siya sa Kapuso ngunit hindi nito natunugan ang GMA-7 station ID.
Sabi ng netizen, "MARK HAHAHAHHAHA DISAPPOINTED AKO NA DI MO NATUNUGAN ANG GMA THEME @iammarkbautista 14 YRS KA NA RITO HA HAHAHAHAHHA #ShowtimeSanibPwersa #ShowtimeSaGMA"
Humingi naman si Mark ng paumanhin at sinabing, "Pasensya nag Lag lang [emoji]."

Dagdag pa ng isa pang netizen, "Pero kabisado pa din ung star ng pasko hahahahahahahahahahahaha #ShowtimeSanibPwersa"
Paliwanag ni Mark, "lagi kasi yqn sa mga Caroling [emoji] pasensya na [emoji]."

READ MORE:
- Mark Bautista open to a relationship with a woman; wants to have a family
- Mark Bautista retrieves hacked Instagram account: “I already deleted all the sexy photos.”
- Mark Bautista, humihingi ng tulong matapos ma-hack ang Instagram account
- Mark Bautista admits some showbiz friends became distant after revealing he is bisexual
