GORGY RULA:
Napagkasunduan na ng taga-Mavx Productions na palitan nila ang title ng pelikulang Dear Satan na bida si Paolo Contis at ang child actress na si Sienna Stevens.

“I would respect kung ano man yung sinasabi ng mga tao,” pakli ni Paolo nang nakapanayam ng PEP Troika sa look test ng pelikulang ConMom ngayong Linggo, August 25, 2024.
Nagulat lang daw siya na kaagad na nag-react ang mga tao base sa title pa lang. Pero sensitive daw sila sa opinyon ng mga tao, kaya minabuti nilang palitan na lang.
PAOLO, NAGULAT SA REAKSYON NG NETIZENS SA MOVIE TITLE
“Medyo nagulat, because I honestly thought they would see the difference ng art at ng movie na fiction kesa sa ano, I mean.
“Wala naman kaming sinabing sambahin mo si Satanas, e. I think the trailer was very clear that I was trying to influence her, but it never happened, because her faith was strong,” dagdag niya.
Nakatakdang i-review ito sa MTRCB sa Martes, August 27 at makikita naman daw sa pelikula kung ano ang mensahe ng kuwento nito.
“I hope… you know it’s a movie, it’s fiction. The main concept of the film is the battle between good and evil, di ba? Isang bata na pure at heart, at si Satanas.
“Kung gusto mo ng good and evil, sino ba ang pinakapuwede mong iano? Si Satanas na, di ba? Yun lang yung sa akin. And again, fiction siya,” saad ni Paolo.
Read:
- Dear Satan movie ni Paolo Contis, papalitan na ang title
- Paolo Contis, deadma sa rumored breakup nila ni Yen Santos
NOEL FERRER:
Konsepto ni Paolo Contis itong Dear Satan, at iyon ang sagot niya sa mga nagtatanong kung bakit niya tinanggap ang project.

Madali lang talaga siyang i-bash ng ilang netizens, kaya naisip din daw niyang baka hindi siya nakatulong sa pelikula.
PAOLO APPEALS FOR UNDERSTANDING
“Hindi ko alam, e. Puwedeng hindi nakatulong na ako yung gumanap. Hindi ko masabi, e.
“Pero kasi based naman dun sa reaction ng mga tao, it was not me. It was the whole thing, so hindi ko masasabi kung ano… I think it’s the title.
“Pero siyempre again, sinusunod namin iyan. Nakausap ko si Lucky [Blanco], yung producer natin.
“He wanted to be sensitive to what people were saying. Of course, the story will remain, nandiyan na iyan, ready na iyan.
“Sana lang, they’ll give it a chance na… isa sa feeling ko na nakita nila na ‘E bakit si Satan, parang ang bait ng dating?’ Of course, pambata yung ginagawa nating pelikula, e.
“Kasi puwede naming gawing malalaki iyan e, tapos may bata.
“E, di mas pangit siya tingnan. And I think yung pinakaturo sa mga bata, naniniwala rin ako na ang pinakaturo sa mga bata, ‘yes, manonood ka ng pelikula.’
“Pero at the end of the day, yung pagtuturo sa mga bata kung ano yung tama at mali, siyempre pag-uwi niyo na yun. Pag-usapan niyo yun, di ba?
“But again, we made sure na itong pelikulang ito, the kids will not question their faith. It will just show na ang taong mabait, hindi mo maimpluwensyahan… the good will always prevail,” saad ni Paolo.
JERRY OLEA:
Nilinaw rin ni Paolo Contis na maingat sila nang ginawa nila itong pelikula, lalo na’t bata ang co-actor niya rito.
PAOLO ON CONTROVERSIAL TITLE: "YOU CANNOT JUDGE THE WHOLE FILM BASED ON THAT"
Kakaiba lang talaga ang konsepto nito at kung anu-ano na ang mga opinyon sa title nito.
“We made sure... we were very sensitive about the kid. Siyempre, maging sensitive kami diyan.
“Yung title lang siguro. Ang sa akin lang kasi, yun yung concept ng pelikula, e. Nagkamali yung bata, kay Santa, naging si Satan, that’s it.
“But you cannot judge the whole film based on that.
“Kasi maganda yung mensahe e, na kahit anong sama nung tao, kung pure yung faith mo, bata. Di ba sabi nga nila, you should have a child-like faith, di ba?
“Para ano… ito yung literal na child-like faith na kahit anong sama ko dun sa bata, mabait pa rin siya sa akin.
“Para sa akin, magandang mensahe diyan na nabalot lang ng kung anu-anong issue dahil…” sabi pa ni Paolo.
Marami ang nagsa-suggest sa kanila na i-submit ito sa Metro Manila Film Festival.
Hindi pa raw nila alam. Depende raw kung paano ito tanggapin ng MTRCB.
“Hindi pa sure. Kung payagan tayo ng MTRCB,” pakli ni Paolo.
Balak din nilang i-submit sa MMFF itong gagawin nilang ConMom na bale pagbabalik ng samahan nila nina Kaye Abad at Patrick Garcia.
Pinag-usapan na raw nilang gumawa sila uli pagkatapos ng A Journey. Kasama rin nila rito sa ConMom sina Empoy Marquez at Kit Thompson, sa direksyon ni Noah Tonga.
Read:
