PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lavender Fields naungusan sa Top TV Shows ng netflix

...after 27 days.
by PEP Troika
Published Sep 29, 2024
On Netflix, Gheongseong Creature is now Top 1, while Lavender Fields moves down to Top 2 on September 29, 2024
Sa Netflix's Top 10 TV shows ngayong araw, September 29, 2024, nasa Top 1 ang GyeongSeong Creature, bumaba sa Top 2 ang Lavender Fields.
PHOTO/S: Netflix

JERRY OLEA

Na-dethrone na ang Lavender Fields ni Jodi Sta. Maria.

Nanguna ang 100-episode Lavender Fields sa talaan ng Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix for 27 consecutive days—mula Setyembre 2, 2024, Lunes, hanggang Setyembre 28, Sabado.

Ngayong Setyembre 29, Linggo, bumaba na ito sa pangalawang puwesto.

Ang kumabog dito ay ang South Korean suspense mystery horror series na GyeongSeong Creature, na ang second season ay nag-streaming umpisa Setyembre 27, Biyernes.

TV SHOWS THAT HELD NETFLIX'S TOP 1 SPOT

Take note, ang Pulang Araw ay nanguna sa lipon ng TV shows sa Netflix PH for 14 consecutive days—mula Hulyo 28, Linggo, hanggang Agosto 10, Sabado.

pulang araw netflix
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinalo ito ng The Umbrella Academy na three consecutive days sa top spot.

Nakabalik sa number 1 ang Pulang Araw for three more consecutive days until nag-premiere ang bagong season ng Emily in Paris.

Mula noon ay ispageting pababa na ang posisyon ng 100-episode series nina Alden Richards, Sanya Lopez, Barbie Forteza, David Licauco, at Dennis Trillo. Hindi na ito nakabalik sa top spot.

Read: Alden Richards, nagkuwento tungkol sa kanyang dugong Amerikano

Ang TV shows na nag-number 1 din sa Netflix PH after Emily in Paris ay Love Next Door at The Frog.

Iyon namang Can’t Buy Me Love ay number 1 for 23 consecutive day —mula Oktubre 16, 2023, Lunes, hanggang Nobyembre 7, Martes.

Nagapi ito ng Attack on Titan nang mag-streaming ang final season nito.

Nag-number 1 pa rin ang 148-episode DonBelle series noong Nobyembre 10, 12-23, and then rumatsada na ang mga TV shows na Squid Game: The Challenge, Replacing Chef Chico, My Demon, Sweet Home, Yu Yu Hakusho, at Gyeongseong Creature hanggang katapusan ng 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pagpasok ng 2024, ang mga bagong TV show na nagpakitang-gilas sa top spot bago ang Pulang Araw ay ang Berlin, Solo Leveling, American Nightmare, Captivating the King, Griselda, Doctor Slump, A Killer Paradox, House of Ninjas, Avatar: The Last Airbender, Queen of Tears, Testament: The Story of Moses, Parasyte the Grey, Kaiju No. 8, The Atypical Family, Demon Slayer, Bridgerton, Jokoy: Live From Brooklyn, Hierarchy, Miss Night and Day, Mashle, at Alya Sometimes Hides Her Feelings in Russian.

Top 10 Shows in the Philippines Today, September 29

  1. Gheongseong Creature
  2. Lavender Fields
  3. Culinary Class Wars
  4. Monsters: The Lyle and Erik Menendez Story
  5. Love Next Door
  6. The Resident
  7. Pulang Araw
  8. Nobody Wants This
  9. Emily in Paris
  10. Mr. McMahon Ang

Top 10 Movies in the Philippines Today, September 29

  1. Bad Boys: Ride or Die
  2. Bangkok Breaking: Heaven and Hell
  3. Clash of the Titans
  4. Officer Black Belt
  5. Chances Are, You and I
  6. Gifted
  7. Uglies
  8. No More Bets
  9. The Purge: Anarchy
  10. Tarot
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

GORGY RULA

Sa totoo lang, pareho kong sinusubaybayan ang Pulang Araw at Lavender Fields. Parehong medyo lumaylay ang mga kaganapan.

Mas madrama ang huling episodes ng Pulang Araw, kahit “Giyera Na” na ang matagal nilang pinromote.

Ang Lavender Fields naman ay soap na soap pa rin ang takbo ng kuwento at unti-unti na akong nauumay sa hangad nilang paghahanap kay Jasmin Flores na si Lavender Fields na ngayon.

Sa dami nilang nananaliksik para malaman kung sino at kung nasaan si Jasmin Flores, ang batang si Marisol (Jana Agoncillo) at ang partner na agent ni Albert Martinez na si Eric Pascual (Race Matias) ang una pa talagang nakapag-isip na sina Jasmin at Lavender ay iisa.

Pero nagkakilala na sina Jasmin Flores at Agent Fernandez (Albert Martinez) sa latest episode ng teleseryeng ito.

Sa Pulang Araw naman, winner pa rin talaga si Barbie Forteza na consistent ang galing niya.

Okay pa rin si Angelu de Leon na lalo mong kaiinisan sa karakter na ginagampanan niya rito bilang si Carmela.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Angelu de Leon: "Binabayaran ako para maging ang sama."

Agree din ako sa sinasabi ng iba na gumagaling na si David Licauco sa pag-arte.

Sa Lavender Fields ay winner pa rin si Jodi Sta. Maria sa mga nuances niya.

Pero sa huling episode nito, ang moment ay kay Maricel Soriano na hindi pa rin kumukupas ang galing niya.

Malaking bagay talaga ang epektibong pag-arte ng mga artista para lumabas na maganda ang isang teleserye o ang isang pelikula.

Samantala, inaabangan na ngayon sa Netflix kung dito na ba mapapanood ang kontrobersiyal na Dear Satan ng Mavx Productions.

alipato at muog dear satan x-rated
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Abala ngayon ang Mavx sa mga susunod nilang pelikula, at wala pa silang ginagawa para sa pelikulang ito ni Paolo Contis.

Mukhang inaabangan na lang nila ang streaming nito na ang pagkakaalam namin ay may schedule na ito sa Netflix sa December.

NOEL FERRER

Inaabangan din natin ang Netflix streaming ng 130-episode Incognito nina Richard Gutierrez, Daniel Padilla, Baron Geisler, Ian Veneracion, Maris Racal, Anthony Jennings, at Kaila Estrada.

Hindi tuloy sa Nobyembre 1 ang umpisa ng Netflix streaming ng advance episodes nito. Ibig sabihin, mas makakapaghanda ang produksiyon.

Pagkatapos ng shoot sa Matera sa Southern Italy ay Benguet ang kanilang next location.

Maliban kay Jane de Leon, may isa pang pasabog na guest ang Incognito na pang-golpe de gulat.

Totoo ba ang naulinigan ng PEP Troika na magne-Netflix streaming ang Incognito ay kapag tapos na ang Lavender Fields?

Sa Enero 2025 ay may 10 episodes pa ang Lavender Fields na mag-i-streaming in advance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, kasado na ang streaming sa Nettlix PH ng mga pelikulang That Kind of Love, Outside, at Under Parallel Skies.

Oktubre 10, Huwebes, ang streaming ng That Kind of Love, starring Barbie Forteza and David Licauco.

Oktubre 17, Huwebes, ang streaming ng zombie thriller na Outside, starring Sid Lucero and Beauty Gonzalez.

Oktubre 24, Huwebes, ang streaming ng Under Parallel Skies, starring Win Metawin and Janella Salvador.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa Netflix's Top 10 TV shows ngayong araw, September 29, 2024, nasa Top 1 ang GyeongSeong Creature, bumaba sa Top 2 ang Lavender Fields.
PHOTO/S: Netflix
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results