NOEL FERRER
Mahaba ang Facebook post ni Gerald Santos ngayong Agosto 22, 2024, Huwebes ng hapon kaugnay sa "RESIBO SA PAGPAPA-RELEASE sa GMA Network."
Ani Gerald: “Eto po ang resibo na request ko po ay release sa ilalim ng Talent Development and Management Center o ang GMA Artist Center that time at hindi sa mismong network.
“Ang gusto ko lang po noon ay magkaron ng ibang manager na makikipag negotiate para sa akin sa loob ng network at maihanap din ako ng ibang work outside the network kung walang maibibigay na work ang network sa akin.
“Hindi po ako nag-burn ng bridge sa network. Hindi pa ako naghahain ng complaint, ako ay naalis na sa SOP Noong October 2009.
“In particular binigyan nila ako ng ‘Spotlight’ solo performance October 18, 2009 pero ito pala ay ‘Farewell’ performance ko na.
“Makalipas ang halos apat na buwan na wala akong trabaho sa network, ako po ay tinawagan ni Kuya Germs para maging mainstay muna sa Walang Tulugan para kahit papano ay may ginagawa ako.
“Sya po ang ‘kumupkop’ sa akin para kahit paano ay may TV show pa din akong masasabi (wala po akong TF sa Walang Tulugan binibigyan lamang ako ni Kuya Germs ng Pang Gas na nanggagaling sa sarili nyang bulsa).
“My first appearance sa Walang Tulugan ay noong February 6, 2010. Ibig sabihin ay halos apat na buwan na po akong walang trabaho while still under contract with GMAAC.
“Lagi pong sinasabi sa akin ni Kuya Germs na ginagawa nya yun dahil naniniwala sya sa aking talent."
Read: Gerald Santos speaks up about "sexual harassment" at 15
"VIRTUALLY BANNED" FROM GMA NETWORK
Kasunod nito ay inilista ni Gerald ang iilang programa ng GMA-7 na nilabasan niya matapos maghain ng kanyang formal complain laban sa musical director na inaakusahan niya ng panghahalay.
Ito ay bilang patunay raw may nanggigipit sa kanya sa Entertainment department ng network, sa kabila ng pagiging "homegrown artist" niya bilang grand winner ng Pinoy Pop Superstar Season 2.
Saad ni Gerald: “In between po doon sa almost 4 months na wala akong trabaho sa network, ay nakikipag dialogue kami sa mga officials ng GMA Artist Center about sa plano nila sa aking career dahil wala akong show that time at doon nadin kami naghain ng aking complaint against sa Musical Director sa GMA Artist Center.
“Unfortunately, hindi po nila ito pinapansin at inaaksyunan. Kaya dumulog na kami sa Top Management ng network at inihain din ang aming reklamo.
“Matapos kaming mag complaint ay inilagay ako panandalian sa Party Pilipinas ako po ay nakadalawa or tatlong appearance lamang sa show at agad ding inalis, at nung napanood po ako ng isang executive ng network na kumakanta ng madaling araw sa Walang Tulugan ay agad tinawagan si Kuya Germs at bakit daw ako hinahayaang mag perform sa show na yun at kailangan agad akong tanggalin.
“May resibo ako sa pangyayaring ito.
“Hindi po ba ito ay patunay na may nanggigipit sa akin bilang Home-Grown Artist ng network?
“From 2010-2024 ay 4 na beses lamang ako nakatungtong sa network ngunit hindi sa Variety Shows where i'm supposed to be :
“HIMIG ng PASKO - December 2014 (produced by GMA News and Public Affairs)
“UNANG HIRIT - April 8, 2019 - matapos ang aking Miss Saigon stint sa UK after 2 years (under GMA News and Public Affairs )
“SUNDAY PINASAYA - May 19, 2019 (produced by APT, the same production team that time ng Eat Bulaga)
“Family Feud - October 28, 2022 (game show)
“Excluded po dito ang mga naging guesting ko sa Eat Bulaga at 700 Club Asia dahil sila po ay mga Block Timers sa GMA.
“Paki-note nyo na maliban sa Sunday Pinasaya na produced naman ng ibang production (APT), ang mga shows na ito ay hindi variety shows o kantahan kung saan talaga ang linya ko.
“What i'm pointing out here is, sa entertainment department ay galit padin sa akin ang isa sa mga executives dahil sya ay napasama sa aking complaint letter sa Top Management.
“Hindi ko po sinabi na i'm totally banned sa network, but seems like ‘virtually banned’ ako.
“At syempre madali po nila yang maidedeny dahil ito po ay nangyayari lamang sa mid-level management ng network na sila sila narin ang magtatakipan.
“Kayo na po ang humusga kung hindi paba pruweba na sa 14 years ay apat na beses lamang ako nakalabas sa network ay meron talagang humaharang sa akin at alam ko kung sino sya."
Read: GMA-7 categorically denies Gerald Santos was "pinag-initan," "na-ban"
AUDIENCE APPEAL
Binanggit din ni Gerald ang mga karangalang nakamit niya sa ibang bansa dala ang titulo niya bilang Pinoy Pop Superstar grand champion ng GMA-7.
Bukod dito, nagtala rin daw ng mataas na ratings ang guesting niya, kasama ang iba pang Pinoy Pop Superstar alumni, sa game show na Family Feud.
Patunay raw ito ng pagkakaroon niya ng audience appeal.
Ayon kay Gerald: “Sa isang talent na nagdadala ng karangalan hindi lamang sa kanilang network kundi sa buong bansa (ako po ang main THUY sa Miss Saigon UK/International Tour ni Sir Cameron Mackintosh at main THUY din sa Miss Saigon Denmark at nakapag perform ako ng 614 times. MERIT po yang matatawag).
“Kahit nasa ibang bansa ako ay dala dala ko na isa akong Grand Champion ng Pinoy Pop Superstar ng GMA Network!
“I WAS PROUD OF IT! Yan ay nakalagay sa lahat ng souvenir at brochure program ng Miss Saigon na binibili at ipinamimigay sa pag tour namin sa buong UK at parts of Europe.
“Sa mismong Pinoy Pop Superstar, ako po ang nabigyan ng PEOPLE'S CHOICE AWARD ‘VIEWERS' FAVORITE’ among the 8 grand finalists.
“Ito po ay garnered thru text votes noong panahon na yun 2006 (na napakahirap po ma-achieve dahil may karampatang bayad ang bawat text votes from the public ) so yan po ang magpapatunay ng totoong AUDIENCE APPEAL.
“At ito pong pinakahuli kong guesting sa Family Feud kasama ang mga alumni ng Pinoy Pop Superstar ay nagtala ng ISA SA PINAKAMATAAS if not the highest na rating sa history ng show na ito with 16% audience share..
“I'm not claiming that it's just because of me, but how ironic na ng nakasama ako at noon lamang muli ako nakita sa show ng GMA ay yun pa ang nagtala ng isa sa pinakamataas na rating sa isang episode nito. Another proof of AUDIENCE APPEAL."
DIFFERENT COMPLAINTS
Tungkol naman sa pagbanggit niya ng "rape" sa Senate hearing noong Lunes, Agosto 19, 2024, na iba sa inihain niyang sexual harassment complaint sa GMA Network noong 2010, sasagutin niya raw ito sa kapag nagsampa na siya ng pormal na kaso sa korte.
Lahad ni Gerald: “At sa sinasabi nila na naiiba ang aking complaint na ipinadala sakanila, i will tackle that sa court of law.
“Hindi po sworn affidavit o under oath ang letter ko sakanila. Kundi narrative o paglalahad lamang sa aking recollection ng nangyari that time ang aking ibinigay sakanila.
“Uulitin ko po na ako ay 15 years old lamang ng ito ay mangyari, ako po ay puno ng takot, kaba, kahihiyan at in-denial sa mga nangyari at hindi padin makapaniwala sa mga nangyari up to now.
“Ang buong pangyayari ay ilalahad ko sa sworn affidavit na gagamitin sa court of law."
Read: GMA insiders stunned by mention of "rape" in Gerald Santos senate testimony

NOT GERALD SANTOS VS GMA NETWORK
Samantala, hindi raw inakala ni Gerald na ang kinahinatnan ng pagbibigay ng testimonya niya sa senado ay tila ang mismong GMA Network ang inirereklamo niya.
Hindi raw iyon ang kanyang intensiyon.
Sa katunayan ay nakasalamuha raw niya noon ang mga may-ari ng GMA Network at masasabi niyang mabubuting tao ang mga ito.
Paglilinaw ng singer: “Ang kinatakbuhan po ng Senate Hearing ay naging Gerald Santos vs GMA Network na hindi po dapat at hindi ko inakala.
“I thought na ang ididiscuss doon ay about sa abuse na aking naranasan at kung pano ito maiiwasan, na higit na mas mahalagang issue na dapat i-tackle.
“Ang hinahangad ko lamang ngayon ay maparusahan at mapanagot ang umabuso sa akin na ginawang miserable ang buhay ko sa mahabang panahon.
“Sinabi din na kami ay nagsignify ng intent to be in the network that year 2013, i dont see anything wrong about it po.
“Uso naman sa mga artista ang nag o-Ober Da Bakod. At least we humbly let them know that i want to be in the network at nag approach kami properly.
“Lalu lamang nito napatunayan na we wanted to be in the network (dahil i need constant work dahil ako po ang bread winner ng family) but hindi na kami tinanggap bilang maging isang official Kapuso Artist. We never heard from them."
Pagpapatuloy ni Gerald: “Nakakalungkot at mukhang hindi alam ng Top Management ng GMA ang mga nangyayari sa mid-level management.
“Sana ito ay kanilang tignan dahil ito ang sumisira sa kanilang mga ipinaglalaban. I have met with owners of the network at masasabi ko pong sila ay mabubuting tao and they entertained me even though i'm just a mere boy that time.
“At dun nga sinabi sa akin ni Atty. Felipe Gozon kasama si Sir Gilberto Duavit na ‘Kung sisikat ka, dapat dito sa GMA dahil winner ka namin at home grown talent ka namin.’
“May mga tao lamang sila sa loob na sumisira sa good intent ng network at hindi nila kaisa sakanila Mission at Vision.
“Naglabas lamang po ako ng aking "facts" pero hindi po ito GMA vs Me. It's versus mga taong nang aabuso at ginagamit ang kanilang kapangyarihan para gumawa ng kahalayan at kasamaan sa mga inosenteng biktima.
“Maraming salamat po.”
Medyo nakakaawa lang na kailangang sagutin ni Gerald ang mga isyu sa kanya at ang dami nang salitang pinalutang, na parang nanghihingi rin ng trabaho.
Tuloy, ikinakabit ang post ni Annette Gozon-Valdes bilang pahiging na tugon, “Sorry but we cast based on merit and audience appeal.”
Hindi ba’t mas mainam na kung inaayos na ni Gerald ang kanyang ihahain na pormal na demanda? Hindi talaga madali ang pinagdadaanan niya.
Read: Sen. Jinggoy Estrada addresses "victim blaming" accusations
JERRY OLEA
SEXUAL HARASSMENT COMPLAINTS TIMELINE
Hulyo 30, 2024, Martes ng umaga, nang lumabas dito sa PEP Troika ang blind item na, “Newbie actor, muntik nang maging ‘midnight snack’ ng TV execs.”
Read: Newbie actor, muntik nang maging "midnight snack" ng TV execs
Nang araw ring iyon ay naglabas ng statement ang Kapuso Network,: “Online articles and posts have recently circulated regarding an alleged incident involving an artist and independent contractors of GMA Network.
"We have yet to receive a formal complaint from those allegedly involved in the issue. Should one be filed, the Network is committed to conducting a thorough and impartial investigation.
"We assure the public that GMA Network takes such matters with utmost seriousness."
Iyon ang first time na pumasok sa ating diwa ang phrase na "independent contractors."
Read: GMA-7 statement on issue about artist, independent contractors
Agosto 1, Huwebes ng hapon, ay naglabas muli ng statement ang GMA Network at sinabing nakatanggap na sila ng pormal na reklamo mula kay Sandro Muhlach.
Pinangalanan na ang dalawang independent contractors — sina Jojo Nones at Richard “Dode” Cruz.
Read: GMA-7 names "independent contractors" in Sandro Muhlach incident

Agosto 2, Biyernes, nag-post sa Facebook si Gerald Santos, “Ang dami nagmemessage, nagta-tag sa akin about this issue. Nagbalik ang sakit sa akin at hindi ko maiwasan maluha to imagine ang sinapit nya.
“My heart goes to Sandro and the whole Muhlach Family.. I was once in this situation but back then wala kang boses, walang social media.
“Unlike ngayon na nagkaroon na ng #MeToo movement. But i will hold my head up high for standing up amidst tremendous pressure to just let go of what happened. I hope he gets the justice i was once denied of.”
Read: Gerald Santos sympathizes with Sandro Muhlach
Agosto 3, Sabado, naman lumabas sa Cabinet Files ng katotong Jojo Gabinete ang blind item na, “Talent ng isang TV network, biktima ng pangmomolestiya.”
Read: Talent ng isang TV network, biktima ng pangmomolestiya
Agosto 9, Biyernes, dumulog ang unnamed male talent/news researcher ng TV5 sa programa ni Senador Raffy Tulfo na Wanted Sa Radyo.
Inireklamo ng male talent ang program manager ng Kapatid Network na si Cliff Gingco. Itong si Gingco ay may asawang babae, may anak na babae, member ng isang choir (na ang pangalan ng koro ay patungkol sa God’s Love), at sobrang close daw kay Luchi Cruz-Valdes (LCV).
Ang multi-awarded broadcast journalist na si LCV ang kasalukuyang chief ng News5, ang news and public affairs ng TV5.
Related Sories:
- Talent accuses TV5 News and Current Affairs program manager of sexual harassment
- Raffy Tulfo calls out TV5 for sexual harassment complaint
- Raffy Tulfo, binantaan ang TV5 na magpapatawag ng Senate hearing
Agosto 19, Lunes, naging panauhin si Gerald sa Senate hearing, kung saan may mga netizens na na-off sa pagtatanong ni Senador Jinggoy Estrada sa mang-aawit.
Read: Sen. Jinggoy Estrada addresses "victim blaming" accusations
ATTY. ANNETTE GOZON-VALDES' FACEBOOK POST
Noong isang araw nag-post sa Facebook si Atty. Annette Gozon-Valdes (AGV), “Sorry but we cast based on merit and audience appeal.”
Iyong mahabang Facebook post ni Gerald this Thursday ay tila sagot sa naturang post ni Atty. AGV.
Abang-abang tayo sa mga development sa mga kasong ito.
Nabalitaang nagpasalamat ang kampo ni Gerald kay Senador Jinggoy. Tingnan natin kung may senador na mamamagitan upang maayos ang anumang gusot sa pagitan ni Gerald at ng Kapuso Network.
Sa ngayon ay hindi pa pinapangalan ang musical director na inireklamo ni Gerald.
Nabalitaan ng PEP Troika na handang magtungo sa Senado ang unnamed talent ng TV5 sakaling ipatawag ito.
Handa na ba ang unnamed talent na ilantad ang kanyang mukha?
Sagot ng source ng PEP Troika, “Sa ngayon, hindi pa. If ever na ipatawag siya sa Senate, pupunta siyang naka-hoodie, mask at shade.”
GORGY RULA
Atty. Annette Gozon-Valdes is GMA Network's Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Group, and President of GMA Films.
She has been selected to serve as a juror for the esteemed 2024 Asian Academy Creative Awards. This underscores AGV's commitment in championing creative excellence across the Asia-Pacific region.
A member of GMA Network's Board of Directors since 2000, AGV has played a pivotal role in the Network’s rise as an industry leader. Her diverse leadership roles continue to deliver the Network’s success on both a national and global scale.
As President of GMA Films, she led the production of blockbuster movies such as Let the Love Begin, Moments of Love, Firefly, and the thought-provoking Cinemalaya 2024 entry Balota.
Through GMA Worldwide, AGV spearheaded the distribution of the Network's original and innovative programs across five continents, and has licensed over 100 titles, introducing global audiences to fresh, award-winning content via program syndication.
These include Lolong (Crocodile Whisperer), Return to Paradise, First Yaya (The First Nanny), and its sequel, First Lady.
AGV’s dedication to showcasing the best in creative talent and storytelling has led to groundbreaking programs such as Encantadia, the live-action adaptation of Voltes V: Legacy, and the historical portal fantasy series Maria Clara at Ibarra.
