JERRY OLEA
Ngayong 2024 ay isang pelikulang Pilipino pa lamang ang tinangkilik nang lubos ng moviegoers. Ito ay ang reunion movie nina Joshua Garcia at Julia Barretto na Un/happy For You.
Nag-open ito sa mahigit 200 sinehan nationwide noong Agosto 14. Ang first day gross nito ay PHP20.5M.
Parami nang parami ang mga sinehan ng JoshLia reunion movie nang mga sumunod na araw — naging 230+ cinemas, na after a few hours ay nadagdagan at naging 250+ cinemas.
Read: Un/Happy For You: An acquired taste for love's hard truths
As of August 17, Saturday, 3:00 P.M., ay umabot na sa 320 ang mga sinehan niyon. Siyempre pa, palaki rin nang palaki ang cumulative gross ng Un/happy For You.

Sa first two days, PHP40M.
Sa first three days, PHP65M.
Sa first four days, PHP104M.
Sa first five days, lampas P150M.
Sa first six days, naka-P170M.
As of August 22, Thursday, ibinalita ng ABS-CBN News sa socmed na umabot na sa PHP200M ang hinamig ng Un/happy For You sa mga sinehan sa Pilipinas.
Read: Un/Happy For You, umakyat na sa PHP200M ang box-office gross
HELLO, LOVE, AGAIN
Ang kasunod na pelikulang Pinoy na magpapayanig sa takilya ngayong 2024 ay ang reunion movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, ang Hello, Love, Again.
Mag-o-open ang pangalawang KathDen movie sa Nobyembre 13, Miyerkules, sa 500 sinehan (as of today).
Ayon sa Facebook page ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP) ay may midnight screenings ito sa 72 select cinemas nationwide.

Pahayag ng isang dyed-in-the-wool supporter ni Kathryn, “Sa advance ticket sales, block screenings at midnight screenings ng Hello, Love, Again, hindi bababa sa PHP30M ang first day gross ng reunion movie ng KathDen. Probable na lumampas sa PHP50M!”
Read: Kathryn, Alden develop deeper friendship in Hello, Love, Again
Sana, huwag piratahin agad-agad ang Hello, Love, Again.
Iyon kasing Un/happy For You, after one week ay nagkalat na sa Facebook ang pirated copies nito.
Ang running time ng Hello, Love, Again ay 2 hours 2 minutes. PG (Parental Guidance) ang MTRCB rating nito.
Kasabay nitong mag-o-open sa local cinemas this Wednesday ang Elevation, at SANA: Let Me Hear.

NOEL FERRER
Umaasa akong magiging big blockbuster ang Hello, Love, Again!
Tumodo naman lahat.
Ang creatives sa pagpapaganda ng pelikula.
Ang promo na kahit probinsya ay napuntahan nila, at ang mga networks na talagang inikot ng lead stars.
Malampasan ba nila ang Rewind? Let’s hope for the BEST!!!
Read: Kathryn at Alden, umikot sa Kapuso programs nitong weekend
GORGY RULA
Ang Un/happy For You ang talagang pinag-usapang box-office hit.
Pero ang pelikulang Balota ni Marian Rivera ay maganda rin daw ang kinalabasan sa takilya.
Sa katunayan, may ilang sinehan pa ang Balota at patuloy na sinusuportahan ng fans ni Marian.

Ayon sa ilang nasagap naming impormasyon, halos PHP35M na raw ang kinita nito.
Hindi naman ganun kalaki ang puhunan nito base sa mga nakarating na kuwento sa amin. Kaya tubong-lugaw na raw sila rito, at idagdag pa ang streaming nito sa Netflix.
May mga pelikula pa ring kumikita basta na-handle lang nang mabuti ang production cost.
Sana, hindi lang ang Hello, Love, Again ang mabiyayaan ng magandang resulta sa takilya.
Bukas na ang showing nito, at inaasahang aabot pa ito sa susunod na linggo.
Sana, kahit paano ay makabawi naman ang susunod pang iso-showing, ang Huwag Mo ‘Kong Iwan at Idol: The April Boy Regino Story na sa November 27 ang playdate kasabay ang Moana 2.
